*Neca's POV*
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nagmumukmok.
"Eh kasi naman, ang OA mo naman kasi," kausap ko po ang sarili ko sa harap ng salamin.
"Anong OA? Hindi no! Ang insensitive niya lang talaga," sagot ko sa sarili ko.
Argh!!! Nababaliw na ko. Si Kevin may kasalanan nito eh. I mean, oo hindi naman talaga kami "official" pero kahit na, alam naman niyang gusto ko siya eh.
"Joke lang naman yung sinabi niya, ano ba niya ako ah," sabi ko
"but, jokes are half meant," malungkot kong bulong sa sarili ko nang bigla na lang may kumatok.
"Bakit!?" Pasigaw kong tanong.
"buksan mo kaya ang pinto!" Sigaw rin ng isang babae sa may pinto at base pa lang sa boses nito, alam kong si Joanna 'to.
"Wala ako sa mood ngayon Jo," sabi ko sa kanya.
"Alam ko, kaya buksan mo ang pinto or sisirain ko 'to," sabi niya kaya agad namang napa-taas ang kaliwang kilay ko.
"Seriously?" Natanong ko sa kanya.
"Kilala mo ko Nec," maikling sabi niya kaya agad din naman akong tumayo at binuksan ang pinto, mamaya sirain niya talaga eh.
Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay agad na siyang pumasok, ay hindi, sila pala dahil kasama rin niya sila ni Andrea, Catliya, Rhoda at Eryell.
"Akala ko ikaw lang mag-isa," sabi ko sa kay Joanna pero nag-kibit balikat lang siya at tuloy-tuloy na naupo sa kama ko.
"So bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila ng maisarado at ma-lock ko na ang pinto.
"Dadamayan lang namin ang mga heart broken naming best friends," sagot ni Andrea.
"sino pa bang heart broken dito eh ako lang naman," malungkot kong sabi sa kanila.
"Nope, may isa pa kaso ayaw lang umamin," sabi ni Catliya at agad naman siyang sinipa ni Eryell.
Okay, alam ko na kung sino.
"Tara, pag-usapan natin yan baka mamaya eh maglaslas na kayo," sabi ni Rhoda kaya natawa naman kami.
"Okay fine," sabi ko naman sa kanila.
*Kevin's POV*
"So anong problema at nandito ka na naman sa kwarto ko?" Tanong ni Nicolo na nakahilata sa kama niya.
"Eh kasi naman shuds ko man seryuso ang pag spyok kanina. Jokis lang man, pero waley ko knowing na seryosohin niya," sagot ko kay Nicolo. Nandito kasi ako ngayon sa kwarto niya, believe it or not eh nang-hihingi ulit ako ng advice sa playboy na yan.
"Teka tol, di kita maintindihan, di ako marunong ng lengwaheng 'yan," sabi niya kaya napa-roll eyes naman ako sa kanya.
"Ang ibig kong sabihin ay hindi ko naman sinasadya ang nasabi ko kanina, joke lang naman yun pero di ko alam na seseryosohin niya," medyo malungkot kong sabi sa kanya.
"Eh ano bang sinabi mo? Tsaka kanino mo ba sinabi?" Tanong niya.
"Sinabi ko kay Neca na ano ko ba siya? Maka-akto kasi parang girlfriend ko eh," sabi ko naman sa kanya.
"Woah! May girlfriend ka na 'tol!? Sabi na nga ba eh maitatama pa ang landas mo," sabi ng ungas kaya tinapunan ko nga ng unan sa mukha.
"Ul*l! Hindi nga kami okay? Bigla niya na lang sinabi yun no," sabi ko sa kanya.
"Weh? I'm sure gusto mo rin," naka-ngising sabi ni Nicolo.
"Tsk! Hindi no, nakaka-diri kaya, Hello? Babae siya at babae rin ako, okay?" Sabi ko pero umiling lang siya.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasyThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
