*Catliya's POV*
Pagkatapos kong hugasan yung pinag kainan ni Rence ay umakyat na ko agad sa kwarto ko.
"G*gong yun di man lang hinugasan yung pinagkainan niya, ako pa talaga inutusan," inis na bulong ko sa sarili ko ng makapasok na ko sa silid ko.
Nag half bath na rin muna ako bago nahiga sa kama ko at tsaka natulog.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at naligo para makatulong kaagad sa kusina. Ganito talaga ako, pagka gising sa umaga dumidiretso talaga ako sa kusina kaagad para tumulong sa pag luluto or minsan ako na lang mag isa ang nagluluto, ganito din ang set up namin dati nung mga tao pa lang kami.
"Magandang umaga, mahal na prinsesa," bati ng limang babaeng taga silbi na nakatoka dito sa kusina.
"Magandang umaga din po sa inyo," naka ngiting bati ko sa kanila.
Dumiretso ako ng punta sa isang cabinet dito at kinuha na ang isang malinis at nakatuping apron sa isa sa mga kaha nitong cabinet.
"May lulutuin ka po ba prinsesa? Ako na lamang po ang gagawa nun, sabihin niyo lang po sa akin ang iyong nais ipaluto," sabi ng isang taga silbi sa akin pero umiling iling lang ako sa kanya.
"Hindi na po, kaya ko na po ito," sabi ko sa kanya.
"Masusunod po," sabi niya at umalis na ng kusina, sumunod na din sa kanya yung apat niya pang kasama kaya naman ay ako na lang mag isa ngayon ang natitira dito.
Nag hugas na ko ng kamay ko para masigurado na malinis ito bago magluto.
Inuna kong mag saing para habang hinihintay kong maluto yung sinaing ay nakakapag luto na din ako ng ulam.
Kinuha ko na yung kaldero, buti na lang at malinis na ito. Nag salin na ako ng bigas at tsaka hinugasan ito ng dalawang beses at nilagyan na ng malinis na tubig tsaka sinukat ang tubig nito. Nang masigurado ko nang sakto na yung dami ng tubig ay tinakpan ko na ang kaldero at inilagay sa stove.
Habang nakasalang ang sinaing, kumuha na din ako ng ilang pirasong itlog sa ref at tsaka ito niluto as scrambled egg.
"Good morning," bati ng isang babae kaya lumingon ako sa direksyon ng boses at nakita ko si tita Josephine.
"Good morning din po," nakangiting bati ko sa kanya.
"Ang aga mo naman nagising iha," sabi niya.
"At mukhang masarap na naman yang niluluto mo ah," dagdag niya pa at lumapit sa tinatayuan ko.
"Ahh hindi naman po, scrambled eggs lang naman po 'to," sagot ko sa kanya at pinag patuloy ang pag luluto. Mabilis lang naman itong naluto kaya sinalin ko na agad ito sa isang malaking plato.
"Ah oo nga pala hinahanap ka pala ni Andrea," sabi ni tita sakin.
"Po? Bakit daw po?" Tanong ko sa kanya habang hinuhubad ang apron na suot ko.
"Hindi ko rin alam eh," sagot niya.
"Ahh sige po mamaya pupuntahan ko siya kapag naluto na 'tong sinaing," sabi ko na lang kay tita.
"Don't worry, ako na ang magbabantay dito," nakangiting sabi ni tita kaya tumango na lang ako sa kanya.
"Sige po tita, salamat po," pagpapasalamat ko sa kanya at nag hugas na ng kamay ko tsaka lumabas ng kusina. Dumiretso ako sa kwarto ni Andrea at kumatok sa pinto niya na kaagad namang nag bukas pero imbes na si Andrea ang lumabas dito ay nagulat ako kasi si Andrew ang lumabas sa kwarto ni Andrea.
"Good morning," bati ni Andrew sakin kaya kahit na nagtatakha ako ay binati ko din siya pabalik.
"Uhm, good morning din, si Andrea?" Tanong ko sa kanya at tinuro naman niya yung loob ng kwarto tsaka umalis na, pumasok na lang din ako sa kwarto ni Andrea at nakita ko siyang nag lilinis ng baril niya habang may binubulong bulong.
Problema nito? LQ ba sila?
"Dre," tawag ko ng pansin niya at agad naman siyang lumingon sakin ng masama ang tingin.
"Haha okay ka lang ba?" Natatawang tanong ko sa kanya.
"Tsk! Saan ka na nag sususuot at kanina pa kita hinahanap?" Inis niyang tanong sakin.
"Woah sorry naman, nagluluto ako sa kusina eh," sabi ko sa kanya habang nakataas ang mga kamay ko.
"Tsk!" Ismid niya.
Mukhang LQ nga sila.
"So ba't mo ba ko hinahanap?" Tanong ko sa kanya at naupo sa kama niya.
"May gusto akong pag usapan natin kasama yung iba pa," sagot naman niya at nilagay na yung baril na kakatapos niya lang linisin at iassemble ulit sa gun pocket niya sa likod.
"About sa?" Tanong ko ulit.
"About sa kanila Joanna at dun sa asawa niya," sagot ni Andrea at tumingin sakin ng seryoso.
"Bakit? Anong meron? Tsaka busy yung dalawa sa pag gawa ng pamangkin natin eh," sabi ko sa kay Andrea.
"Tawagin mo na lang yung iba, dun tayo sa project room natin mag uusap," sabi ni Andrea at naglakad na papuntang pinto kaya tumayo na din ako at sumunod sa kanya palabas.
"Pati rin ba sila tita Josephine?" Tanong ko kay Amdrea habang nakasunod sa kanya.
"Huwag na, baka busy sila eh," sagot naman niya sa tanong ko.
"Sige sige," sabi ko. Patuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa may hagdan.
"Mauuna na ko dun ha, sumunod na lang kayo," sabi ni Andrea at tumango naman ako sa kanya.
"Okay, okay," sagot ko at dumiretso na papunta sa kwarto ni Eryell. Pagkarating doon ay kumatok na ako agad at agad namang nag bukas ang pinto ng kwarto niya.
"Oh Cat, bakit?" Tanong niya habang nag susuklay ng buhok.
"Nag papatawag si Andrea ng meeting," sagot ko sa kanya.
"Saan daw? Tsaka about saan yung meeting?" Tanong ni Eryell.
"Dun sa project room natin. Hindi ko rin alam kung tungkol saan eh basta related sa kanila ni Joanna at sa asawa niya," sagot ko sa tanong niya.
"Sige sige pupunta na ko dun pag katapos ko mag ayos ng sarili ko," sabi ni Eryell at tumango na lang ako sa kanya.
Sunod kong pinuntahan ay ang kwarto ni Neca. Pagkarating sa kwarto niya ay agad na akong pumasok kaso wala siya dun eh kaya lumabas na lang ako ulit at dumiretso na lang sa kwarto ni Rhoda at tuloy tuloy na binuksan ito.
"Hoy Rhod~ What the f*ck?" Gulat na gulat kong sabi at dali-dali din naman si Rhoda na bumangon at lumayo sa kama kung saan nandun pa rin si Aldrin na nakahiga.
"U-uhm C-Cat, b-bakit ka nandito?" Nauutal niyang tanong sakin.
Anong ginagawa nila? May relasyon ba sila? Okay lang naman samin yun pero bakit di niya sinabi? Hayaan na nga muna, kakausapin na lang namin siya kapag handa na siyang magsabi.
"Nagpapatawag ng meeting si Andrea dun sa project room natin," sabi ko at agad na ring lumabas ng kwarto niya, mamaya naiistorbo ko na pala sila eh.
Dumiretso na ako sa project room at naghintay na lang sa kanila dito. Pagkarating sa project room ay nandito na rin sila Andrew, Rence, Nicolo at Kevin.
Buti pa 'tong mga 'to nandito na kaagad.
"Cat," tawag sakin ni Andrea na nasa dulo ng isang lamesa.
"Tinawag ko na sila, susunod na lang daw sila," sabi ko sa kanya at kinuha ang baril ko para linisin ito. Habang nag lilinis ng baril, ay bumukas ang elevator dito sa project room namin at nakita ko si Aldrin na pumasok kaya di ko mapigilang mapataas ang kanang kilay ko at makalipas naman ang limang minuto ay muli bumukas ang pinto ng elevator at pumasok naman si Rhoda.
May something talaga sa dalawang 'to.
========================
Ms. Ice: sabaw hahahah sorry na po 😅
Please support me on Dreame, just search my username, YoursTrulyIce
Dun ko po iupload ang book 2 ng The Predestined Queen (formerly known as The Legendary Gangster Princesses)
Please vote and comment 😘
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasyThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
