*Rhoda's POV*
Pagkatapos kong kausapin si tita Violet ay dumiretso na muna ako sa kwarto ni Eryell kaso wala pala siya dun at may pinuntahan yata, nawawala kasi ang espadang lagi-lagi niyang dala kapag may mga pinupuntahan siyang delikado.
Wait...ba't di namin alam yun?
Dali-dali akong pumunta sa kwarto ni Andrea at di na nag-abala pang kumatok sa pinto.
"Dre!" Sigaw ko at napataas na lang ang kilay ko sa nakita ko, nakahiga lang naman si Andrew sa hita ni Andrea habang minamasahe niya ito sa noo.
"Oh Rhoda bakit?" Tanong ni Andrea sakin habang patuloy pa rin sa pag-hilot kay Andrew.
"Uhm...pwede ba kita makausap?" Tanong ko sa kanya.
"Sige, sandali lang Drew, mag-uusap lang muna kami," sabi niya kay Andrew kaya bumangon naman ito at tumayo na tapos tuloy-tuloy na lumabas ng kwarto ni Andrea ng walang kahit na anong sinabi.
Okay?
"So ano yung sasabihin mo?" Tanong ni Andrea kaya pumasok na ko ng kwarto niya at sinarado ang pinto, ni-lock ko na rin ito. Lumapit ako kay Andrea at umupo sa tabi niya.
"Huwag kang maingay ha," panimula ko, nagtataka naman siyang tumingin sakin pero tumango pa rin siya.
"Hindi ko alam kung talaga bang mapagkakatiwalaan natin si tita Violet," bulong ko kay Andrea.
"Huh? Anong pinagsasabi mo?" Tanong naman niya.
"Ganito kasi yun. Nung nakaraang araw may natanggap akong isang kwintas, hindi ko alam kung kanino galing yun tapos nakita ni ate Jasmine na hawak-hawak ko yun tapos kinuha niya sakin at binigay kay tita Violet," sabi ko kay Andrea.
"Oh tapos?" Tanong naman niya.
"Tapos kanina tinry kong kunin sa kanya yung kwintas kaso ayaw na niya ibigay, ang sabi niya eh namisplace niya daw pero hindi naman burara si tia Violet eh masyado siyang organize sa mga gamit niya," sumbong ko kay Andrea.
"Eh malay mo naman type niya lang yung kwintas," sabi niya.
"Hindi eh, kasi yung kwintas na yun, kakaiba, para bang sobrang importante ng kwintas na yun sakin kahit na hindi ko pa naman nakikita yun dati," sabi ko kay Andrea na mas lalong nagtaka.
"Aish! Basta ako di na muna ako magtitiwala kay tita Violet," sabi ko sa kanya.
"Naabnoy ka lang yata Rhod or baka kulang ka lang sa aruga ng jowa mo?" Tanong niya kaya binatukan ko nga.
"G*ga! Alagang-alaga ako nun no," proud ko namang sabi sa kanya.
"Sana all na lang," sabi niya at tumayo na tapos pumunta ng cabinet niya.
"Magsasanay ako sa project room natin, gusto mo sumama?" Tanong niya sakin
"Sige sige," sagot ko naman pero nahiga na muna ko dito sa sofa at nag-isip-isip habang si Andrea naman ay nagbihis na sa CR. Paglabas niya ay dumiretso siya sa vanity table niya at sinuklay ang buhok niya.
"Hoy babaita huwag mo na isipin yun," sigaw ni Andrea sakin.
"Eh kasi naman Dre and weird lang kasi talaga," sagot ko naman sa kanya.
"Anong weird dun? Nababaliw ka lang talaga," sabi niya habang tinatali ang buhok niya sa isang ponytail.
"Hoy di ako baliw ha ga~" hindi ko na natapos ang pagmumura ko sa kanya ng biglang may kumatok sa pinto, lumapit naman agad si Andrea dito at binuksan yun.
"Ano to?" Tanong niya kaya napaupo naman ako ng maayos.
"Ang alin?" Tanong ko sa kanya.
"Eto oh," sabi niya at pinakita sakin ang isang antique jewelry box na may sirena, dolphin, shells at seaweed na design.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasyThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
