*Andrea's POV*
Kakatapos lang ng kasal nila ni Joanna at Jason at ngayon naman ay nandito kami sa reception area tsaka tapos na din na naman na yung reception pero nandito lang kami at tumatambay lang muna habang sila ni Joanna at Jason ay busy pa rin sa pag papaalam sa mga bisita nila.
Maya maya lang ay napansin kong nag lalakad palapit si Joanna sa akin kaya ngumiti ako sa kanya at ganun din naman siya.
Pagka rating niya sa tabi ko ay agad kong nilingkis ang kanang kamay ko sa kaliwang braso niya.
"Joanna," tawag ko kay Joanna.
"Hmm?" Tanong niya sakin habang nakangiti.
"I guess this is the end?" Tanong ko sa kay Joanna.
"Nope, this is only the beginning," sabi ni Joanna at inilibot ang tingin sa paligid kung saan lahat ay masaya at nag-e-enjoy.
"But for now, I guess we should take a break," nakangiting dugtong ni Joanna na tinanguan ko naman.
"Best wishes, bestie," sabi ko at niyakap siya at niyakap niya rin naman ako pabalik.
"Thank you bestie, for always being there for me. I love you," sabi ni Joanna sa akin.
"Awts sali kami!" Narinig naming sigaw ni Catliya kaya napabitaw kaming dalawa at natatawang napapailing na lang hanggang sa makalapit silang apat at tsaka nagyakapan nga kaming anim. Habang nag eenjoy pa kami sa group hug namin ay may nag sakitang lalaki, kaya napabitaw naman kami sa yakap at nilingon ito.
"Hey babe, it's time," tawag ni Jason kay Joanna.
"Well, pano ba 'yan, alis na ko," sabi ni Joanna sa amin at tumango naman kami sa kanya at nagyakapan ulit. Makalipas ang ilang segundo ng pagyayakapan ay bumitaw na din kami at umalis na sila ni Joanna at Jason.
"Haay grabe nauna pa talaga si bunso satin," sabi ni Rhoda na ikinatawa naming apat.
"Haha edi sumunod ka," Sabat naman ni Neca sa kanya.
"Tch! Ako pa ba talaga dapat mag-propose?" Di makapaniwalang tanong ni Rhoda habang nakataas ang kanang kilay.
"Iba na ang panahon ngayon girls, hindi na uso yang mga 'kailangan lalaki ang gagawa ng lahat,' Wala nang Maria Clara uy," sabi ko naman habang ine emphasize yung mga salitang kailangan lalaki ang gagawa ng lahat.
"Weh? So nakapag-first move ka na kay Andrew?" Tukso ni Neca sa akin kaya hindi ko napigilan ang pag init ng pisngi ko.
"Tsk!" Sabi ko na lang at naglakad papunta sa kanila tita Josephine pero rinig ko pa rin naman ang pag tawa nilang apat.
Bakit ba kasi kailangan pang tanungin yung kay Andrew, eh ano bang kinalaman ng lalaking yun sa topic?
Nag linis na lang rin ako ng isang lamesa at maya maya pa ay naramdaman ko na rin yung mga kaibigan ko na tumulong na rin sa pag aayos at pag liligpit ng mga lamesang di pa naliligpit at ngayon kasama ko na rin dito sa isang table si Catliya.
"Grabe ang dami naman nito," reklamo ko habang tuloy pa rin sa pag liligpit. Hindi lang ito ang mga di pa nalilinis na mga lamesa, sobrang dami kasi talaga ng mga bisita nila Joanna kaya madami rin ang mga kailangan ligpitin.
"Oo nga eh pero hayaan na, masaya naman tayong lahat para kay Joanna eh," sabi naman ni Catliya.
"Oo nga eh. Di ko akalaing mauuna pa siya magpakasal kesa satin," natatawang sabi ko sa kanya.
"Haha bakit? Gusto mo na bang sumunod sa kanya? Sasabihan ko na ba si Amdrew?" Nanunuksong tanong niya kaya agad ko namang tinapon yung tinitiklop kong table napkin sa kanya, kaso nga lang ay nailagan niya pa rin ito.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasyThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
