*Rhoda's POV*
Pagpasok ko sa garden ay nandito na sila Andrea at Catliya nakaupo sa isang round table habang nag uusap. Lumapit ako sa kanila at naupo sa isang bakanteng upuan sa tabi ni Andrea.
"Yow!" Bati ko sa kanilang dalawa.
"Di mo kasama sila Neca at Eryell?" Tanong ni Catliya sakin.
"Hindi eh, baka kasama mga jowa nila," sagot ko sa kanya.
"Eh ikaw? Ba't di mo kasama jowa mo?" Tanong ni Andrea.
"Nah, hindi naman kailangan 24/7 eh magkasama kami," sagot ko kaya napakibit-balikat na lang silang dalawa.
"Si Joanna ba nakita niyo?" Biglang tanong samin ni ate Jasmine na nandito na pala sa likod namin.
"Ate nandiyan ka pala. Di pa po namin nakita si Joanna dito eh, si Jason po?" Tanong ni Andrea.
"Nandun kasama ni mommy," sagot ni ate sa kanya.
"Nag-aayos pa po si Joanna, kakagaling ko lang dun sa kwarto niya eh," sagot ko kay ate Jas.
"Ah ganun ba? Sige sasabihan ko na lang si kuya. Salamat ha," sabi ni ate at ngumiti tsaka naglakad palapit kay Jason para sabihan 'to.
"Oh ayan na pala sila Neca oh," sabi ko ng mapansin kong pumasok ng garden habang naka lingkis ang mga kamay ni Neca sa kaliwang braso ni Kevin.
Koala ba 'to? Makakapit eh, kala mo naman mawawala yung bakla niyang mate.
"Buti nandito na kayo," sabi ko sa kanila.
"Nasan si Joanna? May kasalanan pa sakin yung babaeng yun," bad trip na sabi ni Neca.
"Bakit? Ano nangyari sa inyo?" Tanong naman ni Catliya pero di siya pinansin ni Neca na naupo na lang sa tabi niya habang si Kevin naman ay naglakad na palapit kanila Jason.
Napansin ko din na pumasok na sa garden si Eryell kaya kumaway ako sa kanya at tumango naman siya pabalik. Dire-diretso lang din siyang naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko habang nakakunot ang noo.
Bad trip din ba 'to?
"Hey b*tches nandito na pala kayong lahat," biglang bungad samin ni Joanna na nakapag ayos na.
"Maupo ka nga dito. G*ga ka may kasalanan ka pa sakin," sabi ni Neca sa kanya na bad trip na bad trip na nakatingin kay Joanna na tinawanan lang naman siya.
Maya maya lang ay nagsimula na ang party, nagserve na sila ng mga pagkain hanggang sa matapos ang party at nagsialisan na ang ibang bisita pero kami eh nandito pa rin at kumakain habang naguusap lang kaming anim.
"So kelan ka pa nga dumating?" Tanong ni Neca kay Joanna na umiinom ng juice.
"Hmm, sarap nito ah, si Catliya ba gumawa nito?" Sabi ni Joanna na hindi pinansin yung tanong ni Neca.
"Eh kung sagutin mo kaya muna yung tanong ko? Sungalngalin kita ng baso diyan eh," inis na sabi naman ni Neca kaya natawa na lang kami.
"Hahaha chill lang Nec, eto naman porket naudlot lang yung spg niyo ni Kevin eh ganyan ka na sakin," nakangising sabi ni Joanna kaya naman nagtataka kaming lahat na tumingin kay Neca.
"Hindi naman kami mag-a-ano ni Kevin ah," sabat naman ni Neca agad.
"Sus! Di daw eh, nakahubad na kaya si Kevin kanina at ikaw pa yung humahalik sa kanya," sabi naman ni Joanna kaya napalaki naman ang mga mata namin.
"Anong halik? Eh ninanakawan ko nga lang ng halik yun eh," sabi naman ni Neca at agad din namang napatakip ng kamay sa bibig habang nanlalaki ang mga mata niya at kami naman ay mas lalo nang naintriga sa pinaggagagawa ng dalawang 'to.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantastikThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
