Special Chapter: Rhoda 8

44 3 0
                                        

*Rhoda's POV*

Kinaumagahan ay naisip ko na tumambay muna sa may garden, wala na kasi akong magawa sa loob ng palasyo eh, ang boring na.

"Ano na kaya ang resulta nung DNA test?" Di ko maiwasang itanong sa sarili ko, I mean, oo malakas ang kutob ko na siya na talaga ang matagal ko nang hinahanap na ina pero siyempre iba pa rin yung may pruweba talaga.

Habang nagmumuni-muni ako dito sa garden ay may nahagip ang mata ko na para bang may naglalakad sa kwarto ni Catliya, mula kasi dito sa kinauupuan ko eh kita ang bintana ng kwarto niya dito.

Baka si Catliya lang yan.

Pero iba ang pakiramdam ko eh, para bang naranasan ko na din ang pakiramdam na 'to dati pa, yung panahong nakita ko yung kwintas sa vanity table sa kwarto ko.

Tumayo ako at humakbang palapit para mas maaninag pa ang anino ng isang babae sa bintana ng kwarto ni Catliya.

Hindi si Catliya 'yan!

Nang marealize kong hindi si Catliya yun eh dali dali akong tumakbo papunta sa kwarto ni Catliya at agad binuksan ang pinto nito.

"Waaaaaah!!!" Sigaw ni Catliya na kakalabas lang sa CR habang nakatapis lang ng tuwalya at tumutulo pa ang basang buhok nito.

"Ano ba naman yan Rhod! Anong ginagawa mo dito!? Tsaaka isara mo nga yang pinto magbibihis ako eh," sabi niya kaya agad ko namang sinara ang pinto pero pumasok ako sa loob at tinanong siya.

"Cat may kasama ka ba dito kanina?" Tanong ko.

"Huh? Wala naman kakagaling ko lang sa pagligo eh, bakit?" Sagot niya habang nagbibihis.

"Sure ka?" Paninigurado ko at tumango naman siya.

"May problema ba?" Nagtatakhang tanong niya.

"Kung ganun eh sino yung babaeng nakita ko dito kanina?" Tanong ko sa kanya.

"Malay ko baka maid lang," sagot niya at nagtungo sa vanity table niya para kunin siguro yung suklay.

"Ano 'to?" Tanong niya kaya lumapit naman ako sa kanya at tinignan din ang tinitignan niya at nakita ko dun ang isang lumang box na pula.

"Ano 'to?" Tanong niya kaya lumapit naman ako sa kanya at tinignan din ang tinitignan niya at nakita ko dun ang isang lumang box na pula

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ano yan?" Tanong ko kay Catliya pero di niya ko sinagot at kinuha lang ang box tsaka pinatong ito sa ibabaw ng vanity table.

Bubuksan niya na sana ng may maramdaman akong presensyang nakatingin samin, more like kay Catliya.

"Cat," tawag ko sa kanya.

"Yeah I know," sabi niya at natahimik na kaming dalawa. Pinakiramdaman ko ang paligid namin at nafefeel ko pa rin ang presensya niya sa may pintuan kaya gamit ang vampire speed ko ay mabilis kong tinungo ang pinto pero pagkadating ko dun ay wala akong nakitang nilalang, tumingin ako sa kaliwa pero wala pa rin at sa kanan, dun, dun ko nakita ang isang anino ng babaeng tumatakbo palayo hanggang sa makaliko na ito sa isang pasilyo, ang nakakapag taka nga lang eh anino lang talaga ito, walang katawan.

TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon