Special Chapter: Eryell 12

72 2 0
                                        

*Eryell's POV*

Matapos kong sabihin kay Nicolo yung nangyari nung bata pa ko eh di na siya nagsalita pa kahit hanggang ngayon na nasa taxi kami papunta sa headquarters eh di pa rin siya nagsasalita kaya tahimik na lang din ako dito sa sulok habang nakatingin lang sa may bintana. Ang tanging ingay na maririnig lang sa loob ng taxi ay ang radyo na pinapatugtog ng driver.

Buti na lang din at nakahanap kami ng taxi na maghahatid samin pabalik ng manila. Sino ba namang hindi papayag kung ang offer ba naman nitong kasama ko eh ₱5,000 kaya eto si manong napakabait samin. Pinagbuksan pa ko kanina ng pinto.

"Maam, sir, ayos lang po ba kayo? Kanina pa po kayo tahimik eh," tanong ni kuya driver.

"Ayos lang po kami kuya. Sadyang di lang talaga kami madaldal," sabi ko na lang para matahimik na rin si kuya.

"Di daw madaldal," rinig kong boses ni Nicolo kaya napatingin ako sa kanya.

"Di naman talaga ah," sabi ko sa kanya at napansin ko agad ang pagtataka sa mukha ng driver at si Nicolo na natatawa.

G*go! Sa isip lang pala siya nagsasalita! Hayop na yan napahiya pa tuloy.

Nag concentrate rin ako at ginamit ang kapangyarihan ko para makipag usap gamit ang isip ko.

"G*go ka ah!" sabi ko kay Nicolo at napansin ko naman ang pag-ngisi niya habang nakaharap pa rin sa harapan.

"Kasalanan ko bang bigla-bigla ka na lang nagsasalita kahit wala kang kausap?" Naka-ngisi pa rin ang g*go habang sinasabi yun gamit ang utak niya.

"Tumahimik ka na nga lang," sabi ko sa kanya.

"Nakatikom naman ang bibig ko ah," sagot niya pa kaya tinignan ko na lang siya ng masama.

"Oo na po, tatahimik na po," sabi niya at inayos ang pagkakaupo niya at tuluyan na ngang tumahimik ang paligid, pati na rin ang isip ko.

I finally did it ma, pa. I finally gave you justice. I miss you both, so much.

Nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang kamay ni Nicolo sa pisngi ko.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.

"Umiiyak ka na kasi," sabi niya habang seryosong nakatingin sakin na ikinabigla ko naman.

Ano ba yan, bakit ako nagiging emosyonal masyado? Wala na namang magagawa ang mga luha ko eh, hindi na nito maibabalik ang mga magulang ko.

"Diba dapat masaya ka ngayon? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Nicolo pero di ko siya pinansin at tumingin na lang sa labas ng bintana.

"Huy," tawag niya pero dineadma ko pa rin siya.

"Hello?" Tawag niya sakin gamit ang isip niya pero pinilit ko ang sarili ko na iblock siya sa utak ko at sa tingin ko naman ay nagwork naman ito dahil di ko na narinig ang boses niya.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at hinayaan ang pagod at antok na sakupin ang buong katawan ko.

*After a few hours*

"Thank you nak, pasensya ka na ha, mauuna na muna kami ni papa,"  sabi ni mama habang nasa abi niya naman si papa na nakangiti sakin.

"Ma, saan kayo pupunta?" Tanong ko sa kanila.

"Nak sana mapatawad mo si papa ha. Mahal na mahal ka namin ni mama," sabi naman ni papa.

"Mahal na mahal ko din kayo papa, mama," sagot ko sa kanila.

"Ma, Pa, huwag niyo ko iwan please,"

TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon