*Andrea's POV*
"Nasan si Joanna? May kasalanan pa sakin yung babaeng yun," bad trip na sabi ni Neca.
Bakit? Ano na naman kayang ginawa ni Joanna?
"Bakit? Ano nangyari sa inyo?" Tanong ni Catliya sa kay Neca pero di siya nito pinansin. Naupo na lang si Neca sa tabi ni Catliya habang si Kevin naman ay naglakad na palapit kanila Jason.
"Pupuntahan ko lang muna si Jason, bulong sakin ni Andrew kaya tumango na lang ako sa kanya at ngumiti tsaka siya umalis at nag lakad na papunta sa kaibigan niya.
Habang hinihintay namin na sagutin ni Neca yung tanong ni Catliya eh sakto namang dumating na din si Eryell pero naka busangot naman.
Problema nito? Bad trip din? Bakit puro bad trip ngayon 'tong mga 'to? May ginawa din ba si Joanna sa kanya o dahil na naman sa playboy niyang jowa?
"Hey b*tches nandito na pala kayong lahat," biglang bungad samin ni Joanna na nakapag ayos na at may suot suot na blue dress with black high heels.
"Maupo ka nga dito. G*ga ka may kasalanan ka pa sakin," sabi ni Neca sa kanya na bad trip na bad trip na nakatingin kay Joanna pero tinawanan lang naman siya nito at naupo na sa bakanteng upuan.
Ano ba kasi ginawa ni Joanna? Matanong nga yan mamaya pag kaming dalawa na lang ni Joanna.
Maya maya lang ay nagsimula na ang party, nagserve na sila ng mga pagkain hanggang sa matapos ang party at nagsialisan na ang ibang bisita pero kami eh nandito pa rin at kumakain habang naguusap lang kaming anim.
"So kelan ka pa nga dumating?" Tanong ni Neca kay Joanna na umiinom ng juice.
"Hmm, sarap nito ah, si Catliya ba gumawa nito?" Sabi ni Joanna na hindi pinansin yung tanong ni Neca.
"Eh kung sagutin mo kaya muna yung tanong ko? Sungalngalin kita ng baso diyan eh," inis na sabi naman ni Neca kaya natawa na lang kami.
Masyadong mainit ang ulo ah.
"Hahaha chill lang Nec, eto naman porket naudlot lang yung spg niyo ni Kevin eh ganyan ka na sakin," nakangising sabi ni Joanna kaya naman nagtataka kaming lahat na tumingin kay Neca.
Ano!? So gumagawa nga sila ng milagro kanina!?
"Hindi naman kami mag-a-ano ni Kevin ah," sabat naman ni Neca agad.
Hoo! Akala ko gumagawa na sila ng pamangkin namin eh.
"Sus! Di daw eh, nakahubad na kaya si Kevin kanina at ikaw pa yung humahalik sa kanya," sabi naman ni Joanna kaya napalaki naman ang mga mata namin.
Whaaat!?
"Anong halik? Eh ninanakawan ko nga lang ng halik yun eh," sabi naman ni Neca at agad din namang napatakip ng kamay sa bibig habang nanlalaki ang mga mata niya at kami naman ay mas lalo nang naintriga sa pinaggagagawa ng dalawang 'to.
Omg! May nakawan na ng halik! Grabe ang aggressive naman pala nitong babaitang ito.
"Ano? So ibig sabihin nag-kiss na nga kayo at ikaw ang nag-initiate?" Pagka klaro ni Eryell sa sinabi ni Neca.
"Huwag ka ng mag sinungaling," sabi agad ni Rhoda kaya napatango na lang si Neca bilang sagot kaya napatili naman kami agad tapos bigla na lang namin naramdaman ang mga mate namin na nandito na sa likod namin.
"What happened!?" Sigaw nilang anim ng sabay-sabay.
Wow, may choir kayo?
"Hahaha wala hubby, may pinag-uusapan lang kami," sagot ni Joanna sa asawa niyang nakatayo sa kanan niya.
"Oh okay," sagot naman ni Jason at umalis na silang anim pero bago pa man maka-alis ng tuluyan si Kevin ay tinawag na siya ni Joanna.
G*ga talaga oh! Haha ano na naman kayang binabalak nito?
"Hoy! Babae ano na namang pinaplano mo?" Tanong ni Neca kay Joanna na naka-ngisi lang at lumapit kay Kevin tapos may binulong dito at kita naman namin yung pagkunot ng noo ni Kevin tapos ang pagtapik-tapik ni Joanna sa likod niya.
"Basta gawin mo na lang," na rinig naming sabi ni Joanna kay Kevin at ang pag tango nito tapos umalis na.
"Anong sinabi mo sa kanya?" Tanong naman ni Neca kay Joanna pero nakangisi lang ang g*ga.
Demonyita talaga eh.
"Don't worry Nec, pasasalamatan mo din ako," sabi ni Joanna.
Ano na naman kaya yung sinabi nito kay Kevin? Kapag ito pa naman nantrip sigurado gulo eh.
"Tsk! Ewan ko sayo. Hanggang ngayon di mo pa rin sinasagot ang tanong ko," reklamo naman ni Neca sa kay Joanna.
"The same time na nakita ko kayo ni Kevin," sagot ni Joanna sa kay Neca.
Wow, timing na timing ha, no wonder bad trip si Neca ngayon.
"At talagang timing pa dun ha," bad trip na sabi ni Neca at natawa na lang kaming anim.
Sabi na eh.
"Pero maiba tayo, Jo, ano? Kamusta ang honeymoon?" Tanong ni Eryell kay Joanna na namula naman agad.
Hoho, eto yung isa pang gusto kong itanong sa kanya eh.
"Hmm? Okay naman hehe bakit?" Sagot naman ni Joanna.
G*gang 'to, yun lang? Wala na ba ibang isheshare na information?
"Ano? Ganun lang? Kwento mo lahat," sabi ko naman sa kanya. Nakakabitin mag kwento eh.
"Nasuko mo na ang bataan? Kamusta ang first night?" Tanong naman ni Neca.
"Malaki ba?" Tanong rin ni Rhoda.
Masyadong curious ah, di pa ba niya nakikita kay Aldrin? Ang tagal na nila eh so baka meron na nangyari sa kanila?
"Masarap?" Tanong naman ni Catliya kaya halos matawa naman ako dun pero pinigilan ko lang ang sarili ko.
G*ga din to eh kung ano ano pinag tatanong, pero, gusto ko din itanong yan kaya okie na lang din at siya ang nag tanong haha.
"Teka...teka...teka! Isa-isa lang okay?" Natatawang sabi ni Joanna habang umuupo ng maayos.
"So ano ngang nangyari!?" Sabay naming limang sigaw sa kanya, ang bagal kasi mag kwento eh.
"Wow, kailangan sumigaw?" Sarcastic na tanong ni Joanna.
"Okay nga eh. Nasuko na? Oo!" Sagot ni Jo kaya nanlaki naman ang mga mata namin at napatili na lang ulit kaya bumalik na naman yung mga lalaki.
Bakit ba sila balik ng balik? Napuputol tuloy yung usapan namin.
===========================
Ms. Ice: hello po! Pasupport naman po ako sa Dreame, please, sumali po kasi ako sa isang contest doon. Sana po iclick niyo ang heart button sa storya kong Borrowed Identity, username ko po sa Dreame ay YoursTrulyIce
Thank you po and God bless ☺️💕
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasyThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
