*Catliya's POV*
Kanina ko pa napapansin si Rence na panay sulyap kaya medyo di na ko komportable kaya lumapit ako sa kanya at agad ko din napansin ang pag stiff niya.
"May problema ka ba sakin?" Pabulong na tanong ko kay Rence at agad naman siyang umiling iling.
"Then bakit ganyan ang kinikilos mo?" Tanong ko sa kanya at napansin ko naman ang pag lunok niya.
"So?" Tanong ko sa kanya.
"Sorry, hindi ko din kasi maintindihan eh," sagot niya sakin kaya nag tatakha lang akong naka tingin sa kanya.
"Promise, sasabihin ko sayo kapag sigurado na ko," seryosong saad niya kaya tumango tango na lang din ako sa kanya at tumahimik na kaming dalawa. Maya maya lang ay dumating na din si Rhoda ng mag isa.
Himala, di niya kasama si Aldrin.
"Yow!" Bati niya samin at naupo na sa tabi ni Andrea.
"Di mo kasama sila Neca at Eryell?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi eh, baka kasama mga jowa nila," sagot naman ni Rhoda sakin.
"Eh ikaw? Ba't di mo kasama jowa mo?" Tanong naman ni Andrea.
"Nah, hindi naman kailangan 24/7 eh magkasama kami," sagot niya kaya napakibit-balikat na lang kaming dalawa ni Andrea habang sila ni Andrew at Rence ay tahimik lang na nakikinig samin.
"Si Joanna ba nakita niyo?" Biglang tanong samin ni ate Jasmine na nandito na pala sa likod namin.
"Ate nandiyan ka pala. Di pa po namin nakita si Joanna dito eh, si Jason po?" Tanong ni Andrea kay ate Jasmine.
"Nandun kasama ni mommy," sagot ni ate sa kanya.
"Nag-aayos pa po si Joanna, kakagaling ko lang po dun sa kwarto niya eh," sagot ni Rhoda kay ate Jas.
"Ah ganun ba? Sige sasabihan ko na lang si kuya. Salamat ha," sabi ni ate at ngumiti tsaka nag lakad palapit kay Jason para sabihan 'to.
"Oh ayan na pala sila Neca oh," sabi ni Rhoda ng mapansing pumasok ng garden ang dalawa habang naka lingkis ang mga kamay ni Neca sa kaliwang braso ni Kevin. Napataas naman ang kilay ko sa ginagawa ng kaibigan ko.
Feel na feel ang pag kapit sa braso ni Kevin ah.
"Buti nandito na kayo," sabi ni Rhoda sa kanila pero di siya pinansin ng dalawa.
"Nasan si Joanna? May kasalanan pa sakin yung babaeng yun," bad trip na sabi ni Neca.
"Bakit? Ano nangyari sa inyo?" Tanong ko naman sa kay Neca pero di niya ako pinansin, naupo na lang sa tabi ko habang sila Kevin naman ay naglakad na palapit kanila Jason.
Habang hinihintay namin na sagutin ni Neca yung tanong ko eh sakto namang dumatin na din si Eryell pero naka busangot naman.
Problema nito? Bad trip din?
"Hey b*tches nandito na pala kayong lahat," biglang bungad samin ni Joanna na nakapag ayos na at may suot suot na blue dress with black high heels.
"Maupo ka nga dito. G*ga ka may kasalanan ka pa sakin," sabi ni Neca sa kanya na bad trip na bad trip na nakatingin kay Joanna pero tinawanan lang naman siya nito at naupo na sa bakanteng upuan.
Maya maya lang ay nagsimula na ang party, nagserve na sila ng mga pagkain hanggang sa matapos ang party at nagsialisan na ang ibang bisita pero kami eh nandito pa rin at kumakain habang naguusap lang kaming anim.
"So kelan ka pa nga dumating?" Tanong ni Neca kay Joanna na umiinom ng juice.
"Hmm, sarap nito ah, si Catliya ba gumawa nito?" Sabi ni Joanna na hindi pinansin yung tanong ni Neca.
"Eh kung sagutin mo kaya muna yung tanong ko? Sungalngalin kita ng baso diyan eh," inis na sabi naman ni Neca kaya natawa na lang kami.
"Hahaha chill lang Nec, eto naman porket naudlot lang yung spg niyo ni Kevin eh ganyan ka na sakin," nakangising sabi ni Joanna kaya naman nagtataka kaming lahat na tumingin kay Neca.
"Hindi naman kami mag-a-ano ni Kevin ah," sabat naman ni Neca agad.
"Sus! Di daw eh, nakahubad na kaya si Kevin kanina at ikaw pa yung humahalik sa kanya," sabi naman ni Joanna kaya napalaki naman ang mga mata namin.
"Anong halik? Eh ninanakawan ko nga lang ng halik yun eh," sabi naman ni Neca at agad din namang napatakip ng kamay sa bibig habang nanlalaki ang mga mata niya at kami naman ay mas lalo nang naintriga sa pinaggagagawa ng dalawang 'to.
"Ano? So ibig sabihin nag-kiss na nga kayo at ikaw ang nag-initiate?" Pagkaklaro ni Eryell sa sinabi ni Neca.
"Huwag ka ng magsinungaling," sabi agad ni Rhoda kaya napatango na lang si Neca bilang sagot kaya napatili naman kami agad tapos bigla ko na lang naramdaman ang mga mate namin na nandito na sa likod namin.
"What happened!?" Sigaw nilang anim ng sabay-sabay.
"Hahaha wala hubby, may pinag-uusapan lang kami," sagot ni Joanna sa asawa niyang nakatayo sa kanan niya.
"Oh okay," sagot naman ni Jason at umalis na silang anim pero bago pa man maka-alis ng tuluyan si Kevin ay tinawag na siya ni Joanna.
G*ga talaga oh! Haha may binabalak na naman siguro yan.
"Hoy! Babae ano na namang pinaplano mo?" Tanong ni Neca kay Joanna na naka-ngisi lang at lumapit kay Kevin tapos may binulong dito at kita naman namin yung pagkunot ng noo ni Kevin tapos ang pagtapik-tapik ni Joanna sa likod niya.
"Basta gawin mo na lang," na rinig naming sabi ni Joanna kay Kevin at ang pag tango nito tapos umalis na.
"Anong sinabi mo sa kanya?" Tanong naman ni Neca kay Joanna pero nakangisi lang ang g*ga.
"Don't worry Nec, pasasalamatan mo din ako," sabi ni Joanna.
"Tsk! Ewan ko sayo. Hanggang ngayon di mo pa rin sinasagot ang tanong ko," reklamo naman ni Neca.
"The same time na nakita ko kayo ni Kevin," sabi ni Joanna.
"At talagang timing pa dun ha," bad trip na sabi ni Neca at natawa na lang kaming anim.
"Pero maiba tayo, Jo, ano? Kamusta ang honeymoon?" Tanong ni Eryell kay Joanna na namula naman agad.
"Hmm? Okay naman hehe bakit?" Sagot naman ni Joanna.
G*gang 'to, pabitin naman mag kwento.
===========================
Ms. Ice: hello! Pasupport naman po ko sa Dreame app, paki follow naman po ko doon sa Dreame. Search niyo lang po, YoursTrulyIce
Paki click na din po yung heart button sa story ko na Borrowed Identity and sana basahin niyo din po, FREE lang po siya doon.
Thank you and God bless 😘💕
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasíaThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
