*Catliya's POV*
"Uhm hindi pa kasi ako nakakapag celebrate ng kaarawan ko eh," nakangiti niyang sabi habang nag kakamot mg ulo.
Eh? Bakit hindi pa?
"Bakit hindi pa?" Tanong ko sa kanya pero napa kamot na lang siya ng batok niya.
"Kasi hindi naman iyon pinapahalagahan sa pamilya namin dati," sagot niya habang naka tingin sa lababo na kani kanina lamang ay punong puno ng mga hugasin, ngayon ay halos kuminang na ito sa sobrang pag lilinis na ginawa ng dalawang taga silbi.
"Bakit hindi pinapahalagahan? Hindi ba kayo nag cecelebrate ng birthday?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi, lalo na kung birthday ko," sabi ni Rence na mas lalo ko tuloy ipinag takha.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Haha ayaw kasi sakin ng mga magulang ko kasi nag pakasal lang naman sila dahil kailangan ng isang anak na mag mamana sa trono at ako nga yun," sagot ni Rence sa tanong ko.
"Tsaka pagka tapos ko maipanganak ay nag kanya kanya na naman na sila ng pamilya," dagdag niya pa.
"Kaya ka ba napunta sa kanila ni Tita Josephine?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya sakin ng naka ngiti.
"Oo, at simula nung mapunta ako dito, mas naging masaya yung buhay ko kasi dito, maliban sa pag aalaga ni tita sakin, may mga naging kapatid pa ko, kahit na ako man yung pinaka bata saming anim," naka ngiting sabi ni Rence kaya napa ngiti na lang din ako.
Napaka positibo talaga nitong isang 'to kaya nakakatuwa kapag siya ang kasama eh kahit na sobrang likot.
"May balita ka pa ba sa mga magulang mo?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya sakin bilang sagot habang naka ngiti pa rin.
"Simula ng iwan nila ako dito kay Tita Josephine ay hindi na ako nag abala pang hanapin sila," sabi ni Rence.
"Teka, magka kilala ang magulang mo at si Tita Josephine?" Tanong ko sa kanya.
"Ah hindi mo pa ba alam?" Tanong niya kaya napa kunot noo naman ako.
"Ang alin?" Tanong ko.
"Mag pinsan sila Tita Josephine at ang mama ko," sagot ni Rence na ikina bigla ko.
"Talaga!?" Tanong ko sa kanya at tumango tango naman siya.
"Ibig sabihin magka mag anak pala talaga kayo ni Jason," sabi ko sa kanya at tumango tango lang din siya ulit.
"Oo haha" sabi ni Rence.
"Pero mas malakas pa rin ang dugo nila ni Jason kasi sa kanila purong puro talaga ang pagiging pure blood nila," dagdag ni Rence.
"Eh sayo?" Tanong ko ulit.
"Hindi eh kasi yung tatay ko kasi ginawa lang siyang bampira ng nanay ko kasi gwapo daw kaya ayun nilahian," natatawang sabi ni Rence pero ako hindi ko alam kung matatawa rin ba ako sa biro niya o malulungkot kasi ganun pala ang nangyari sa pamilya niya.
"Oh bakit ganyan mukha mo?" Tanong ni Rence.
"Hindi ko kasi alam kung matutuwa ba ako sa biro mo o malulungkot sa kinwento mo," sagot ko sa tanong niya.
"Haha huwag ka na malungkot," sabi ni Rence sabay gulo ng buhok ko.
"Waah! Yung buhok ko!" Saway ko sa kanya. Tumayo na siya mula sa pagkaka upo kaya tumingala naman ako sa kanya.
Okay, fine, ikaw na matangkad.
"Di mo naman kailangan malungkot tungkol sa nakaraan ko," sabi ni Rence at ngumiti sakin ng sinsero.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasyThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
