Special Chapter: Eryell 6

56 3 0
                                        

*Eryell's POV*

Mag-a-alas 4 na kaya nag-decide na kong pumunta sa kwarto ni Nicolo, at para makasigurado na wala siyang gagawin sakin dinala ko na lang rin yung pepper spray na nasa bag ko.

Pagdating ko sa tapat ng pinto ng kwarto niya ay kumatok na ko.

Agad namang bumukas ang pinto at bumungad sakin ang topless na si Nicolo kaya nasampal ko siya ng wala sa oras.

"Aray! Ba't ka nananampal!?" sigaw niya habang hawak-hawak yung kaliwang psingi niya na sinampal ko.

"Eh ba't ganyan yang itsura mo? Ano ka porn star!?" sigaw ko rin sa kanya.

"Eh malay ko bang ngayon ka na pupunta dito!" sagot naman niya.

"Anong malay mo!? Eh ikaw nag-sabi na pumunta ako dito ngayong hapon!" sabi ko naman sa kanya.

"Aish! Oo na! Oo na! Ako na may kasalanan!" sabi niya habang ginugulo yung buhok niya na magulo na kanina pa.

"So ano? Dito na lang tayo sa pinto?" pabalang na tanong ko sa kanya.

"Sige, diyan ka lang dito ako sa loob," sabi niya naman kaya binatukan ko nga.

"Aray! Kapag natanggal 'tong ulo ko, mumultuhin talaga kita," pagbabanta niya.

"Yeah right, as if naman takot ako sa mga multo, kung kay Joanna mo sinabi yan may effect pa yan pero sakin wala yan," sabi ko sa kanya at dire-diretsong naupo sa kama niya.

"Wow, diyan mo ba talaga gustong mag-practice?" tanong niya ng naka-ngisi.

"Oo bakit saan mo ba gusto sa cr? Bilisan mo na," sabi ko sa kanya.

"Baka kung bilisan ko masyado eh hindi ka maka-catch up," sabi niya.

"Anong hindi? Kayang-kaya ko yan" sabi ko naman sa kanya.

"Sige, eto na," sabi niya kaya tumango naman ako at humakbang na soya palapit sakin kaso may narinig ako sa labas na bumulong.

"Omg ginagawa na nga nila?" rinig kong sabi ng isang babae at pati yata si Nicolo eh narinig din yun kaya napalingon kaming dalawa dun.

"Grabe ang galing nila ha, wala man lang akong marinig na kahit konting ingay," isang tinig naman ng isa pang babae ang narinig namin.

Nakakunot-noo na ko sa mga naririnig ko habang si Nicolo naman ay naka-ngisi lang tsaka siya tumabi ng upo sakin at may binulong.

"Iniisip nila na nag-se-s*x tayo," sabi niya na nagpalaki ng mga mata ko.

"The f*ck!?" sigaw ko.

"Ayan na baka natapos na sila, tara na alis na tayo," sabi ng isang babae sa labas pero agad kong binuksan yung pinto at nakita sila Andrea, Catliya at Neca na papa-alis na.

"Hoy!" sigaw ko sa kanila at sabay-sabay naman silang napalingon at ng nakita nila ko ay sabay-sabay rin silang naglaho sa harapan ko kasi tumakbo na sila palayo gamit ang vampire speed nila.

"Tsk! Mga loka-loka!!!" sigaw ko sa kanilang tatlo.

"Hahahaha," si Nicolo yan na halos mamatay na sa kakatawa.

"Huy bilisan mo na at turuan mo na ko," sabi ko na lang sa kanya at naupo na lang ng indian sit sa sofa niya paharap sa kanya.

"Haha sige, start na tayo," sabi niya at nagseryoso na rin siya.

"Pumikit ka muna," sabi niya kaya pumikit na ko.

"Tapos?" tanong ko sa kanya habang nakapikit pa rin.

"Tapos tanggalin mo lahat ng iniisip mo. Clear your mind," sabi niya kaya ginawa ko naman at naramdaman kong may umupo sa harapan ko, siguro lumipat din si Nicolo.

TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon