chapter 87 "Gym"

168 21 2
                                    

Drixon Pov.

Lumipas na ang dalawang araw at Friday na ngayon. Kahapon at may pasok kami. At gano'n rin naman sumasabay kami sa tatlong weird na 'yon. Si Keart ay panay ang pa sweet kay Kyla. Habang si Xandra naman ay masungit pa rin minsan sa 'min pero nakakausap naman ng matino.

Sila Bella naman ay masayang nakikipag usap o kwentuhan sa 'min kasama sila Theresa at Stella. Panay ang kilig nila kay Keart at Kyla. Pati na kela Panget at Liam lalo na kapag si Liam ang kukuha ng pagkain at minsan naglagay ng ulam sa pinggan ni Panget.

Ang mga kaibigan ko naman ay panay ang tukso nila sa 'kin kay Panget. Kaya minsan ay nagbabangayan kami at nag aasaran. Nabubulyawan rin kami minsan ni Panget.

Nakainis lang kasi para siyang tanga sa expression ng mukha niya.

Napaka weird niya tapos walang kwenta kausap.

Minsan gusto kong bigwasan ang mga kaibigan ko sa panunukso nila sa 'kin at kay Panget. Alam nilang may syota na 'yong tao tinitukso pa rin nila psh!

Baliw ang mga 'yon tsk!

Nandito kami sa gym ngayon at tumulong kami sa pag aayos ng gym. Sila Bella ang namumuno at tumulong lang kami.

Inaasar nga nila kami dahil himalang tumulong raw kami sa pag aayos ng gym. Samantalang noon ay wala kaming paki at nambubully lang ako sa mga gusto kong pagtripan hehehehe.

Mamayang alas-singko ang acquaintance party namin. Wala kaming pasok ngayon pero nandito kaming lahat sa school.

"Dre, halika ka, tulungan mo 'kong ikabit to." tawag sakin ni Lyle na nasa stage at may ikakabit na kurtina sa bubong ng stage.

Binitawan ko ang hawak kong poster na ilalagay mamaya sa gitna ng stage.

Lumapit ako sa kaniya saka tinulungan siya.

"Sa kabila ka, roon ako." sabi pa ni Lyle tumango naman ako.

"Sandali, kukuha lang ako ng upuan." sabi ko pa sabay kuha ng upuan sa tabi at ginawang apakan para maabot ko 'yong sabitan ng kurtina.

"Hoy! Mag ingat kayo riyan!" rinig kong sigaw pa ni Bella.

Tumango na lang kami sabay kabit ng kurtina.

Busy 'yong iba sa pag aayos ng gym. Sila Keart naman ay busy sa pag lagay ng mga upuan at mesa.

Habang sila Stella at Theresa ay busy sa paglagay ng mga tela sa mesa.

Sila Panget ay nasa dance club. Nag practice pa sila para sa sayaw nila mamaya.

"Hooo!" bulalas ko matapos ikabit ang kurtina.

"Kapagod, ah." sabi pa ni Lyle.

"Yeah! Sinabi mo pa." sagot ko sabay pagpag sa kamay ko.

Naglakad kami pababa ng stage para kumuha ng tubig sa may gilid na nasa mesa.

"Oh! Tapos na pala kayo, nice." nakangiting sabi pa ni Bella habang nakatingin sa stage.

"Yeah,'yong poster na lang ang ikabit mamaya." sabi pa ni Lyle.

Kumuha ako ng tubig saka uminom.

"Hindi pa ba tapos sila Keith?" tanong ko pa sabay tingin sa buong gym.

Busy pa 'yong iba kaka-ayos ng gym.

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon