*Catliya's POV*
Mag iisang buwan din kaming nag handa para sa pag babalik nila ni Joanna galing sa honeymoon nila.
Siguro naman enough na yung isang buwan para makabuo sila agad no?
"Sana nga makabuo na sila agad para may pamangkin na tayo," nagulat ako sa biglang nag salita kaya napalingon lingon naman ako pero wala naman akong ibang kasama dito sa kwarto ko.
"Sino yan!?" Tanong ko at inabot ang baril kong nakapatong sa kama.
"Hahaha si Eryell to Cat, buksan mo kwarto mo, nasa labas ako," narinig ko na namang sabi ng kung sino kaya ikinasa ko ang baril ko at nag lakad papunta sa pinto ng kwarto ko. Hinawakan ko ang doorknob at binuksan agad ang pinto tsaka tinutok ang baril sa bampira na nakatayo ngayon sa harap ng pinto ng kwarto ko.
"Woah! Woah! Chill!" Sigaw ni Eryell habang nakataas ang mga kamay.
"G*ga ka! Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Eryell nang binaba ko na ang baril ko at inilagay ito sa gun pocket ko at nag lakad na ulit pabalik sa kama ko.
"Wala lang. Sabay na tayo papunta sa garden," sabi ni Eryell at ngayon ko lang napansin na nakabihis na nga pala siya ng simpleng tshirt at maong short with matching rubber shoes pa.
"Sige, mag bibihis lang din ako," sabi ko sa kanya at kinuha na yung damit na naka patong sa kama ko tsaka nag lakad papuntang walk in closet at doon na nag bihis. Pagkatapos mag bihis ay lumabas na ako at nag ayos ng sarili. Hindi naman ako natagalan kasi di rin naman ako masyadong nag lagay ng kung ano anong make up sa mukha ko. Pang huli ay nag suot na lang ako ng flat sandals para mas komportable kapag may gagawin pa dun sa garden.
"Tara na," sabi ko kay Eryell na naka upo lang sa gilid ng kama ko kanina pa at pinapanuod lang ako.
"Sige, pero sure ka di mo na dadagdagan yang ayos mo?" Tanong ni Eryell.
"Oo, okay na 'to, tsaka iche check ko pa yung mga kailangan sa catering at mga pag kain eh, lalo na yung gagawing cake," sabi ko kay Eryell kaya tumayo na siya sa pagkaka upo niya at nag lakad na kami palabas ng kwarto ko at tuloy tuloy na nag lakad papunta sa garden.
"Hindi ba mapapanis yung mga pagkain cat?" Tanong ni Eryell kaya napatingin ako sa kanya.
"Hindi pa naman lulutuin ngayon eh kasi di pa naman sigurado kung kelan darating sila Joanna," sagot ko sa kanya.
"Ahh okay, akala ko kasi ngayon niyo na lulutuin eh," sabi ni Eryell kaya umiling na lang ako sa kanya at pag tingin namin sa harapan namin ay kita na namin ang garden kaya nag diretso na lang kami ng lakad. Pagka pasok sa loob ay nakita agad namin si Neca na naka upo sa sahig sa gitna ng daan.
"Anyare diyan?" Bulong ko kay Eryell pero nag kibit balikat lang siya at lumapit kay Neca kaya sumunod naman ako.
"Hoy! G*ga! Ba't diyan ka naka-upo!?" Sigaw ni Eryell sa kay Neca kaya napasimangot naman agad yung isa at lumingon kay Eryell.
"Paki mo!?" Sigaw rin ni Neca kay Eryell at binalik ang tingin sa harapan niya at para bang may hinahanap.
"Saan na yun!?" Pasigaw nitong tanong.
"Sino?" Tanong ko sa kanya.
"Wala!" Sagot niya sakin at tumayo na tsaka nag lakad na papunta sa iba pang lamesang hinahanda ng ilang miyembro ng mafia at mga taga silbi dito sa palasyo. Nag patuloy na lang din kami sa paglalakad papasok.
"Sige, pupuntahan ko muna yung mga taga luto doon," paalam ko kay Eryell.
"Sige sige," sabi nito at nag hiwalay na nga kaming dalawa. Nag lakad ako papunta sa mga naassign na mag luto.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasyThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
