Ashi Vhon Pov.KASALUKUYAN akong naglilinis ngayon sa bahay. Habang si Kyla naglalaba sa mga dirty clothes niya. Si Xandra ay nagluluto para sa agahan namin. Pasado alas-otso na kami nagising kanina. Kaya ngayon nagtutulungan kami sa mga gawain para mas mapadali lang. May pasok pa kami mamayang ala-una sa resto bar. Medyo pagod na ako kasi halos matapos na ako sa paglilinis at nagpupunas na lang ako ng mesa ngayon dito sa sala.
"Ash, kain na muna tayo!" Tawag sa 'kin ni Xandra.
"Sige. Tatawagin ko muna si---"
"I'm here na!" Putol ni Kyla sa sasabihin ko.
Tumango na lang ako bago naglakad palapit sa kusina.
"Ang bango ng niluto mo, ah." Sabi pa Kyla.
"Psh! Gano'n talaga, ako pa!" Mayabang at natatawang sabi ni Xandra.
"Yabang amp!" Usal ko pero tinawanan lang nila ako.
" 'Wag kang magyabang, Xand, baka magalit si Ashi dahil napapalitan mo ang kayabangan niyan." Sabi pa ni Kyla sabay tawa na ikinatawa na lang din ni Xandra.
Tsk!
"Takot ata malamangan ko, amp!" Nakangising sabi ni Xandra.
Napapailing na lang ako habang napangiti ng bahagya.
"Sinong takot?" Painosenting tanong ko pa.
Kala niyo ha tsk!
"Sino pa ba? Eh, 'di ikaw?" Sagot pa ni Kyla sabay tawa.
"Tsk!" Singhal ko na lang.
"Ayowwnn, oh!" Pang-aasar pa ni Xandra.
"Tsk! Kain na nga lang tayo, kanina pa ako gutom!" Sabi ko sa kanila sabay upo sa upuan.
"Ako rin, eh nanghihingi na ng pagkain ang mga alaga ko." Sabi naman ni Kyla psh!
Alaga raw psh!
"Hindi na ako magtataka kung namamayat ka lalo," natatawang sabi ni Xandra sa kaniya.
Napakunot-noo namang tumingin si Kyla sa kaniya. Habang ako naman ay nakangisi lang.
"Bakit naman?" Takang tanong pa ni Kyla.
"Kasi habang tumatagal lalo kang pumapayat dahil sa mga bulate sa tyan mo." Sabi pa ni Xandra saka tumawa pa ng malakas.
"Ansama mo, Xand. 'Di ba pwedeng namamayat lang ako dahil nagda-diet ako." Nakangusong sabi ni Kyla na ikinatawa namin ni Xandra.
"Eh, sabi mo nanghihingi na ng pagkain ang mga alaga mo." Natatawang sabi naman ni Xandra.
![](https://img.wattpad.com/cover/246059751-288-k81059.jpg)
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season One (Complete✓)
Fiksi RemajaAshi Vhon, isang babaeng pasaway, astig at boyish ay isang transferee sa San Francisco University kung saan gusto niyang makamtan na ang tahimik at normal na buhay, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may naghihinatay pa lang bagong pagsubok na naman...