Special Chapter: Neca 12

83 3 0
                                    

*Neca's POV*

Sa ngayon nandito lang ako sa may veranda, umiinom ng kape with matching tinapay pa. At sa araw na 'to hindi ko pa nakikita si Kevin.

wala naman silang mission or ano so asan kaya siya?

Habang humihigop ng kape ay napatingin ako sa may ibaba, sa may garden na part at nakita ko dun si Kevin at kausap si Kuro.

"Anong ginagawa nila dun?" tanong ko sa sarili ko at ginamit ang vampire speed ko papunta sa kanila.

"Sige, alis na ko," sabi ni Kuro ng nakarating na ko sa pwesto nila at tumango naman si Kevin.

"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ko kaya napapitlag naman si Kevin.

"Kanina ka pa diyan?" tanong niya.

"Sagutin mo yung tanong ko," seryosong sabi ko sa kanya.

"Kanina ka pa ba diyan?" pag-uulit niya ng tanong niya kaya nabwisit na 'ko.

"Eh kung sagutin mo kaya muna ang lecheng tanong ko, ha? bakla?" inis na sabi ko sa kanya.

"Hindi ko sasagutin yang tanong mo hangga't hindi mo ko sinasagot, tomboy," sabi naman niya.

"Hoy! Hindi ako tomboy no," sabi ko sa kanya.

"Weh?" tanong naman niya.

"Ehhh sagutin mo na lang kasi," sabi ko na naman.

"Ako nga di mo pa sinasagot, so ba't ko naman yun gagawin?" sabi niya.

"K, fine, sinasagot na kita. Tayo na," sabi ko sa kanya ng naka-ngisi kaya nanlaki naman ang mga mata niya.

"Anong tayo na?" tanong iya ulit.

"sabi mo sagutin kita diba? Kaya ayan, sinagot na kita at tayo na," sabi ko sa kanya at inangkla ang kamay ko sa kanya.

"Pinagsasabi mo?" tanong niya pero di ko na lang siya pinansin at hinawakan ang kamay niya at naglakad na papasok ng palasyo, in short HHWW or Holding Hands While Walking ang peg namin ngayon ay mali Hila-hila while walking pala peg namin ngayon kasi hinihila ko lang siya habang naglalakad.

"Ehem," may biglang umubo sa likod namin kaya napalingon ako dun.

"Oh Kuro, ikaw pala," sabi ko sa kanya at ngumiti at ngumiti rin naman siya pabalik tapos tumingin naman ng masama kay Kevin at dumaan sa gitna namin 'yan tuloy na bitawan ko yung kamay ni Kevin at pinasok na niya 'to sa bulsa niya.

Aww so hindi na kami makakapag-HHWW? Si Kuro kasi eh.

Sumunod na lang ako kay Kevin papasok ng palasyo at nakasalubong naman namin sila Joanna at Jason na naglalakad ng magkahawak-kamay.

"Hi Nec! Hi Kevin!" Bati samin ni Jo tapos yung asawa naman niya eh tumango lang samin.

"Hello, saan punta niyo?" tanong ko sa kanila at unti-unting inangkla ang kamay ko sa braso ni Kevin at nakita ko naman ang pag-ngisi ni Joanna kaya mas napangisi na lang din ako.

"Ah kakausapin namin si Mommy Josephine," sagot ni Jo. Oh, diba, mommy na ang tawag niya kay tita Josephine eh.

"Kevin tara mamasyal tayo sa mundo ng mga tao," sabi ko sa kanya ng naka todo ngiti.

"Ayoko," sabi niya lang kaya hinarangan ko ang dadaanan niya kasi nagsimula na siyang mag-lakad.

"Ehhh??? Sige na please," pamimilit ko sa kanya pero tumingin lang siya sa likod ko at titingin na rin sana ako dun kaso bigla niya na lang akong hinila.

"Tara. Saan mo ba gustong pumunta?" biglang tanong niya pero kahit na nagtataka sa biglaang pag-babago ng utak niya ay hindi ko na lang ito pinansin.

TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon