*Catliya's POV*
"U-Uhm..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya kaya iniwas ko na lang ang tingin ko.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Ayos lang, di mo naman kailangan sagutin ngayon eh," sabi ni Rence tsaka tumayo na.
"Sige, papasok na ako sa loob ha, maraming salamat pala sa pag share ng kwento mo," sabi ni Rence at sa isang kisap mata lang ay nawala na siya sa harap ko. Mga isang minuto pa akong natulala sa kinatatayuan niya kanina hanggang sa mapa hilamos na lang ako sa mukha ko.
"Waaah!!!" Sigaw ko na lamang habang yung mga kamay ko ay naka takip sa mukha ko.
"Bakit niya sinabi yun?" Tanong ko sa sarili ko.
"At bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko?" Tanong ko ulit pero wala man lang akong nakuhang sagot.
Hindi ko alam kung anong iisipin o gagawin kasi ngayon lang naman merong nag confess sakin ng ganun eh, hindi naman kasi ako ganun kagandahan kagaya ng mga kaibigan ko tsaka wala talaga ang utak ko sa mga ganyang bagay kaya di ko alam ang feeling o anong gagawin kapag may nag sabi sakin ng ganun.
"Pano na?" Tanong ko ulit sa sarili ko.
"Bakit hindi mo hayaan ang sarili mong puso na pumili ng desisyon para sayo?" Narinig kong salita ng jsang babae kaya nag palingon lingon naman ako pero wala naman akong kasama dito.
"Sino yan?" Tanong ko.
"Ako ang elemento ng apoy," sagot ng babae na ikinabigla ko.
"N-Nakakapag salita ka?" Tanong ko dito.
"Oo, pero ngayon ko lamang naisipang makipag usap sayo dahil nais kong mag pasalamat sayo," sabi ng elemento ng apoy.
"Pasalamat? Para saan?" Tanong ko dito.
"Nang dahil sa ginawa mo kanina, muli kong nahawakan ang pinaka mamahal kong Draco," sagot ng elemento.
"G-Ganun ba? Ahm, walang anuman," sabi ko na lamang dito tsaka tumayo na ako pero bago pa man ako umalis sa pwesto ko ay napa tingin muna ako sa wishing well at kumuha ng piso sa bulsa ko, buti nga meron eh. Pinikit ko ang mga mata ko at humiling.
Sana masagot ko na ang sinasabi ni Rence kanina at sana maging masaya kami lagi.
Napangiti na lang ako sa hiling ko at tsaka hinagis ang piso sa balon, nang marinig ko na ang pagka hulog nito sa tubig ng balon ay ginamit ko na ang bilis ko bilang isang bampira para makapasok na ka agad sa kwarto ko at tsaka nahiga na sa kama ko.
"Haays, good luck na lang sayo bukas Cat," sabi ko na lang sa sarili ko at tsaka pinikit na ang mga mata ko.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para maka ligo at makapag luto na ng umagahan.
"Good morning," bati ng isang lalaking pamilyar sakin.
"Uhm, good morning," naka ngiting bati ko din sa kanya.
"Uhm, kalimutan mo na lang yung napag usapan natin kagabi ha, pasensya ka na," sabi ni Rence at lumabas na agad ng kusina.
Okay? Matapos niya mag confess bigla na lang babawiin? Edi wow.
Napa iling iling na lang ako at tinapos na ang niluluto ko.
Makalipas ang ilang minuto ay luto na nga ang hinanda kong umagahan kaya agad ko na itong pina serve sa mga taga silbi tsaka na ako lumabas sa kusina at naupo na din sa dinig room at sabay sabay na kaming kumain. Habang kumakain ay napansin kong medyo tahimik yata ang sila kaya napatingin ako sa kanilang lahat at napansin na naka tingin lang sila samin ni Rence.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasiThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
