*Catliya's POV*
Pagkatapos ko silang tawagin lahat ay nag lakad na din ako pabalik sa project room namin, baka mamaya ma highblood na naman si Andrea eh. Habang nag lalakad pabalik sa project room ay iniisip ko pa rin yung nakita ko kanina sa kwarto ni Rhoda.
Malakas ang pakiramdam ko na sila na nga, pero bakit di na lang nila sabihin? Bakit kailangan pa nilang itago? Wala namang kaso samin yun basta masaya lang naman si Rhoda eh okay naman kami dun.
"Hmm, makausap nga si Andrea mamaya," bulong ko sa sarili ko. Habang nag lalakad ako ay bigla na lang may bumangga sakin.
"Aray!" Sigaw ko ng mapa upo ako sa sahig.
"Ay sorry Cat nandiyan ka pala," sabi ng isang lalaki kaya tumingin ako sa kanya ng masama at nang makita kong si Rence pala yun ay mas lalo akong nabwisit.
"Ba't ka ba kasi tumatakbo takbo diyan!?" Inis na tanong ko sa kanya at tumayo na. Iniabot niya ang kamay niya para tulungan akong makatayo pero di ko yun kinuha at tumayo na lang ng kusa.
"Sorry naman, may hinahabol kasi akong mediocris," sagot niya at nag kamot ng batok.
"mediocris?" Tanong ko sa kanya ng makatayo ako.
"Ah oo, yung fairy, ayun oh," sabi ni Rence at tinuro ang sa likod ko kaya lumingon naman ako at nakita ko nga ang maliit na nilalang na halos kasing laki lamang ng hinliliit ko sa kamay.
"Ahh okay," sabi ko at tumango tango sa kanilang dalawa.
"Sige, una na ko," sabi ko at mag lalakad na sana ulit kaso hinarangan ni Rence yung dadaanan ko kaya napataas naman ang kilay ko sa kanya.
"Uhm pupunta ka rin ba sa meeting?" Tanong ni Rence.
So alam niya yung tungkol sa meeting namin ngayon?
"Oo, bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Ayos, pasabay na lang ako sayo ha," sabi ni Rence at tumabi na kaya nag lakad na ko ulit at sumabay naman siya sakin.
"Ah oo nga pala," sabi ni Rence at nilingon yung mediocris tsaka kumaway dito.
"Pasensya na ha, mamaya na lang kita sasamahan," sabi ni Rence sa maliit na nilalang at nakita ko namang tumango tango ang fairy tsaka umalis na. Nag lakad na kami ni Rence papunta sa project room namin.
Ay wait, dun din ba siya papunta.
"Sa project room yung meeting namin, dun ka din ba pupunta?" Tanong ko sa kay Rence at tumango naman siya.
"Oo, sabi ni Andrew kanina dun daw pumunta eh," sagor niya sakin kaya napatango na lang ako.
So mukhang nautusan ni Andrea si Andrew na tawagin 'tong mga tropa ni Jason ah.
"Alam mo ba kung tungkol saan yung meeting?" Tanong ni Rence habang tuloy pa din kaming nag lalakad. Malapit na din kami sa elevator sa project room kasi nakikita ko na yung hallway papunta dun eh.
"Hindi ko din alam kung bakit talaga, pero sabi ni Andrea kanina tungkol daw yung pag uusapan sa kanila ni Joanna at Jason," sagot ko sa tanong niya.
"Ahh baka pag uusapan yung gagawin kapag naka uwi na sila Jason," sabi ni Rence habang naka turo pa ang kanang hintuturo niya sa baba niya na para bang nag iisip habang tumatango tango pa.
"Siguro nga," sabi ko na lang sa kanya at nag tuloy na kami sa pag lalakad pero hindi na kami nag sasalita pa. Maya maya lang ay nasa may elevator na kami at hinihintay na lang na bumukas na ulit ang elevator para makapasok na kami sa kung nasaan man sila ni Andrea.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasiaThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
