*Catliya's POV*
Kakatapos ko lang mag luto ng meryenda, simpleng sopas lang naman yung niluto ko. Isang kilong sopas yung niluto ko para sakto sa aming lahat kaso feeling ko kukulangin pa rin eh kasi nakaka limang bowl na si Rence.
"Gutom ka pa rin?" Tanong ko kay Rence na subo lang ng subo ng sopas. Tumango naman siya sakin kasi di niya na magawang makapag salita eh, punong puno na kasi ang bibig niya.
"Ahh ganun ba? Kahit kalahating kilo na yung nakakain mo?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Nilunok niya naman yung nginunguya niya.
"Ang sarap ng luto mo eh kaya napapadami kain ko," sabi niya at ngumiti tsaka kumuha na naman ng isa pang bowl ng sopas. Napa ngiti na lang ako kasi kahit naman sanay na ako sa mga compliments sa luto ko eh masaya at masarap pa rin sa pakiramdam kapag may nakaka appreciate ng pinag hirapan mo.
Halos maubos na ni Rence yung isang kilong sopas ng dumating naman ang iba pa naming mga kasamahan dito kaya hindi na naka kuha pa ulit ng isang serving si Rence kasi naubos na ng mga kakarating lang.
"Huy! Ba't ka naka busangot diyan?" Tanong ko sa naka ngusong si Rence.
"Eh inubos na nila yung sopas eh," malungkot na sabi ni Rence kaya natawa na lang ako.
"Ikaw nga halos maubos mo na yung isang kilong sopas," sabi ko sa kanya kaya napa isip naman siya at naya maya lamang ay tumango tango na lang siya.
"Oo nga no?" Nasabi na lang ni Rence kaya napa iling na lang ako sa kanya.
"Grabe ang dami ng kinain mo, may anaconda ba diyan sa tiyan mo?" Pabirong tanong ko sa kanya pero umiling naman siya.
"Hindi anaconda, kundi dragon," sabi ni Rence kaya natawa na lang ako.
"Ba't ka tumatawa?" Tanong niya sakin.
"Kasi mas malala pala yung biro mo," natatawa ko pa ring sabi sa kanya pero siya naka tingin lang sakin ng nag tatakha.
"Hindi naman ako nag bibiro eh," sabi niya kaya napa tigil naman ako sa pag tawa at tumingin sa kanya ng nag tatakha.
"Edi totoo yung sabi mong may dragon diyan sa tiyan mo?" Hindi maka paniwalang tanong ko sa kanya at tumango naman siya kaya napa nganga na lang ako.
"Di nga?" Tanong ko sa kanya. Di naman kami naririnig ng mga kasama namin kasi masyado silang busy sa pag kain ng sopas.
"Oo haha pero hindi yung literal na dragon ha, kundi yung kaluluwa lang ng isang dragon," sabi ni Rence kaya napa tango tango naman ako sa kanya.
"So sa dragon galing yung kapangyarihan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Oo yun kasi yung kabiyak ng elemento ng apoy," sagot ni Rence sakin kaya tumango tango na lang ako.
"Nahahawakan ba yung dragon?" Tanong ko sa kanya.
"Hmm hindi ko alam kasi kung ako yung humawak parang wala naman eh," sabi ni Rence.
"Pwede pahawak? Try ko lang baka mahawakan ko yung dragon," sabi ko kay Rence at tumango naman siya tinaas niya ng bahagya yung damit niya pang itaas kaya kita ko naman agad ang mga abs niya.
Okay, ikaw na may magandang katawan.
"Ganda ng katawan ko no?" Naka ngising sabi ni Rence kaya inirapan ko na lang siya at tumingin ulit sa abs niya, I mean sa tiyan niya. Inilapat ko na ang palad ko sa tiyan niya at naramdaman ko naman agad ang pag init ng buong katawan ko kaya agad ko ding binawi ang kamay ko.
"A-Ano yun?" Tanong ko sa kay Rence na nanlalaki lang ang mga mata at sa isang iglap lang ay nawala na siya sa kinauupuan niya.
"Oh? San nag punta si Rence?" Tanong ni Andrew sakin ng mapansin ang kaibigan niya na bigla na lang nawala sa upuan nito.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasíaThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
