Special Chapter: Eryell 14.5

61 4 0
                                    

*Eryell's POV*

Matapos naming mag-ayos ni Catliya ay agad na kaming dumiretso sa bayan. Mag-iisang oras lang at nakarating na kami sa bayan gamit ang isang sasakyan, tamad kaming tumakbo gamit ang bilis namin bilang isang bampira eh tsaka para at least mamaya kapag may mga bitbit kami ay hindi na kami mahihirapan magbitbit pauwi.

"Cat magkano ang dala mong pera diyan?" Tanong ko kay Catliya.

"Uhm may ₱5,000 akong cash dito tapos pwede naman akong mag withdraw sa atm," sabi niya kaya nagtatakhang napatingin naman ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong naman niya.

"B*bo ka ba? Nakalimutan mo na bang nasa ibang mundo tayo?" Tanong ko kay Catliya.

"Ha?" Sabi naman niya.

"Iba kaya ang ginagamit nilang pera dito kesa sa pera ng mga normal na tao," sabi ko naman sa kanya.

"Ah ganun ba? Eh ano ba yung pera nila dito?" Tanong niya.

"Ginto at pilak ang gamit nilang pera dito," sabi ko naman sa kanya.

"What!?" Sigaw naman niya kaya napatingin naman ang ibang mga nilalang na nasa paligid namin.

"Ano ba! Hinaan mo naman yang boses mo. Kita ko na pati ngala-ngala mo eh," reklamo ko naman sa kanya pero parang di niya naman narinig yun.

"Saan naman tayo kukuha ng ginto at pilak!? Ha!?" Tanong naman niya.

"Aba malay ko," sabi ko naman sa kanya at tumingin na lang sa paligid namin.

"Haays so ano pang silbi ng pagpunta natin dito kung di naman pala tayo mamimili?" Sabi naman ni Catliya habang nakatingin sa isang shop ng mga tela.

"Window shopping na lang tayo," sabi ko sa kanya at naglakad papunta dun sa tindahan ng mga tela.

"Pili lang ho kayo mga binibini magaganda ang klase ng telang ibinebenta namin," sabi ng tindera samin habang inaayos ang pagkakatiklop ng isang telang pink na may mga butas-butas na design, di ko alam ang tawag diyan pero maganda ha.

"Pili lang ho kayo mga binibini magaganda ang klase ng telang ibinebenta namin," sabi ng tindera samin habang inaayos ang pagkakatiklop ng isang telang pink na may mga butas-butas na design, di ko alam ang tawag diyan pero maganda ha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Wow ate ang ganda naman po niyan," sabi ko sa tindera.

"Opo ito po ay gawa sa hibla ng~" hindi niya na natapos ang sinasabi niya ng makita niya ako at si Catliya na nakatingin sa kanya at naghihintay ng explanation niya.

"M-Mga mahal na Prinsesa!" Sabi niya at dali-daling yumuko.

"Isa pong karangalan sa akin at aking pamilya na maging mamimili po kayo namin. Maraming salamat po," sabi ng tindera habang nakayuko pa rin.

"Ah ate haha tama na po sa pagyuko," awkward na sabi ni Catliya sa kanya kaya tumayo naman siya agad ng maayos at nakangiting tumingin sa amin.

"Ano po ang inyong nais bilhin mga Prinsesa? Meron po kami ditong pecus (sheep in latin) wool galing po ang tela nito sa mga tupa," sabi ng tindera habang pinapakita samin ang puting tela na may mga nakaburdang mga bilog bilog.

TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon