*Andrea's POV*
Nag lalakad na kami ngayon papunta sa throne room, sinusundan lang namin si Tita Violet eh at yung direksyon ng pinupuntahan namin ay sa throne room.
Pagkarating sa throne room ay nakita na namin si Tita Josephine at ate Jasmine na nag uusap at naka upo sa upuan nila sa harap ng isang mahabang lamesa.
"Ate, nandito na sila Andrew at Andrea, yung iba naman ay pinatawag ko na din," sabi ni Tita Violet sa kay Tita Josephine.
"Sige, maupo muna kayo habang wala pa ang iba," sabi ni Tita Josephine kaya naupo na muna kami ni Andrew at si Tita Violet ay naupo na din sa tabi ni Tita Josephine.
Hindi rin naman nag tagal ay bumukas na ulit yung pinto ng throne room at pumasok na si Aldrin tapos nasa likod naman niya si Rhoda. Naka sunod lang ang tingin ko sa kanilang dalawa kaya pansin ko kaagad ang pag bubulungan nilang dalawa ng maka upo na sila pero hindi naman masyadong rinig, hanggang sa bigla na lang humagalpak ng tawa si Aldrin kaya pati tuloy sila Tita Josephine at Tita Violet na nag uusap ng seryoso ay napa lingon na din sa kanila pero nginitian na lang nila ito at bumalik sa pinag uusapan nila na hindi pa rin naman namin marinig.
Ano kayang pinag uusapan nila?
Maya maya lang ay bumukas ulit ang pinto at pumasok na si Eryell at diretsong naupo sa tabi ko.
Nasan naman kaya jowa nito?
Tahimik na lang kaming nag hintay dito ng biglang mag salita si Tita Josephine.
"Nasan na ang iba?" Tanong ni tita Josephine kaya tumingin ako sa paligid namin at napansin na tatlo pa ang wala dito, wala pa sila ni Neca, Kevin at Nicolo.
"For sure sila Neca at Kevin magkasama yun," sabi ni Catliya kaya napatingin naman kami ni Rhoda sa kanya at napangisi.
"Hahahaha yun pang si Neca, eh tinamaan yata ng todo kay Kevin eh," sabi naman ni Rhoda.
"Ano na kayang status nung dalawa?" Tanong naman ni Rence habang nakapostura pa na parang nag iisip ng malalim.
"Let them be. It's their own love life anyways," English na sabi naman ni Andrew.
Ang hilig talaga nito mag salita ng english.
"My gosh! Andrew please lang ki-aga-aga, huwag kang mag-english," saway naman ni Eryell sa kanya habang nakangiwi din at mukhang sumakit din yata ang ulo niya.
"Hahahahaha," natawa na lang tuloy kami.
Ay oo nga pala, bakit nga pala nag patawag ng meeting?
"Ay tita bakit niyo nga pal~" hindi ko na ang sinasabi ko ng biglang bumukas ang pinto ng throne room na halatang may sumipa or tumulak dito ng pagka-lakas lakas kaya napatingin naman kaming lahat dun at nakita namin yung mag-asawang bagong kasal.
"Hi b*tches we're back!" Bati ni Joanna saming lahat habang nakangisi pa.
"Kasama ba kami dun sa b*tches ha Joanna?" Malamig at nakakatakot na tanong ni tita Violet kaya napaiwas naman kami ng tingin sa kanya.
Katakot.
"Hahaha why not tita?" Matapang na sagot naman ni Joanna sa kanya.
"You're really suited for my nephew," nakangising sabi naman ni tita Violet at mas lalo tuloy ngumisi si Joanna.
"What was that Eryell Aleho?" Biglang lumihis ang tingin ni tita Violet kay Eryell, siguro may sinabi 'to kaya nabaling ang atensyon ni tita Violet sa kanya. Umiling-iling na lang si Eryell bilang sagot.
"Good," sabi ni tita Violet sa kanya.
"Ba't kayo lang? Nasan sila Kevin at Neca? Pati na yung jowa mo Eryell nasan?" Tanong ni Joanna samin.
"Hindi ko alam kung nasan sila Neca at Kevin at mas lalong hindi ko alam kung nasan si Nicolo," sagot naman ni Eryell sa kanya.
"Woah! So di mo tinatanggi na jowa mo na si Nicolo?" Natutuwang tukso ni Rhoda sa kay Eryell na bigla namang nanlaki ang mga mata at bwisit na tumingin sa kay Rhoda.
"G*ga wala akong jowang playboy," sigaw niya sakin kaya natawa na lang kami sa reaksyon niya, halatang may something eh.
"Hey babe, where are you going?" Narinig naman naming sigaw ni Jason sa lumalakad na palabas ng room na si Joanna.
San na naman pupunta yun?
"I'm going to Neca's room," sagot naman ni Joanna at nawala na lang siya bigla sa paningin namin.
"So... Tita, ano nga po ulit yung reason kung ba't niyo kami pinapunta dito?" Tanong ko ulit kay tita Josephine kaya napatingin naman silang lahat kay tita para hintayin ang sagot niya.
"Dahil sa pag-uwi nitong dalawa,"sagot naman ni tita Josephine kaya napa tango-tango na lang kami.
"Why mom? Is there something wrong?" Tanong naman ni Jason habang lumalakad palapit sa nanay niya at halik sa pisngi nito pagkatapos ay naupo siya sa isang bakanteng upuan sa tabi ni tita.
"Nothing son, need lang kasing ihanda na agad yung venue para sa welcome-home-party niyo," nakangiting sagot naman ni tita sa kanya.
"That's not necessary mom," sabi naman ni Jason pero umiling lang si tita Josephine at may tinawag na isang tagasilbi.
"Jane!!!" Sigaw ni tita Josephine at may pumasok na isang maid sa loob ng throne room at lumuhod ito sa may di kalayuan sa pwesto namin.
"Ano pong maipaglilingkod ko, mahal na reyna?" Pormal na tanong ng maid.
"Sabihan mo lahat ng mga katulong na ihanda na ang venue para sa welcome-home-party ng aking mga anak," utos ni tita Josephine sa babae habang hindi man lamang nakatingin dito.
Kailangan ko pa pala siguraduhin na maayos yung venue bago mag simula ang party.
"May iba pa po ba kayong iuutos mahal na reyna?" Tanong niya pa sa isang matinis na boses kaya di ko mapigilan ang sarili ko na mag taas ng kilay. Kahit na naka talikod ako ngayon ay rinig na rinig ko pa rin ang maarteng boses nung Jane na tinawag ni Tita Josephine.
"Wala na. Umalis ka na at gawin ang inuutos ko," malamig na sabi naman sa kanya ni tita Josephine at naramdaman ko namang umalis na rin agad ang babae.
Buti naman umalis na agad.
===========================
Ms. Ice: hello! Pasupport naman po sa Dreame please, paki click po yung heart button sa storya kong Borrowed Identity, please sumali po kasi ako sa contest eh huhu
Follow niyo na din po ako sa Dreame, username ko po ay YoursTrulyIce
Thank you and God bless ☺️💕
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasyThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
