*Andrea's POV*
Nakabalik na kami sa palasyo pero hindi pa rin ako nag sasalita at dire diretso lang na nag lakad papunta sa kwarto ko, ramdam ko namang nakasunod lang sakin si Andrew hanggang sa makapasok na kami sa kwarto ko. Kinuha ko na lang ang twalya ko at nag punta sa banyo, naligo na muna ako para mabura yung dugo ni Alfonso sa kamay at mukha ko. Pagkatapos maligo ay nag bihis na din ako sa loob ng banyo bago lumabas ng cr. Paglabas ko ay naka upo lang si Andrew sa kama at nag hihintay lang sakin.
"Bakit?" Malamig na tanong ko sa kanya.
"Are you alright?" Tanong niya at naupo na rin ako sa kama, kaya ngayon ay magkatalikuran na kami.
"What happened?" Tanong niya.
"Hindi na importante yun," sagot ko sa kanya.
"Please, tell me," sabi niya kaya napabuntong hininga na lang ako.
"Fine," sabi ko na lang at kinwento na sa kanya ang nangyari dati.
*Flashback*
Mga iyak ng mga bata lang ang naririnig ko. Nandito kasi ako ngayon sa loob ng isang van na itim at meron kaming mga kasamang mga lalaki na may hawak hawak na mga baril.
"Tumahimik kayo!" Sigaw ng isang lalaki kaya mas lalo pa kami naiyak sa takot, hawak hawak ko ang kamay ng kapatid ko habang pareho kaming umiiyak. Bibili lang kasi sana kami ng ulam kaso bigla na lang kaming hinablot ng mga lalaking 'to tapos hindi na namin alam kung saan nila kami dadalhin.
Mag tatatlong oras din kaming bumyahe at hanggang sa pababain na kami at bumungad samin ang isang malaking bahay. Maya maya lang ay pinapasok na kami sa bahay at may dumating na isang lalaki at klarong klaro sa pandinig ko ang mga sinabi ng lalaki.
"They'll he worth millions, kapag naibenta na natin ang laman loob nila,"
Marami na ang mga naunang dinala sa isang silid at ilang beses na rin kaming nakakarinig ng putok ng baril at sa mga oras na yun ay naiiyak na ako pero pinigilan ko ito pero ang kapatid kong lalaki ay hindi pa rin tumitigil sa pag iyak kaya agad siyang kinuha ng lalaki at dinala sa isang silid. Pilit ko siya kinukuha kaso hindi ko pa rin nagawa hanggang sa makarinig na lang ako ng isang putok ng baril. Pinatay nila ang kapatid ko.
Ako na lamang ang natitira sa aming mga bata ng biglang dumating ang mga taong pumatay at humuli sa lahat ng mga nasa loob ng bahay na yun maliban kay Alfonso, nakatakas siya habang ako ay nakaupo lang sa sahig at nakatulala.
Nung araw na yun ay ang unang beses kong nakita si Master Yashida. Kinuha niya ako at dinala sa hideout, hanggang sa gumaling ang mga sugat ko. Kahit na anong gawin nila hindi pa rin ako tumitigil sa pag iyak kaya naman kinausap na ako ni Master, at hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ang nga sinabi niya sakin.
"Galit ka sa mga taong kumidnap sa inyo? Sa mga taong pumatay sa kapatid mo, tama ba?" Tanong sakin ni Master Yashida at tumango naman ako sa kanya.
"Pwes, sanayin mo ang sarili mo, maging malakas ka, maging matapang ka at higit sa lahat, maging matalino ka, para maipag higanti mo ang kapatid mo,"
At simula noon, ginawa ko na lahat para maging malakas, dahil gusto kong maipag higanti ang nangyari sa kapatid ko.
*End of Flashback*
"Kaya pala nasa mafia ka," sabi ni Andrew matapos kong mag kwento at tumango naman ako sa kanya.
"I trained. I did my best para maging magaling sa lahat ng bagay," sabi ko.
"Kaso nga lang nangunguna pa rin talaga si Joanna," natatawang dagdag ko.
"Well, at least I know one thing na hinding hindi niya mapapantayan," Sabi ko sa kay Andrew at lumingon ako sa kanya at nakita kong nakatingin na pala siya sakin. I smiled at him.
"I'm always a survivor,"
Ngumiti din siya sakin at tumango.
"Yes, you are," sabi niya. Natahimik na muna kaming dalawa hanggang sa naisipan kong sumandal na sa headboard ng kama at pinikit ang mga mata ko.
"Pahiga," sabi ni Andrew at tumango na lang ako sa kanya pero napamulat na lang ako kasi imbes na sa unan siya humiga ay nasa may hita ko siya nahiga. Pag tingin ko sa kanya ay nakapikit na siya at para bang matutulog na. Napangiti na lang ako. Hinawakan ko ang buhok niya.
Infairness, malambot.
Maya maya lang ay hinawakan niya na ang kamay ko at inilapat ito sa sintido niya, nagpapahilot siguro kaya hinilot ko na lang siya.
"Okay ka na ba?" Tanong ni Andrew sakin.
"Oo, masaya na ako kasi ngayon, naipag higanti ko na ang kapatid ko," sagot ko sa kanya at natahimik na kaming dalawa. Maya maya lang ay biglang bumukas ang pinto.
"Dre!" Biglang sigaw ni Rhoda na siyang nag bukas ng pinto.
"Oh Rhoda bakit?" Tanong ko kay Rhoda habang tuloy pa rin sa pag massage kay Andrew.
"Uhm...pwede ba kita makausap?" Tanong ni Rhoda.
"Sige, sandali lang Drew, mag-uusap lang muna kami," sabi ko kay Andrew kaya bumangon naman ito at tumayo na tapos tuloy-tuloy na lumabas ng kwarto ko ng walang kahit na anong sinabi.
"So ano yung sasabihin mo?" Tanong ko at pumasok na ng kwarto ko si Rhoda at sinarado ang pinto, ni-lock niya rin ito kasi narinig ko yung tunog ng lock. Lumapit si Rhoda sakin at umupo sa tabi ko.
"Huwag kang maingay ha," panimula niya, nagtataka naman akong tumingin sa kanya pero tumango pa rin ako sa kanya.
"Hindi ko alam kung talaga bang mapagkakatiwalaan natin si tita Violet," bulong niya sakin.
Anong pinag sasabi nito?
"Huh? Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko sa kanya.
"Ganito kasi yun. Nung nakaraang araw may natanggap akong isang kwintas, hindi ko alam kung kanino galing yun tapos nakita ni ate Jasmine na hawak-hawak ko yun tapos kinuha niya sakin at binigay kay tita Violet," sabi niya sakin.
"Oh tapos?" Tanong ko naman.
"Tapos kanina tinry kong kunin sa kanya yung kwintas kaso ayaw na niya ibigay, ang sabi niya eh namisplace niya daw pero hindi naman burara si tia Violet eh masyado siyang organize sa mga gamit niya," sumbong niya sakin.
"Eh malay mo naman type niya lang yung kwintas," sabi ko.
"Hindi eh, kasi yung kwintas na yun, kakaiba, para bang sobrang importante ng kwintas na yun sakin kahit na hindi ko pa naman nakikita yun dati," sabi niya mas lalo lang nag paisip sakin.
"Aish! Basta ako di na muna ako magtitiwala kay tita Violet," sabi ni Rhoda sakin.
Bakit naman kaya nag kakaganito 'to?
===========================
Ms. Ice: hello! Pasupport naman po sa Dreame, please po, sumali po kasi ako sa contest doon. Sana po iclick niyo ang heart button sa storyang Borrowed Identity, username ko po ay YoursTrulyIce
Thank you and God bless ☺️💕
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasyThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
