*Andrea's POV*
Kinabukasan, matapos kong maligo at mag bihis ay nakarinig ako ng katok sa pinto ko kaya agad akong lumapit dito at binuksan ang pinto.
"Yes?" Tanong ko kay Andrew na naka tayo sa labas ng pinto at para bang hindi mapakali habang naka tayo doon. Maya maya niya kasi binubuka ang bibig niya pero agad niya din naman itong isasarado.
"Problema mo?" Tanong ko sa kanya pero di niya naman sinasabi.
"Teka, teka, huminga ka nga muna ng mabuti," sabi ko sa kanya at ginawa naman niya agad.
"Oh, ngayon, may gusto ka bang sabihin?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, ikaw," sabi niya kaya nag takha naman ako.
"Huh? Wala naman akong sasabihin eh, bakit?" Tanong ko sa kanya at napansin ko naman ang pag laki ng mga mata niya at ang pag sabunot niya sa sarili niya.
"Ano ba talagang problema? Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Andrew at tatapikin ko sana siya sa balikat niya ng bigla na lang nawala sa harapan ko at kasunod nun ay ang pag bagsak ng pinto ng kwarto niya.
"Anong problema nun?" Natanong ko na lang at tsaka napa iling iling na lang din at sinarado na lang ulit ang pinto ng kwarto ko.
Naupo na lang ako ulit sa kama ko at kumuha ng libro para makapag basa na muna ng may kumatok na naman sa pinto.
"Pasok!" Sigaw ko na lang kasi tinatamad na akong mag lakad papunta sa pinto eh. Bumukas naman ang pinto at agad na pumasok si Andrew, napansin ko din naman ang tagaktak na mga pawis niya.
May sakit ba 'to?
"A-Ahm, m-ma-may s-sa– ahh sh*t!" Sabi ni Andrew at bigla na lang ulit nag lakad palabas ng kwarto ko sabay sarado ng pinto ng kwarto ko.
"Hoy! Natatae ka ba!? Sigaw ko kay Andrew pero tanging pag bagsak ng pinto na lamang ang narinig ko.
"Ano bang problema nun?" Naitanong ko na lang sa sarili ko at napailing iling na lang ulit tsaka bumalik na sa pag babasa.
Makalipas ang ilang minuto ay meron na namang kumakatok sa pinto kaya napa irap na lang ako.
"Andrew kung natatae ka, tumae ka! Huwag mong pigilan at huwag kang panay pabalik balik dito! P*nyetang yan!" Naiinis na sigaw ko, mamaya dito pa mag kalat eh.
"Sinong nadudumi?" Biglang tanong ng isang babae kaya napa tingin naman ako sa pinto at nakita si Tita Violet na naka tayo doon at sobrang lamig ng ekspresyon nito sa mukha, napalunok na lang tuloy ako.
"Uhm, t-tita ikaw po pala, sorry po akala ko po kasi si Andrew na naman eh," pag hingi ko ng tawad sa kanya.
"Bakit ka po pala nandito?" Tanong ko kay Tita Violet.
"Pinapatawag kayo ng reyna sa throne room," sabi ni tita at tumalikod na.
"Tawagin mo na rin si Andrew," pahabol na sabi ni Tita Violet kaya tumayo na ako at pinatong na lang sa bed side able ko yung librong binabasa ko at nag lakad na papunta sa kwarto ni Andrew at kumatok dito, agad niya din naman itong binuksan.
"Tawag daw tayo ni Tita Josephine," sabi ko kay Andrew at tumango na lang siya sakin kaya nauna na ko mag lakad at sumunod naman siya. Habang nag lalakad papunta sa trone room ay nakasalubong namin sila Catliya at Rence. Ngumiti ako kay Catliya at ganun din naman siya sakin, napansin ko din naman si Rence sa likod niya na para bang hindi mapakali, kagaya ni Andrew.
May sakit ba sila? O may virus?
Hindi ko na lang sila pinansin at pumasok na lang ng throne room.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasyThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
