*Rhoda's POV*
"Sorry kung iniwan kita dun," sabi niya habang nakayakap pa rin sakin. Bumitaw ako sa yakap at tinanong na ang katanungang matagal ko na gustong masagot.
"B-Bakit niyo ko iniwan dun?" Tanong ko:
"Sorry nak. Kailangan kasi eh," sagot niya.
"Kapag di kita iniwan dun, baka pati ikaw kinuha na nila sakin," sabi niya na ipinagtaka ko.
Sinong nila?
"Una pa lang kasi ayaw na ng mga magulang ng tatay mo sakin kasi mahirap lang ako, iba daw kasi ang estado ko sa buhay," sabi niya.
"Pero mas pinili pa rin ako ng tatay mo at nagsama kami. Kahit na sa isang maliit na bahay lang kami nangungupahan, masaya kami nun. Kahit medyo kulang sa pera, nakakakain pa rin naman kami ng tatlong beses sa isang araw dahil may trabaho naman ang tatay mo. Makalipas ng isang taong pagsasama namin eh nalaman ko na lang na buntis pala ako, sobrang saya ko nun at sasabihin ko na sana sa kanya," masayang sabi niya at ngumiti sakin.
"Kaso nga lang biglang nagbago tatay mo eh. Palagi na lang siyang gabi na umuwi tapos lagi na siyang galit at panay reklamo sa kung anong meron kami kaya kahit na gustuhin ko man siyang kausapin ng maayos at sabihin ang tungkol sa pagbubuntis ko eh hindi ko magawa kasi sa tuwing lalapit pa lang ako sa kanya eh lumalayo na siya o di kaya eh nagagalit na. Hanggang sa dumating na ang araw na kinakatakutan ko, pinili niya na makipag-hiwalay sakin at bumalik sa pamilya niya," sabi ni Nanay na halata sa mukha niya ang lungkot.
"Siguro mag-iisang buwan pa lang ng maka-alis siya ay nabalitaan ko na lang na ikinasal na siya sa anak ng isang businessman," sabi niya.
"Pinuntahan ko siya sa bahay nila kaso ayaw akong papasukin ng mga gwardya kaya aalis na sana ako nung biglang may sasakyang itim na papasok sana sa bahay nila pero tumigil ito dahil sa nandun ako sa harap ng gate nila,"
"At bumaba dun ang tatay mo kasama ang asawa niya," malungkot siyang ngumiti sakin.
"Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko pero hindi pa rin siya sumama sakin eh. Mas pinili niya pa rin ang manatili sa asawa niya," sabi ni Nanay.
"Pero nagsabi naman siyang magbibigay siya ng sustento sayo," sabi niya.
Kung ganun eh bakit iniwan pa rin niya ko dun?
"Kaso nga lang nalaman ng mga magulang niya ang tungkol sa pagbubuntis ko at gusto nila na kapag ipinanganak na kita eh sa kanila ka na titira, ilalayo ka nila sakin," sabi niya.
"Kaya nagpunta ako ng Bacolod para hindi nila ko mahanap kaso mayaman kasi sila kaya nagawa pa rin nila akong hanapin. At nung nanganak na ko eh sinikap kong magtago sa kanila kaso hindi ko pa rin kinaya kaya wala na kong ibang naisip pang paraan kundi ang iwan ka dun sa malaking bahay," sabi niya.
"Iniisip ko kasi na mas okay na na sa ibang pamilya ka na lang lumaki kesa dun sa kanila, ikinakatakot ko kasi na baka pahirapan ka nila dun o baka hindi ka nila mapalaki ng maayos. Sorry nak ha," sabi ni Nanay pero umiling lang ako sa kanya.
"Ayos lang po yun kasi kung hindi mo po yun ginawa baka hindi ko po nakilala 'tong kapatid ko," sabi ko sa kanya ng nakangiti at tinignan si Mark.
BINABASA MO ANG
TPQ Special Chapters
FantasyThis book is all about the special chapters of my story The Predestined Queen ❤️❄️ Contents: *Special Chapter: Neca 1-14 *Special Chapter: Eryell 1-14 *Special Chapter: Rhoda 1-14 *Special Chapter: Catliya 1-14 *Special Chapter: Andrea 1-14 *Special...
