Special Chapter: Eryell 14

61 3 0
                                        

*Eryell's POV*

"Kasi gusto kong tumino para sayo. Gusto kong makilala mo ko hindi bilang isang playboy na manyakis kundi bilang ako, bilang si Nicolo na kaya kang irespeto at mahalin ng totoo," seryosong saad ni Nicolo.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Di ko alam kung anong gagawin. May sinisigaw ang utak ko pero may binubulong rin ang puso ko, di ko alam kung saan ako makikinig.

Hindi na lang ako nagsalita kasi hindi ko naman talaga alam kung ano ang sasabihin ko.

"Wala ka man lang bang sasabihin?" Tanong niya kaya napataas naman ang kaliwang kilay ko.

"Ano namang sasabihin ko?" Tanong ko sa kanya.

"Kahit na ano, pwede ring I love you too or mahal din kita," sabi niya kaya mas lalong napataas ang kilay ko.

"Bakit? Mahal ba kita?" Tanong ko ulit sa kanya pero parang tanong ko na rin sa sarili ko yun.

Mahal ko ba 'tong lalaking 'to?

Hindi ko alam. Oo na hindi na oo na hindi. Basta! Ang gulo!

"Hindi kita pipilitin kung di mo pa ko masagot sa ngayon~"

"Bakit nanliligaw ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Napa tayo naman siya ng maayos.

"Uhm kung papayag ka lang naman," sabi niya habang nagkakamot ng batok niya at nakaiwas ng tingin sakin.

"Pano kung ayoko ko?" Tanong ko sa kanya.

"Pwes wala kang magagawa, kasi liligawan kita, sa ayaw at sa gusto mo," naka-ngising sabi niya.

"G*go," sabi ko naman sa kanya.

"Alis nga diyan, di pa ko tapos mag-wish eh," sabi ko sa kanya sabay tulak sa kanya ng mahina.

"Ano pang hihilingin mo eh nandito na naman ako?" Mayabang na sabi ng mokong.

"Shh! Tumahimik ka nga!" Saway ko sa kanya. Lumakad na ko palapit dun sa wishing well at nilabas ulit ang pisong kanina ko pa hawak-hawak sa kanang kamay ko.

Eww baka bumaho ang kamay ko nito.

Ipinikit ko ang mga mata ko at nag-isip na ng kung ano mang ihihiling ko.

"Kasi gusto kong tumino para sayo. Gusto kong makilala mo ko hindi bilang isang playboy na manyakis kundi bilang ako, bilang si Nicolo na kaya kang irespeto at mahalin ng totoo"

Napangiti na lang ako at hiniling ang gusto kong mangyari.

Sana totoo yang sinasabi mo. Sana nga hindi mo ko sasaktan. Sana nga totoo 'yang pagmamahal na sinasabi mo kasi ayokong umasa at masaktan lang sa huli.

Idinilat ko na ang mga mata ko at hinulog na sa wishing well ang piso.

"So pwede ba malaman yung hiling mo?" Tanong ni Nicolo pero umiling lang ako sa kanya at nagsimula na maglakad pabalik sa garden at naramdaman ko naman ang presensya ni Nicolo na nakasunod lang sakin.

Habang naglalakad kami at bago pa makapasok sa garden ay kinukulit pa rin niya ko sa kung ano yung hiniling ko.

"Sige na, ano nga yun?" Tanong niya ulit.

TPQ Special Chapters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon