*Catliya's POV*
"Nandito na ba ang lahat?" tanong ni Andrea kaya tinignan ko din isa isa ang mga kasama ko dito at napansing wala pa si Neca.
Ahh di ko nga pala siya nasabihan kanina kasi wala naman siya kanina sa kwarto niya eh.
Sasabihan ko pa sana sila ni Andrea na wala si Neca dun sa kwarto niya kaso pansin kong di yata maganda mood ni Andrea kaya di na lang ako nag salita, mamaya ako pa mapag buntungan ng galit niyan eh.
"Wala pa si Neca," sabi ni Eryell at kita ko kaagad ang mga nanlilisik na mga mata ni Andrea sa kanya.
Pfft sabi na eh buti na lang di ako nag salita kanina haha
"Puntahan mo nga dun sa kwarto niya at kaladkarin papunta dito," sabi ni Andrea kay Eryell kaya tumango na lang ito at nag-simula na mag-lakad palabas ng project room namin.
Habang wala pa sila ni Eryell at Neca ay nandito lang kaming walo na nakapalibot sa lamesa at nag uusap naman yung mga lalaki habang ako ay nanunuod lang sa kanila, di ko naman kasi maintindihan yung pinag uusapan nila eh, actually kanina pa nga sila tawa ng tawa diyan pero di ko naman alam kung bakit. Si Rhoda naman ay tahimik lang din sa gilid ng upuan ni Andrea at nag mumuni muni.
Oo nga pala, di ko pa nasasabi kanila Andrea yung nakita ko kaninang umaga.
"Cat," tawag sakin ni Andrea.
"Oh?" Tanong ko sa kanya.
"Alam mo ba kung saan nilagay ni Joanna yung mga librong binabasa niya dati?" Tanong niya sakin.
"Anong libro?" Tanong ko din sa kanya.
"Yung librong bitbit niya nung isang araw," sabi ni Andrea pero naka kunot noo lang akong nakatingin sa kanya.
"Ano ngang libro? Anong title?" Tanong ko ulit sa kanya, sa dami ba naman ng librong binasa ni Joanna eh hindi ko na matandaan mga title nun.
"Basta yung kulay asul, yung may parang bilog bilog sa cover nun," sagot niya sakin.
"Parang t*nga naman kasi, pano ko malalaman kung anong libro yun?" Bulong ko sa sarili ko habang nag kakamot ng batok.
"May sinasabi ka?" Inis na tanong ni Andrea.
"Ba't ba ang init ng ulo mo?" Tanong ko sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
"LQ ba kayo ni Andrew?" Pabulong na tanong ko ulit sa kanya.
"T*ng*na mo! Tumahimik ka na nga diyan," sagot niya sakin at inayos yung mga nakapatong na mga papel papel sa lamesa kaya natawa na lang ako sa kanya.
"Mukha nga," bulong ko ulit at isang batok tuloy ang natanggap ko.
"Aray!" Reklamo ko sa kanya.
"Tumahimik ka na," gigil na sabi ni Andrea kaya tinikom ko na ang bibig ko kahit na natatawa pa rin ako.
"Hoy Nicolo!" Sigaw ni Andrea kaya napatahimik naman yung mga lalaki at napatingin sa kanya.
"Eskandalosa ang bruha," bulong ko ulit pero mukhang hindi na ito narinig ni Andrea kasi tuloy tuloy lang tinanong si Nicolo.
"Ba't ang tagal nung jowa mo?" Tanong ni Andrea kay Nicolo.
"Haha don't worry Dre pabalik na yun," sagot ni Nicolo sa kay Andrea kaya tumango tango naman ito sa kanya.
"Sige sige," sabi ni Andrea at pinag patuloy na yung pag titingin sa mga papel na inayos niya kanina at bumalik naman sa pag uusap usap yung mga lalaki at naupo na din doon sa sofa mukha kasing matatagalan pa si Eryell eh. Naisipan kong kunin na lang din yung baril ko at linisin ito.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasíaThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
