*Andrea's POV*
"Nandito na ba ang lahat?" tanong ko at inilibot din nila ang paningin nila sa isa't isa.
"Wala pa si Neca," sabi ni Eryell kaya agad ko naman siyang tinignan ng masama.
Masyadong paimportante yung tomboy na yun ah!
"Puntahan mo nga dun sa kwarto niya at kaladkarin papunta dito," sabi ko kay Eryell kaya tumango na lang ito at nag-simula na mag-lakad palabas ng project room namin.
Natahimik na ulit kaming lahat habang yung mga lalaki ay nakatayo pa rin dito sa palibot ng lamesa, lumapit din kasi sila kanina nung tinanong ko kung nandito na ba ang lahat at nag patuloy sa paguusap usap nang maalala ko yung mga librong binabasa ni Joanna dati kaso di ko alam kung saan niya nilagay yun eh.
"Cat," tawag ko kay Catliya, baka sakali lang namang alam niya kung nasaan yung mga libro.
"Oh?" Tanong niya naman sakin.
"Alam mo ba kung saan nilagay ni Joanna yung mga librong binabasa niya dati?" Tanong ko rin sa kanya.
"Anong libro?" Tanong niya din sa akin.
"Yung librong bitbit niya nung isang araw," sabi ko sa kay Catliya pero naka kunot noo lang siyang nakatingin sa akin.
Ay ano ba yan.
"Ano ngang libro? Anong title?" Tanong niya ulit sa akin.
"Basta yung kulay asul, yung may parang bilog bilog sa cover nun," sagot ko din sa kanya kasi hindi ko din matandaan yung title o yung author man lang ng librong yun eh.
"Parang t*nga naman kasi, pano ko malalaman kung anong libro yun?" Bulong niya sa sarili niya habang nag kakamot ng batok.
"May sinasabi ka?" Inis na tanong ko sa kanya.
Narinig ko yun ha.
"Ba't ba ang init ng ulo mo?" Tanong niya sa akin kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.
"LQ ba kayo ni Andrew?" Pabulong na tanong niya ulit sakin at agad naman nanlaki ang mga mata ko.
Anong LQ!? Eh hindi nga kami eh, wala ngang kami!
"T*ng*na mo! Tumahimik ka na nga diyan," sagot ko na lang sa kanya at inayos yung mga nakapatong na mga papel papel sa lamesa at natawa naman siya sakin.
"Mukha nga," bulong niya ulit at isang batok tuloy ang natanggap niya mula sakin.
"Aray!" Reklamo niya ng binatukan ko siya.
"Tumahimik ka na," gigil na sabi ko kaya tinikom niya na ang bibig niya kahit na natatawa pa rin ito.
Sungalngalin ko 'to ng mga papel eh.
"Hoy Nicolo!" Sigaw ko na lang kaya napatahimik naman yung mga lalaki at napatingin sa akin.
"Eskandalosa ang bruha," bulong ni Catliya na hindi ko naman narinig. Bahala siya diyan.
"Ba't ang tagal nung jowa mo?" Tanong ko kay Nicolo.
"Haha don't worry Dre pabalik na yun," sagot ni Nicolo sa akin kaya tumango tango na lang ako sa kanya.
"Sige sige," sabi ni ko at pinag patuloy na yung pag titingin sa mga papel na inayos ko kanina at bumalik naman sa pag uusap usap yung mga lalaki at naupo na lang ulit doon sa sofa mukha kasing matatagalan pa si Eryell eh. Habang nag hihintay ay napansin kong kinuha din ni Catliya ang baril niya at nilinisan na lang din ito habang si Rhoda naman dito sa tabi ko ay parang binagsakan ng langit at lupa sa itsura niya ngayon, pano ba naman eh naka tulala lang siya simula ng dumating siya dito. Maya maya lang din ay narinig ko ng tumunog ang elevator at nakita ko na si Eryell na pumasok ng project room namin at dire diretsong nag lakad papunta kay Nicolo.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasyThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
