Special Chapter: Neca 10

96 3 0
                                        

*Neca's POV*

"P-pano ba ang mag-patawad?" Tanong ko kay kevin ng nakayuko

Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko nang makalimot sa masamang alaala noon at magsimula na ng bagong buhay ngayon pero hindi ko rin alam kung pano ito sisimulan.

"Sa totoo lang ikaw at ikaw lang rin ang nakaka-alam kung kaya at kung kelan mo mapapatawad ang taong nakasakit sa'yo," sabi ni Kevin habang nakatingin lang sa may lawa.

"Pero paano ko masasabi na handa na akong magpatawad? Kung alam ko sa sarili ko ba hanggang ngayon ay may galit pa rin dito sa puso ko?" Tanong ko sa kanya ng nakatingin na rin sa lawa pero ng maramdaman kong hinawakan niya ang kaliwang kamay ko ay napatingin ako sa kanya.

"Hindi naman agad-agad ay nawawala ang mga nararamdaman natin eh lalo na kung masyadong masakit ito para satin. Pero alam mo, ngayon napatunayan ko ng mahal na mahal mo talaga ang mama at papa mo," sabi niya ngumiti at unti-unti ko na namang nararamdaman ang pagbuo ng luha sa mga mata ko.

"Kasi noon pa lamang ay ginawa mo na ang lahat para lamang maging buo kayo ulit, kahit na delikado at magulo ang mundo ng mga mafia ay pinasok mo pa rin ito para lang mahanap ang papa mo," pagpapatuloy niya sa sinasabi niya at ako naman ay nakayuko lamang at hinahayaang tumulo ang mga luha mula sa mata ko.

"Kahit na alam mong ang liit ng posibilidad na mahanap siya, nagpursige ka pa rin. Na kahit na alam mong may posibilidad na may iba na siyang pamilya ay hinanap mo pa rin siya kasi yun ang gusto ng mama mo at alam kong yun din ang gusto mong mangyari," sabi niya at oo, tama siya, kahit naman siguro sino, gugustuhin ang buo at masayang pamilya, at yun ang gusto ko simula pa noong bata ako.

"Pero hindi nangyari ang gusto mo, nasaktan ka sa mga nalaman mo tungkol sa papa mo, sa nangyari sa mama mo," sabi niya at naalala ko na naman lahat ng nangyari noon, lahat ng sakit at lungkot nararamdaman ko na naman ngayon kaya di ko napigilan ang sarili ko at naikuyom ko ang mga kamay ko pero hinawakan lang ito ni Kevin na para bang sinasabi niya na nandito lang ako

"At hanga ako sa'yo," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya na naka-ngiting nakatingin sakin.

"Kasi ang tapang mo at ang lakas mo. Sa dami ng pinagdaanan mo sa buhay, nandito ka ngayon sa tabi ko, lumalaban at patuloy na nabubuhay," sabi niya at pinunasan ang mukha kong basa na ng mga luha ko pero ayaw nitong tumigil.

"Hahaha ano ba yan, ang drama nito ha," sabi niya at may kinuha sa bulsa niya sabay abot sakin ng panyo.

"Oh ipunas mo sa ilong mo, yung sipon mo oh kanina pa tumutulo, yuck!" sabi niya kaya medyo natawa naman ako dun. Yung feeling na seryosong-seryoso kami nung una tapos biglang ganun, sarap batukan nitong baklang 'to.

Kinuha ko na lang yung panyo at pinunas sa mga mata ko at suminga dun sa panyo.

"Yuuucckk!" reklamo naman ng baklang kasama ko.

"Heh! Kala mo siya di sinisipon pag umiyak," sabi ko habang patuloy pa rin sa pagpunas ng ilong ko.

"Pero salamat, kasi kahit papano eh alam kong may taong nakaka-intindi sakin at tinutulungan akong makalimot sa mga hindi magandang alaala," sabi ko sa kanya at ngumiti.

"Sus, wala yun, sino pa bang magtutulungan kundi tayo-tayo lang ding mga kapwa babae," sabi niya kaya di ko na napigilan ang sarili ko at binatukan na talaga siya.

"Ouch!" Reklamo niya.

"Anong kapwa babae? Lalaki ka okay? LA-LA-KI!" pag-emphasize ko sa kanya pero ang baliw nag-roll eyes lang sakin at matapos nun ay natahimik na kaming dalawa pero panandalian lang yung dahil agad ko naman itong pinutol.

TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon