chapter 63 "Guilty"

198 20 0
                                    

A/N: please support me guyzzz in this story.

Don't forget to Vote, comment and Follow.

____________________________________

Drixon Pov.

Lutang na nakahiga ako ngayon sa kama ko. Kakarating ko lang galing sa school. Maaga kaming umuwi dahil wala namang pasok at dahil na rin sa mga nangyari kanina.

Sumabay na ako kela Mom sa pag-uwi.

Hanggang ngayon hindi mag sink inn sa utak ko ang lahat ng narinig at nakita ko sa loob ng Dean's Office kanina.

Hindi ako makapaniwalang may gano'n na karanasan si Panget. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng narinig ko.

Halos kaming lahat kanina ay gulat at hindi makapaniwala. Bakas ang awa ng lahat kay Panget kanina.

Hindi nga mabuti ang relasyon ni Panget sa pamilya niya. Tama ang hinala namin kanina. At hindi kami makapaniwalang mas malala pa sa naisip ko ang relasyon niya sa pamilya niya.

May pinag hugutan pala siya kung bakit siya nagkaka gano'n. Kung bakit gano'n na lang siya makipag usap at makitungo sa pamilya niya.

Ramdam na ramdam ko ang awa kay Panget. Lalo na ang sakit na bumalatay sa mukha niya kanina.

Hindi ako makapaniwala sa mga emosyong nakita ko no'ng umiyak siya. At kung paanong bumalik sa pagiging blanko ang mukha niya.

Halos lahat nang sinasabi niya ay tumatak sa puso at isip ko.

Nararamdam ko ang sakit na nararamdaman niya kanina.

At alam kong masakit ang pagkakasampal ng Daddy niya kanina sa kaniya.

Nakakapag taka lang na sinabi ni Panget na hindi siya lumayas gayong ang sabi ng Daddy niya ay lumayas siya.

Pero no'ng sinabi niyang hindi siya lumayas ay kita kong natigilan ang Daddy at si Judge Ibañez.

Halatang clueless sila. Napatingin din ako sa babaeng tinawag ni Panget na mahadera.

Naalala kong sinabi ni Panget na simula ng mawala ang Mommy niya ay wala ng paki ang Daddy niya sa kaniya.

So, ibig sabihin hindi nga niya tunay na Mommy si Attorney Nami?

Pero bakit? Hindi kaya patay na ang Mommy ni Panget at si Attorney Nami ang asawa na ngayon ni ni Attorney Tom?

At may alitan sila. Kaya ba hindi sila magkasundo?

Pero bakit naman? Naalala ko lahat ang sinabi ni Panget. Halata sa mga sinabi niya kaninang may hindi maganda sa pagitan nila ni Attorney Nami. At mukhang walang alam ang Daddy at Lolo niya.

Kahit pa 'yong Lola at Lolo nila ni Xandra. Halatang walang alam sa nangyari kay Panget.

Nakaramdam talaga ako ng kirot kanina dahil sa mga narinig at nalaman ko sa mga karanasan ni Panget. Hindi maganda 'yon at 'tsaka alam kong hindi 'yon naging madali sa kaniya.

Mula nang pumasok sila sa school namin kanina ko pa lang siyang nakitang umiiyak. Kanina ko pa lang siyang nakitang gano'n ang itsura niya na nasasaktan siya dahil sa sagutan nila ng Daddy at Lolo niya. Lalo na no'ng sampalin siya.

Hayst!

Gusto ko sanang lumapit kay Panget kanina pero hindi ko magawa. Dahil baka masali pa ako sa away nila.

Kahit si Mommy at Daddy kanina ay kitang-kita kong naawa sila kay Panget. Kahit pa si Lolo. Nakita kong naawa din si Lolo kanina kay panget.

Halos mangiyak-ngiyak din si Xandra at Kyla kanina.

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon