*Andrea's POV*
Nang maka labas na ng kwarto ko si Andrew ay hindi na rin ako nakapag patuloy sa pag susulat ng storyang ginagawa ko, pano pa ba ko makakapag sulat eh nasira na yung mood ko.
Busit na lalaki yun.
Lumabas na lang ako ng kwarto ko at naisipang puntahan si Catliya sa kwarto niya kaso pagka bukas ko ng pinto ng kwarto niya eh wala naman siya dito sa loob kaya umalis na lang ako. Nag lakad naman ako papunta sa kwarto ni Eryell kaso wala din siya dito. Sa kay Rhoda at Neca din sana kaso naisip ko na baka maka istorbo lang ako sa moments nila ng mga jowa nila.
Nasan na kaya sila Eryell at Catliya, di man lang ako sinabihan kung may pupuntahan sila.
At dahil nga wala naman dito ang mga kaibigan ko naisipan ko na lamang na tumambay na lang sa may garden, ang presko kasi ng hangin dito eh tsaka nakaka relax. Bago ako dumiretso sa garden ay bumalik na muna ako sa kwarto ko para kunin ang notebook at ballpen ko, baka lang kasi makapag sulat na ako dun.
Nang makuha ko na ang mga gamit ko sa pag susulat ay nag lakad na ako papunta sa garden tsaka nag hanap ng pwedeng mapwestuhan. Nag lakad lakad lang muna ako ng biglang may tumawag sakin na isang lalaki.
"Princess!"
Napalingon naman ako agad ng marinig ko ang pag tawag na iyon at nakita ko si Mike na nag lalakad palapit sakin habang naka ngiti.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito? Ba't ikaw lang mag isa?" Tanong ni Mike kaya napataas naman ang kanang kilay ko.
"Bakit? Bawal ba ko dito?" Naka taas kilay na tanong ko sa kanya.
"Hahaha hindi naman sa ganun," sabi niya.
"Nag tatakha lang kasi ako kung bakit di ka sumama sa kanila Princess Eryell ar Princess Catliya kanina," dagdag ni Mike kaya nag takha naman ako.
"Alam mo kung nasan sila?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam kung saan sila pupunta pero nakita ko sila kanina na nag lalakad paalis ng palasyo," sagot ni Mike kaya tumango tango na lang ako sa kanya at nag patuloy sa pag lalakad hanggang sa may makita akong upuan na malapit sa isang balon. Nag lakad ako dito palapit at napansin ko agad ang sign na nakalagay sa tabi ng balon.
Wishing well
Wishing well huh? Makapag wish nga.
Chineck ko muna ang mga bulsa ko para matignan kung meron ba akong piso dito at ng may mahanap ako ay kinuha ko na ito at pumikit.
Hiling ko, sana mag karoon na ng anak sila ni Joanna at Jason, sana din lagi kaming anim na masaya sa piling ng mga mahal namin sa buhay...at sana, mapansin naman ako ni Andrew.
"Andrea,"
"Ay palaka ka!" Sigaw ko ng biglang may sumigaw kaya nabitawan ko tuloy yung piso at nag shoot naman ito kaagad sa balon.
Matupad kaya yung wish ko?
"Andrea, what are you doing here?" Tanong ulit ng lalaking tumawag din sakin kanina kaya napalingon naman ako sa kanya at tama nga ang hinala ko, si Andrew nga.
"Wala naman mag susulat sana ako ng makita ko 'tong wishing well kaya nag wish na ko," sabi ko sa kanya at ngumiti pero napansin kong ang sama lang ng tingin niya kay Mike at ganun din si Mike sa kanya.
"Uhm, may problema ba kayo sa isa't isa?" Nag tatakhang tanong ko.
"Wala naman, prinsesa,"
"Nothing," sabay nilang sabi kaya kahit nag tatakha ay umiling iling na lang ako at naupo na nga sa bench tsaka binuklat ang notebook na dala dala ko. Maya maya lang ay naramdaman ko namang naupo din sila ni Andrew at Mike sa tabi ko kaya naging masikip tuloy, pang dalawahan lang kasi ang kasya dito sa bench eh.
"Ano ba yan, ang sikip sikip sisiksik pa kayo," saway ko sa kanilang dalawa.
"Umalis ka," sabi ni Mike kay Andrew at sinamaan lang siya ng tingin nito.
"You leave," sabi ni Andrew.
"Haays," nasabi ko na lang at ako na lang ang tumayo tsaka lumipat sa katapat na bench, meron pa namang isa dito eh pilit pa nag sisiksikan.
Nang makaupo na ako ay naramadaman kong may umupo na naman sa tabi ko kaya napalingon naman ako dito at nakita si Andrew na naka tingin sakin kaya napataas naman ang kilay ko tapos napansin ko ding tumayo na din si Mike kaya agad akong lumingon sa kanya.
"Hep! Hep! Diyan ka na maupo, sisiksik ka pa dito eh pang dalawahan nga lang yung upuan," sabi ko kay Mike at napa kamot na lang siya ng ulo tsaka bumusangot habang ito namang katabi ko eh naka ngisi.
"Problema mo?" Tanong ko kay Andrew pero umiling lang siya at ngumiti ulit.
May saltik yata to sa utak eh.
Maya maya lang ay napansin kong umalis na si Mike ng di man lang nag papaalam kaya napa kibit balikat na lang ako.
"Ikaw? Di ka pa aalis?" Tanong ko kay Andrew na naka tingin lang sakin ng seryoso.
Ano na naman ba? Huwag ka kasi tumingin ng ganyan at matutunaw talaga ako dito.
"I will never leave you," seryosong sabi ni Andrew at agad ko namang naramdaman ang pag bilis ng kabog ng dibdib ko at ang pag init ng mukha ko.
Ano ba naman yan! Andrew naman eh napaka pa fall mo talaga!
"E-Ewan ko sayo, tumahimik ka na nga at mag susulat pa ko," sabi ko na lang kay Andrew at muling binuklat yung notebook ko para makapag sulat man lang kaso kahit isang salita o isang sentence man lang ay wala akong maisip kaya napa buntong hininga na lang ako at sinarado ang notebook ko.
"Why? Can't focus?" Tanong ni Andrew kaya napatingin ako sa kanya.
"Oo, kakainis ka kasi eh," sumbat ko sa kanya na agad naman nagpa kunot ng noo niya.
"What did I do?" Tanong ni Andrew kaya humarap na talaga ako sa kanya.
"Anong what did I do ka diyan? Alam mo ba na dahil sayo eh hindi ako makpag focus lagi? Dahil diyan sa mga pinag sasabi mo! Napaka pafall mo kasi eh, alam mo ba yun ha!?" Singhal ko sa kanya habang siya naman ay nakatingin lang sakin ng seryoso.
"I'm not," sagot ni Andrew kaya napatampal na lang ako sa noo ko.
"Ganito kasi, kung di ka naman sigurado o seryoso, huwag mo na lang sabihin, okay?" Sabi ko kay Andrew.
"At kung seryoso ka naman, huwag puro salita lang, gawin mo," dagdag ko pa at tumayo na tsaka nag lakad na pabalik sa loob ng palasyo.
"Kakainis naman kasi eh, pwede naman kasing sabihin na lang na manliligaw siya or may gusto siya sakin, dinadaan pa kasi sa mga small talks, small talks eh, haay naku talaga," nanggigigil na bulong ko sa sarili ko.
"Andrea? Okay ka lang ba?" Biglang tanong ng isang babae kaya napa angat naman ang tingin ko at naka tayo na pala sa harap ko si Ate Jasmine.
"Ate, nandiyan ka pala, uhm, may kailangan ka po ba?" Tanong ko sa kanya at umiling lang siya sakin.
"Ikaw? Okay ka lang ba?" Tanong sakin ni ate Jas.
"Panay bulong ka kasi diyan kanina pa," dagdag niya pa kaya umiling na lang ako sa kanya.
"Wala po yun ate, okay lang po ako," sabi ko sa kanya.
"Sige po, pupunta na po muna ako sa kwarto ko," paalam ko sa kanya at tumango naman siya.
"Sige, ingat ka ha," sabi ni ate Jas at tumango na lang ako sa kanya tsaka nag patuloy na sa pag lalakad pabalik ng kwarto ko. Pagka pasok sa loob ng kwarto ko ay agad kong sinarado ang pinto.
"Haay naku, Andrew, tama na sa pagiging pa fall please," bulong ko na lang sa hangin.
Naupo na lang ako sa kama at doon na lang nag sulat ng storya sa notebook ko
========================
Ms. Ice: luh pafall daw si Andrew? Haha
Anyway, pasupport naman ako sa Dreame oh, please, paki click po ang heart button sa storya kong Borrowed Identity sa Dreame tsaka pafollow na din ako sa Dreame, username ko po ay YoursTrulyIce
Thank you po and God bless ☺️💕
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasyThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...