*Catliya's POV*
Kakatapos lang ng kasal nila ni Joanna at nandito na kami ngayon sa may reception area which is nasa may garden.
Nanunuod lang ako sa paligid ng may marinig akong komento ng dalawang babaeng bampira tungkol kay Kevin, yung mate ni Neca, kaya napatingin ako kay Neca at halata ko sa mukha niya na naiinis siya sa pinagsasabi nung dalawang bampirang babae.
"Woah! Neca! Chill! Haha affected ka masyado sa mga sinasabi nila eh," sabi ni Rhoda kay Neca.
"Tch! Kasi naman eh! Sinong siraulo ang magsasabing bakla ang mate ko!?" Pasigaw na tanong naman ni Neca sa kay Rhoda.
"Eh di i-confirm mo," Sabat naman ni Eryell na tinanguan rin namin ni Rhoda.
Tatawagin ko sana sila ni Andrea at Joanna para makisali sa panunukso kay Neca ng mapansin ko silang dalawa na magkayakap.
Aba! Ang daya ha, sila sila lang.
"Tss, fine mamaya ko yan gagawi~" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Neca kasi sumigaw na ko para makuha ang atensyon nilang lima.
"Awts! Sali kami!" Sigaw ko at tumayo na sa pagkaka upo tsaka lumapit sa kanila Joanna at Andrea, agad namang sumunod sila Neca, Eryell at Rhoda sakin.
Dali-dali kaming apat na lumapit sa kanila at nagyakapan kaming anim hanggang sa tawagin si Joanna ng asawa niya kaya nagyakapan kami ulit at umalis na siya.
"Haay grabe nauna pa talaga si bunso satin," sabi ni Rhoda na ikinatawa naming apat.
"Haha edi sumunod ka," Sabat naman ni Neca sa kanya.
"Tch! Ako pa ba talaga dapat mag-propose?" Di makapaniwalang tanong ni Rhoda habang nakataas ang kanang kilay.
"Iba na ang panahon ngayon girls, hindi na uso yang mga 'kailangan lalaki ang gagawa ng lahat,' Wala nang Maria Clara uy," sabi naman ni Andrea habang ine emphasize yung mga salitang kailangan lalaki ang gagawa ng lahat.
Wow, saan niya naman napulot yun?
"Weh? So nakapag-first move ka na kay Andrew?" Tukso ni Neca sa kanya at nakita naman agad namin ang pamumula niya.
"Tsk!" Sabi ni Andrea at naglakad palapit sa kanila tita Josephine kaya natawa na lang kami.
"Haha tara na at tumulong na lang tayo sa kanila," sabi ko na lang sa kanila at naglakad na para tumulong sa paglilinis. Kaming dalawa ni Andrea ang nag linis ng isang lamesang puno ng mga nagamit nang kubyertos, mga table napkin at table cloth.
"Grabe ang dami naman nito," rinig kong reklamo ni Andrea.
"Oo nga eh pero hayaan na, masaya naman tayong lahat para kay Joanna eh," sabi ko sa kanya.
"Oo nga eh. Di ko akalaing mauuna pa siya magpakasal kesa satin," natatawang sabi ni Andrea.
"Haha bakit? Gusto mo na bang sumunod sa kanya? Sasabihan ko na ba si Amdrew?" Nanunuksong tanong ko sa kanya kaya agad niya namang tinapon yung tinitiklop niyang table napkin sa akin, buti na lang ay nailagan ko 'to.
"Hoy kadiri ka, nagamit na 'to tapos itatapon mo sakin," reklamo ko sa kanya habang pinupulot yung nahulog na table napkin sa sahig.
"G*ga ka kasi," natatawang sagot niya sakin kaya tinapon ko pabalik sa kanya yung table napkin na nailagan niya din naman.
"Tama na nga yan, mamaya mapagalitan pa tayo ni Tita Josephine eh," sabi niya at tiniklop na talaga yung table napkin tsaka nilagay sa basket sa isang upuan na napapagitnaan namin.
"Sino ba nag umpisa?" Tanong ko sa kanya.
"Ewan ko sayo haha," natatawang sabi niya kaya natawa na lang din ako.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasíaThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
