Special Chapter: Rhoda 10

48 3 0
                                        

*Rhoda's POV*

Nagpatuloy sa pag-uusap sila tita Josephine at tita Violet pero this time hindi ko na masyado marinig ang pinag-uusapan nila, dahil na rin siguro sa napansin niya kaninang nakikinig ako sa kanila kahit di ko pa rin naman naintindihan pinagusapan nila.

"Mahal ko, may problema ba?" Tanong ni Aldrin kaya napatingin ako sa kanya.

"Ah wala naman," sagot ko sa kanya pero parang hindi siya kumbinsido pero di ko na lang siya pinansin pa at iniba ang usapan namin.

"Hindi pa ba tayo magsisimula?" Tanong ko kay Aldrin.

"Hmm, hindi ko alam eh, teka tatanungin ko sila tita," sabi niya pero pinigilan ko siya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Huwag ka na magtanong, kita mo namang mukhang importante ang pinaguusapan nila oh," sabi ko at turo sa kanila tita na seryoso pa ring nag-uusap. Tumango na lang si Aldrin at tahimik na naghintay sa tabi ko.

Hindi rin naman nagtagal ay narinig ko na si tita Josephine na nagtanong.

"Nasan na ang iba?" Tanong ni tita Josephine, nilibot ko rin ang paningin ko at napansing wala pa si Nicolo, Kevin at Neca.

Panigurado magkasama na naman yang sila Neca at Kevin at baka nasa ibang bahay na naman yang si Nicolo. Subukan niya lang talaga magloko kay Eryell, bubugbugin ko talaga siya.

"For sure sila Neca at Kevin magkasama yun," sabi ni Catliya kaya napatingin ako sa kanya at napangisi.

"Hahahaha yun pang si Neca, eh tinamaan yata ng todo kay Kevin eh," sabi ko naman sa kanila.

"Ano na kayang status nung dalawa?" Tanong naman ni Rence habang nakapostura pa na parang nagiisip ng malalim.

"Let them be. It's their own love life anyways," English na sabi naman ni Andrew kaya napangiwi na lang ako.

Ang aga aga nag e-english na 'to.

"My gosh! Andrew please lang ki-aga-aga, huwag kang mag-english," saway naman ni Eryell sa kanya habang nakangiwi din at mukhang sumakit yata ang ulo niya.

"Hahahahaha," natawa na lang tuloy ako pati sila tita.

"Ay tita bakit niyo nga pal~" hindi na natapos ni Andrea ang kanyang sinasabi ng biglang bumukas ang pinto ng throne room na halatang may sumipa or tumulak dito ng pagka-lakas lakas kaya napatingin naman kaming lahat dun at nakita namin yung mag-asawang pinaglihi sa yelo.

"Hi b*tches we're back!" Bati ni Joanna saming lahat habang nakangisi pa.

"Kasama ba kami dun sa b*tches ha Joanna?" Malamig at nakakatakot na tanong ni tita Violet kaya napaiwas naman kami ng tingin sa kanya.

Kowai (scary in japanese)

"Hahaha why not tita?" Matapang na sagot naman ni Joanna sa kanya.

G*ga talaga 'to eh, may death wish yata 'to.

"You're really suited for my nephew," nakangising sabi naman ni tita Violet at mas lalo tuloy ngumisi si Joanna.

Ewan na lang sa kanilang dalawa, ako naaawa kay Jason sa totoo lang.

"What was that Eryell Aleho?" Biglang lumihis ang tingin ni tita Violet kay Eryell, siguro may sinabi 'to kaya nabaling ang atensyon ni tita Violet sa kanya. Umiling-iling na lang si Eryell bilang sagot.

"Good," sabi ni tita Violet sa kanya.

Napansin kong parang may hinahanap si Joanna.

"Ba't kayo lang? Nasan sila Kevin at Neca? Pati na yung jowa mo Eryell nasan?" Tanong ni Joanna.

TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon