*Nicolo's POV*
Dumiresto ako agad sa silid ko pagkatapos akong ipatawag sa silid-aralan ni tita Josephine.
Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Naiinis ako, nanghihinayang at nalulungkot, halo-halong mga negatibong emosyon ang nararamdaman ko sa ngayon.
Oo nga pala, malapit na nga ang kaarawan niya.
Humiga ako sa kama ko at pinikit ang mga mata ko. Habang nakapikit ako ay naaalala ko ang mga senaryong masaya pa ko, yung mga panahong may respeto pa ko sa mga babae, lalong-lalo na sa nanay ko.
Nung una, okay naman lahat eh. Masaya kaming pamilya, aakalain mong perpekto na ang lahat kasi wala kaming problemang kinakaharap.
Yun pala, di ko lang alam. Hindi ko lang alam ang kababuyang nangyayari sa pamilya ko.
Ang tinitingala at hinahangaan kong ama. Isang lalaking may dugong maharlika. Isang huwarang ama. Yan siya kapag nasa harap ko o ng ibang tao. Pero sa likod ng perpekto niyang katangian, ay isa palang manloloko at mamamatay-tao. Hindi lang ako ang nilinlang niya, kundi pati na rin ang lolo at lola ko.
Simula nung maliit pa lang ako ay malapit na talaga ang loob ko sa tiyo ko. Mas close pa nga ako sa kanya kesa sa sarili kong ama. Nang nag-labing-limang taon na ko ay umalis silang dalawa ni ama para mangaso sa gubat ng Taboo pero nabalitaan na lang namin ng hapon na 'yon na patay na ang tiyo ko. Kinwestyon nila lolo at lola si ama pero ang sabi niya eh may umatake sa kanila na isang nilalang at si tiyo ang pinuntirya nito. Pero ang hindi iyon ang totoong nangyari. Dahil siya mismo ang pumatay sa tiyo ko.
Nalaman ito nila lolo at lola at agad na nagsaad ng karapat-dapat na parusa kay ama at yun ay ang habang-buhay na pagkakakulong. Labag man sa loob nilang gawin ito ay ginawa pa rin nila kasi yun ang dapat.
Noong una ay di ko maintindihan kung bakit nagawa ni ama iyon. Pero di rin naglaon at nalaman ko rin ang dahilan. Dahil pala sa malandi kong ina. Matagal na pala silang May relasyon ni tiyo at ng malaman ito ni ama ay pinatay nga niya si tiyo.
Hindi pa naman nag-iisang buwan ng makulong si ama ay nakita ko si ina na may kasamang isang lalaki. At sinama niya ito sa silid nila ni ama. Gusto ko siyang tanungin kung sino yun, kung bakit may naririnig akong napakababoy na mga ingay.
Nagtagal yung mga pangyayaring yun ng ilang buwan hanggang sa iba-ibang lalaki na ang sinasama niya pauwi. Napakababoy nila. Sa mismong mansyon pa ni ama. Natigil lang ang mga pangyayaring yun ng magdesisyon na si ina na umalis na at sumama na lang sa isa sa mga lalaki niya. At ngayon ay meron na silang sariling pamilya pero ni minsan ay di ko sila tinanggap bilang kapamilya. Kahit na yung mga anak nila, dahil bunga sila ng kababoyan ng malandi kong ina at ng hayop niyang lalaki.
Diyan rin nagsimula ang pagiging playboy ko, wala na kong pakielam sa mga babae. Ang tingin ko sa kanilang lahat ay mga malalanding higad lang. Mga malilib*g at mga walang-kwenta. Mga pampalipas-oras. Kahit na sino pa yan.
Kinuyom ko ang mga palad ko at bumangon na lang. Dumiretso ako sa banyo para maligo at ng lumamig naman ang pakiramdam ko.
Pagkatapos maligo ay agad na kong nagbihis at nahiga na lang para matulog.
Kalimutan mo na ang babaeng yun Nicolo. Kalimutan mo na ang walang kwenta mong ina.
*Eryell's POV*
Nakakainis lang. Wala na naman akong napala sa isang kasamahan nila. Hindi ko na naman nakuha ang impormasyong matagal ko na hinahanap.
Inisang-lagok ko ulit ang iniinom kong alak.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasiThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
