*Eryell's POV*
"Magkasama ba tayo sa iisang room?" Tanong ni Mendrell.
"Siyempre,"
"Ayos!" Tuwang-tuwang sabi ng g*go.
"Hindi. Di pa nga ko tapos magsalita eh," dagdag na sabi ko naman sa kanya at napansin ko namang napabusangot siya kaya natawa na lang ako.
"Ayun na eh. Opportunity na eh," pabulong niyang sabi pero dahil nga sa isa na kong bampira ay narinig ko pa rin ito kaya napailing na lang ako.
As if naman papayag akong makipagtalik sa mga playboy na gaya mo. Mamaya magka-AIDS pa ko.
"Tsk! Traffic pa," sabi ko na lang at hininto ang sasakyan ko. Hihintayin na lang namin na umusad ang mga sasakyan dito, ito lang kasi ang daanan papuntang Imus eh.
"Hoy Mendrell," tawag ko sa kasama ko.
"Bakit?" Sabi niya habang nagtetext sa cellphone niya at dahil traffic pa naman eh sinipat ko muna kung sino ang katext niya at isang babaeng may pangalang Fray ang nakasulat.
Babae niya na naman siguro.
"Mag-book ka na kaya ng hotel? Imbis na makipag text ka diyan sa babae mo," sabi ko sa kanya.
"Eh kaso princess wala akong alam mga numbers ng hotel dito eh," sabi naman niya kaya napataas na naman ang kilay ko.
"Wow! Isang playboy, di alam ang mga number ng mga hotel?" Sarkastikong sabi ko sa kanya.
"Eh alam mo namang dun ko sila dinadala sa condo ko pagkatapos nun eh sa langit na," naka-todo ngiti pa niyang sabi.
"Bakit princess? Gusto mo ba dito natin gawin sa hotel? Promise sayo ko lang gagawin yun," sabi niya.
"Huwag kang baboy Mendrell at baka mapatay pa kita," seryosong sabi ko sa kanya.
"Sabi ko nga at magbo-book na ko ng hotel. Online na lang ako mag-search," sabi niya ang nagkalikot na sa cellphone niya. Ako naman eh naghihintay pa rin sa pag-usad ng sasakyan.
Inabot kami siguro ng dalawang oras dun sa traffic bago kami nakalagpas papuntang skyway. At may nabook na rin na naman si Mendrell na room. Buti naman at separate rooms ang kinuha niya.
Pagdating namin ng Imus ay mga alas-9 na ng gabi kaya dumiretso na lang kami sa hotel na pagtutuluyan namin. Nag-drive through na lang din kami kanina sa McDo ng dinner namin.
Pag-dating sa hotel ay may nakita ako agad na pagpaparkingan kaya agad kong pinark ang sasakyan ko dun at bumaba na kaming dalawa. Dumiretso ako agad sa may reception area para kunin ang susi ng room ko.
"Good evening ma'am," bati ng receptionist.
"Good evening. A reservation for miss Alejo and Mr Tan please," sabi ko sa receptionist.
"Okay ma'am. Just a moment," sabi niya at tumango na lang ako. Maya-maya lang din ay inabot niya na sakin ang susi kaso nga lang nagkakapag-taka lang at isang susi lang ang binigay niya.
"Miss? Diba dapat dalawang susi?" Sabi ko sa kanya.
"Isang room lang po ang nareserve niyo maam," sabi ng receptionist kaya nanlaki naman ang mga mata ko.
Ang sabi sakin ni Mendrell eh dalawang room ang nareserve niya. Lagot ka sakin mamaya.
"Fine. Kukuha na lang ako ng isa pang room," sabi ko sa receptionist.
"Sorry maam pero fully booked na po kami eh," sabi niya kaya napa-nganga na lang ako at nanggigigil na kinuyom ang susi at dumiretso na sa elevator. Ramdam ko rin namang nakasunod sakin si Mendrell.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantastikThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
