Special Chapter: Rhoda 13

45 4 1
                                        

*Rhoda's POV*

Siguro mag a-alas-siyete na ng gabi kami nakauwi mula sa kanila nanay. Napadami kasi ang kwentuhan namin eh, lalo na sila ni Aldrin at nanay. Ang daming tinanong ni nanay sa kanya na sinagot naman niya lahat, buti nga hindi natanong ni nanay kung bakit ang putla naming dalawa ni Aldrin eh baka kasi masabi ko ring kasi bampira kami, edi natakot yun.

"Finally! Nakauwi na rin!" Rinig kong sabi ni Mark na hanggang ngayon ay nagdadrive pa rin.

Kakapasok lang kasi ng sasakyang sinasakyan namin ngayon sa hideout at ipapark na lang ni Mark sa may parking lot.

"Mark dito na lang kami sa may front door, ikaw na lang mag park dun sa parking lot," sabi ko sa kay Mark.

"Roger," sagot naman nito at maya maya lang ay hininto na ang sasakyan sa may front door. Binuksan na ni Aldrin ang pinto ng sasakyan at lumabas na, inalalayan niya rin naman akong bumaba tsaka sinarado ang pinto sa back seat.

"Salamat!" Sigaw ko kay Mark sa loob ng kotse, ewan ko lang kung narinig niya, nag drive na kasi siya papuntang parking lot eh.

"Let's go?" Tanong ni Aldrin sakin kaya tumango naman ako sa kanya at sabay na nga kaming naglakad papasok ng hideout.

"Panigurado hinahanap na nila tayo dun sa palasyo," sabi ko kay Aldrin habang magkahawak kamay kaming naglalakad papunta sa portal.

"Panigurado yan," pag agree niya naman sa sinabi ko.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah, napagod lang ako," nakangiting sagot naman niya sa tanong ko.

"Oo nga naman, sinong di mapapagod sa kakadaldal niyo kanina ni nanay," natatawang sabi ko sa kanya at natawa din siya.

"Mas madami pa yata kayong napag usapan kesa samin eh," dagdag ko pa.

"Haha ganun talaga eh, approve na ako sa kanya eh," nakangising sabi ni Aldrin.

"Sus, tuwang tuwa ka naman ha," tukso ko sa kanya. Kumalas siya sa pagkakahawak kamay namin at inakbayan ako, agad ko din naman siyang niyakap habang naglalakad kaming dalawa.

"Oo naman, dahil ibig sabihin nun, masaya siya para sayo at para satin," sagot ni Aldrin.

"Oo nga eh, alam mo ba, ang saya ko kanina habang pinagmamasdan ko kayong magkausap, yung feeling na kumpleto na ang lahat," nakangiting kwento ko sa kay Aldrin na ginantihan niya din naman ng ngiti.

"Gusto mo ba, gawin pa nating mas masaya?" Tanong niya kaya napakunot noo naman ako sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Pakasal na tayo?" Tanong niya na ikinagulat ko.

"Luh, seryoso ka?" Tanong ko sa kanya

"Oo naman, bakit hindi?" Tanong niya ulit.

"Hmm," sabi ko at umakto na parang nag iisip

"Pag iisipan mo pa talaga? Ayaw mo bang maikasal sakin?" Tanong niya sakin na para bang nagtatampo at malungkot kaya natawa na lang ako.

"Hahaha mag propose ka muna," sabi ko sa kanya.

"Kailangan pa ba yun?" Tanong niya.

"Oo naman," sagot ko din sa kanya.

"Ganun kasi sa mundo ng mga tao, kailangan munang mag propose ng lalaki sa babaeng mahal niya bago sila mag pakasal," sagot ko naman sa kanya.

"Eh bakit sila ni Joanna at Jason parang wala namang naganap na propose propose na yan?" Tanong niya sakin kaya napaisip din ako.

TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon