*Eryell's POV*
Nag-aayos na ko ng mga gamit na dadalhin ko para hanapin ang hayop na Joseph Kentaro na yun.
"Tapos ka na ba mag-ayos? Tara na uwi na tayo," sabi ni Nicolo at hinawakan ang kamay ko pero tinanggal ko naman agad yun.
"Hindi pa ko uuwi," sabi ko sa kanya.
"Bakit? May gagawin ka pa ba dito?" Tanong na naman niya pero di ko na lang siya pinansin, ang kulit eh.
"Tara na uwi na tayo," seryoso niyang sabi at hinawakan ang kaliwang kamay ko at nagsimula na maglakad palabas pero inikot ko ang kamay niya hanggang sa napaluhod naman siya.
"Aray! Aray!" Reklamo niya.
"Hindi pa ko uuwi. May kailangan pa kong hanapin," sabi ko sa kanya at binitawan ang kamay niya.
"Ano ba yung hinahanap mo? Tulungan na lang kita," sabi niya kaso umiling lang ako at sinukbit na ang bag sa likod ko.
"Huwag na. Kami na lang ni Mendrell ang aalis. Umuwi ka na," sabi ko sa kanya.
"Wow ako pinapauwi mo pero willing kang sumama sa kapre na 'to!?" Di makapaniwalang sabi niya.
"Ano bang silbi nit~" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng tumunog ang cellphone niya na agad niya namang kinuha at sinagot ang tawag.
"Hello April?" Sabi niya sa kausap niya sa cellphone.
Edi wow.
Naglakad na ko palabas ng kwarto at nakasunod lang si Mendrell sakin.
"Ah teka mamaya na lang ako ulit tatawag ha. Bye," rinig kong sabi ni Nicolo sa loob ng kwarto at naramdaman ko ring tumakbo siya pasunod samin.
"Huy aalis ka talaga? Kasama mo talaga 'to?" Tanong na naman niya.
"Ang kulit mo. Umuwi ka na sabi, hinahanap ka na dun diba. Tsaka kaya na namin ni Mendrell hanapin yung taong yun," sabi ko sa kanya at napakunot-noo naman siya.
"Fine. Di na kita pipiliting umuwi pero sasama ako sa inyo at di niyo ko mapipigilan," sabi naman niya kaya napa-iling na lang ako.
Hinayaan ko na lang siya. Nagpatuloy na lang kaming tatlo sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa labas ng hotel at sumakay na kami sa kotse.
Nagmaneho na ko papunta sa may Robinson Imus. Base kasi sa nakita kong isa pang sulat ni Master yoshida dun sa office niya nung pumunta ako dun kahapon after ko basahin yung letter na pinadala niya, huling kita daw kay Joseph Kentaro ay sa building sa likod ng Robinson Imus kaya dun kami ngayon pupunta.
"Princess, sigurado ka na ba sa plano mo?" Tanong ni Mendrell at talagang nilabas pa yung ulo niya sa pagitan ng driver seat at passenger seat.
"Anong plano?" Sabat naman ni Nicolo.
"Balak niyang sugurin yung kuta ni Jos~"
"Mendrell, Kapag di ka tumahimik babarilin ko yang labi mo," sabi ko sa kanya kaya umayos naman siya ng upo at tumahimik na. Nagpatuloy lang ako sa pagda-drive hanggang sa makita ko na yung building ng Robinson Imus.
"Maghanda na kayo," sabi ko sa kanila at nakita ko naman sa rearview mirror na naglagay na si Mendrell ng dalawang baril na may silencer sa loob ng coat na suot-suot niya.
"Maghanda? Ano bang meron?" Tanong naman ni Nicolo.
"Nicolo," tawag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasíaThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
