*Rhoda's POV*
"Rhoda Mae Rivera, anong meron sa inyo ni Aldrin Lance Martinez?" Sabay sabay na tanong nilang apat.
"Huh? Mag-kapartner sa paggawa ng banner?" Patanong na sagot ko sa kanila.
"Huwag mo kaming gawing t*nga Rhod, alam naming may something sa inyo," sabi ni Catliya.
"Kaya nga," sabi ni Neca.
"Nung isang araw ko pa kayo nahahalata," sabi naman ni Andrea.
"So aamin ka ba or aamin ka?" Tanong naman ni Eryell.
Sasabihin ko na ba?
"Oo, sabihin mo na," sabat naman ni Eryell. P*teks! Nakalimutan kong nakakapag-basa pala ng isip 'to.
"Fine," sabi ko na lang. Wala na rin naman akong magagawa eh.
"Sige, push na ang chika," sabi ni Neca at naupo na sa kama ko, ganun din naman ang ginawa nila Eryell, Catliya at Andrea kaya kumuha ako ng isang upuan at naupo dun sa harapan nila.
"Uhm...saan ba ko magsisimula?" Tanong ko sa sarili ko.
"Simulan mo sa kung pano ka nahulog dun sa prinsipe ng lupa na yun," sagot ni Andrea sakin.
"O-okay," kinakabahang sabi ko kasi naman nakakakaba yung mga tingin ni Andrea eh.
"Well, nakilala ko si Aldrin 3 years ago," panimula ko na ikinagulat naman nilang apat.
"What? Eh last year lang tayo dumating dito ah," sabi ni Eryell.
"Err.. ganito kasi yun," sabi ko.
*Flashback 3 years ago*
"Princess, happy birthday," bati sakin ng kakarating lang na si Mark dito sa kwarto ko.
"Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap eh," sabi ko sa kanya.
"Haha sorry na prinsesa. Ay eto pala, regalo ko sayo," sabi niya at inabot sakin ang isang maliit na box.
"Salamat," sabi ko sa kanya nang may kumatok bigla sa pinto kaya binuksan ko ang pinto.
"Pinapatawag ka po ni master Yashida," sabi ng isang lalaking hudlom na di ko kilala.
"K," sabi ko sa lalaki at umalis na naman ito agad.
"Hala ka, may kalokohan ka na namang ginawa no?" Tukso pa ni Mark.
"Hindi ko pa nga nagagawa eh. Papatayin sana kita," biro ko naman sa kanya at napakamot naman siya ng ulo niya.
"Haha tara na," sabi ko sa kanya at hinila na siya palabas ng kwarto papunta sa office ni master.
"Uy uy ba't pati ako kasama? Di naman ako pinatawag ah," reklamo niya habang hila-hila ko siya sa kamay pero di ko na lang siya pinansin at dire-diretsong binuksan ang office ni master at gaya ng laging ganap dito eh iniwasan ko ang mga lumilipad na kutsilyong papunta sa direksyon ko.
"Woah! Otou-san!" Reklamo ni Mark sa tatay niya. Yes, anak siya ni master Yashida, sila ng kambal niya na si Mike.
"Oh ba't pati ikaw nandito?" Tanong ni master sa kanya.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasyThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
