*Eryell's POV*
Hapon na rin ng matapos akong ligpitin yung nasa 2nd floor. Pagkatapos ko sa 2nd floor ay bumaba na ko para magsama-sama na kaming tatlo nila Nicolo at Mendrell palabas ng building.
"Princess, hindi ba natin susunugin 'tong building?" Tanong ni Mendrell ng makalapit na siya sakin.
"Huwag na. Malapit to sa mga bahay-bahay, baka kumalat ang apoy. Delikado," sabi ko sa kanya at tumango naman siya.
"Eryell," tawag naman sakin ni Nicolo.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Ano ba talagang meron dito? I mean, oo, alam kong masasamang tao ang mga nandito kanina pero bakit pati ikaw eh kilala nila?" Tanong niya sakin kaya natigilan naman ako.
"Basta," sabi ko na lang sa kanya.
"Anong basta?" Tanong niya ulit.
"Huy! Tumahimik ka na nga," saway naman sa kanya ni Mendrell pero namulsa lang si Nicolo sa harap namin at alam kong di titigil yan sa pangungulit kung di ko sasabihin sa kanya.
"Mendrell, mauna ka na umuwi. Dalhin mo na rin yung sasakyan," sabi ko sa kay Mendrell at hinagis sa kanya ang susi ng kotse na nasalo niya naman.
"Sigurado ka ba Princess? Ayokong iwan ka kasama 'to," sabi ni Mendrell habang nakaturo pa kay Nicolo kaya napakunot-noo naman si Nicolo.
"Alis na," sabi ko sa kanya kaya wala naman siyang nagawa at umalis na nga.
"Hoy ingatan mo si Princess Eryell ha," sigaw ni Mendrell bago pa tuluyang makalabas ng building.
"G*go yun ah. Makapag-utos akala mo kung sino. Baka nakakalimutan niyang prinsipe ang kausap niya," naiinis na sabi ni Nicolo.
"Tara na," sabi ko kay Nicolo at naglakad na palabas ng building, sumunod naman siya sakin. Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa may makita akong mga mga bench kaya naupo na muna ako dun at tumabi naman si Nicolo sakin pero may space pa rin naman saming dalawa.
"Sooo," panimula niya kaya napahinga naman ako ng malalim.
"Bakit ba gusto mong malaman?" Tanong ko naman sa kanya.
"Siyempre, para mas makilala pa kita," sabi niya ng nakangiti kaya napataas naman ang kanang kilay ko.
"Wala namang kailangang malaman sa nakaraan ko. Past na yun eh," sabi ko sa kanya at sumandal tsaka pinikit ang mga mata ko. Natahimik na rin si Nicolo.
"Pero salamat sa pagtulong sakin kanina," sabi ko sa kanya at nginitian siya, nagulat pa ang mokong at agad napaiwas ng tingin.
"Wala yun. So di mo ba talaga sasabihin sakin? Kahit yun na lang yung bayad sa pagtulong ko kanina," sabi niya ng nakangisi na.
Loko talaga, akala ko out of kindness yung pagtulong niya, di pala.
"G*go," sabi ko na lang sa kanya.
"Ayaw mo? Edi sige, kiss na lang para mas masarap or baka gusto mo ring se~" sabi niya pa pero pinutol ko na kaagad.
"Fine! Fine! Sasabihin ko na," sabi ko naman sa kanya. Ang manyak eh kung ano-ano na naman ang pinagsasabi.
"Ayun! Papayag naman pala eh," sabi niya ng naka ngisi at nakaharap na siya sakin ngayon habang nakaupo pa rin tapos seryosong naghihintay sa mga sasabihin ko. Huminga na muna ako ng malalim.
"Matagal na naman ng makilala ko sila ni Joseph Kentaro," panimula ko.
"Nung mga 7 years old ako."
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasíaThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
