This book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️
Contents:
*Special Chapter: Neca 1-14
*Special Chapter: Eryell 1-14
*Special Chapter: Rhoda 1-14
*Special Chapter: Catliya 1-14
*Special Chapter: Andrea 1-14
*Special...
Sa ngayon ay nandito kaming dalawa ni Aldrin sa library para pagplanuhan yung gagawin naming banner.
"So uhm...anong plano?" Tanong ko sa kanya pero tahimik lang siyang nakaupo at nagbabasa lang ng librong kinuha niya sa kung saan.
"Aldrin?" Tawag ko sa kanya pero wala pa rin.
Luh, gusto yata mag-pasuyo.
"Mahal naman eh, galit ka pa rin ba?" Tanong ko sa kanya at niyakap siya mula sa likod.
"Mahal ko, pansinin mo na ko," bulong ko sa kanya at napabuntong hininga naman siya.
"Halika nga," sabi niya at hinila ako ng mahina papunta sa katabing upuan sa kanan niya kaya naupo ako dito. Pagkaupong-pagkaupo ko ay agad niya namang kinurot ang mga pisngi ko.
"A-aray," reklamo ko sa kanya habang pilit tinatanggal ang mga kamay niya pero natawa lang siya kaya sinamaan ko nga ng tingin kaya binitawan niya naman ang mukha ko at hinalikan ako sa noo.
"I love you," sabi niya.
"I love you too," sagot ko rin sa kanya.
"So ano na ang plano para sa banner nung bagong kasal?" Tanong ko sa kanya.
"I don't know. Di naman ako magaling sa mga arts na yan eh," sabi niya at nagpatuloy sa pagbabasa.
"Eh? Mapapagalitan tayo ni Andrea pag wala tayong ginawang banner kaya mag-isip ka na rin," sabi ko sa kanya.
"Fine. Mag-search na lang muna tayo online," sabi niya at nilabas ang cellphone niya para mag search ng mga ideas.
"Eto kaya?" Tanong niya at pinakita ang isang simpleng banner na may mga letrang naka-ayos para makabuo ng words na "WELCOME HOME MR & MRS YATES."
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Hmm...pwede rin kaso hindi kaya masyadong simple lang?" Tanong ko sa kanya.
"Edi dagdagan na lang natin ng ibang designs," sabi niya.
"Haha tinatamad ka no?" Tanong ko sa kanya at tumango lang siya kaya mas lalo akong natawa.
"Ako nga rin eh. Sige yan na lang," sabi ko din sa kanya.
"Pero para may effort naman eh tayo na lang ang mag-gugupit at mag pipintura ng banner," sabi ko sa kanya.
"Sige," sabi niya at nagbasa na naman ng libro kaya sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at nakibasa na rin, inakbay niya rin ang kanang kamay niya sakin habang patuloy pa rin sa pagbabasa.
Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto dito sa library kaya agad naman akong napalayo kay Aldrin.
Nakita ko si Andrea na pumasok at napansin ko din ang pag-taas ng kilay niya.