Special Chapter: Catliya 11

33 4 0
                                        

*Catliya's POV*

"May iba pa po ba kayong iuutos mahal na reyna?" Tanong niya pa sa isang matinis na boses kaya di ko mapigilan ang sarili ko na mag taas ng kilay.

"Wala na. Umalis ka na at gawin ang inuutos ko," malamig na sabi naman sa kanya ni tita Josephine kaya umalis na rin agad ang babae.

"Sige na. Maghanda na rin kayo at isang malaking selebrasyon ang mangyayari ngayon," sabi naman ni tita Violet kaya tumango na lang kami sa kanya at nag bow sa kanila tapos lumabas na ng throne room.

"Nahanap na kaya ni Joanna sila Neca at Kevin?" Tanong ni Aldrin.

"Haha malay ko dun," sagot naman ni Rence sa kanya.

Sure ako nandun lang yun sa kwarto ni Neca o ni Kevin.

"Guys mauuna na muna kami sa venue. Sisiguraduhin lang namin na maayos ang mga ganap dun," sabi ni Andrea at tumango lang si Andrew samin tsaka sila nag lakad paalis.

"Sige," sabi naming lahat sa kanya at umalis na nga silang dalawa ni Andrew.

"Parang mag partner-in-crime na yang mga yan ah," puna ni Rhoda sa dalawang kakaalis lang.

"Oo nga eh haha," sabi naman ni Eryell.

"Di ko nga alam kung mag-jowa na ba sila or hindi haha," natatawang sabi ko naman sa kanila.

"Para kasing ang formal nilang dalawa sa isa't isa eh," sabi naman ni Aldrin na tinanguan lang ni Rhoda.

"Kaya nga eh," sabi ulit ni Eryell.

"Sige, alis na rin pala muna ako. May gagawin lang," paalam ni Eryell samin.

"Sus baka hahanapin mo lang jowa mo," tukso naman ni Rhoda sa kanya.

"Paker ka haha. Ge alis na ko," sabi ni Eryell at nag lakad na palayo samin.

"Sige na. Hanapin mo na yun at baka kung sino-sino na naman nilalaplap nun," pahabol ko pang sigaw kauy Eryell.

"Hahahahaha," tawanan na lang kaming mga naiwan dito.

"Mukhang posible nga yung sinabi mo Cat," sabi ni Rhoda sakin habang natatawa pa rin.

"Hahaha g*go kasi yang si Nicolo eh masyadong malandi," sabi ko naman kaya natawa na lang kami ulit, buti di na kumontra sila Aldrin at Rence kasi totoo naman talaga yun.

"O sige, mag aayos na lang din muna kami," paalam ni Rhoda kaya tumango na lang ako sa kanila.

"Sige, kita na lang tayo sa garden," sabi ko na lang din sa kanya. Nag simula na silang mag lakad ni Rhoda at Aldrin papunta sa kwarto nila kaya nag lakad na din ako pabalik sa kwarto ko pero ramdam ko pa ring sinusundan ako ni Rence kaya nilingon ko siya.

"Bakit ka sumusunod sakin?" Tanong ko sa kanya at napa kunot noo naman siya tapos maya maya ay napa ngisi na lang at umiling iling.

"Bakit nga?" Tanong ko ulit sa kanya at humakbang naman siya palapit sakin tsaka yumuko para maging pantay ang mukha niya sa mukha ko.

"Baka nakakalimutan mo nang nasa tapat lang ng kwarto mo ang silid ko?" Naka ngising tanong ni Rence at doon ko lang naalala na magka tapat nga lang pala yung kwarto namin kaya sobrang nakakahiya yung sinabi ko.

Ayan kasi Cat, masyado kang assumera.

"A-Ahh oo, a-alam ko dito," sabi ko na lang at dali daling nag lakad na papunta sa kwarto ko.

Sh*t! Sh*t! Sh*t!

Pag dating sa kwarto ko ay agad akong pumasok sa loob at ni-lock ang pinto.

TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon