chapter 47 " Keart courting Kyla"

195 16 3
                                    

A/N: Hello po good evening po! By the way, please enjoy reading guyzz and please support me po in this story.

Don't forget to Vote comment and Follow!

____________________________________

Ashi Vhon Pov.

Kasalukuyan pa kaming kumakain ngayon habang panay ang daldal ng mga kasamahan namin. Panay ang tanong at kwento nila kay Jiro na nakangiti namang sumasagot sa kanila.

Habang ako ay tahimik na kumakain lang at nakikinig lang sa kanila.

Kanina ko pa nararamdaman na may nakatingin sa 'kin pero 'di ko na nilingon kasi wala akong paki!

Kain lang ako nang kain habang sila ay nag-uusap pa rin.

Nakakarinig pa ko ng iilang mga bulungan koug ka ano-ano ba namin si Jiro. Lalo na ako psh!

Paki nila?

Tsk!

"Ahm... Kuya? Saan ka po nag- aaral?" biglang tanong pa ni Stella.

Interesado? Psh!

"Sa SLU ako nag-aaral," nakangiting sagot ni Jiro.

"Po? SLU? 'Di ba 'yon 'yong school na isa sa mga sikat dahil magagaling din ang mga students do'n maliban sa school namin?" nakangiting tanong pa ni Theresa.

Nakangiting tumango naman si Jiro.

"Oo, 'yon nga," ngiting sabi pa niya.

Tsk!

"Wow! Do'n ka pala nag-aaral? Ang astig naman balita ko do'n din nag- aaral 'yong pamangkin ng may-ari ng school na 'yon. Iyong pikamagaling sa larangan ng medisina at sa abogadosiya.'' nakangiting sabi pa ni Stella.

"Yeah! Do'n nga," nakangiting sabi pa ni Jiro.

Aba! Kung maka ngiti ang tukmol na to psh!

"Wahh!! Ang galing naman! Dana makita namin siya! Andaming nagsasabi na napaka gwapo niya raw!" tiling sabi pa ni Theresa.

Tiningnan ko si Jiro at nakangiti ng malaki ang tukmol!

Psh!

"Anong year ka na pala, Kuya?" biglang sabat ni Bella.

Kain lang ako ng kain habang tahimik na nakikinig lang sa kanila. Gano'n din sila Xandra at kyla.

'Wag lang talaga mag kamali ang isang 'to psh!

"Third year college," nakangiting sagot pa nito.

"Woh! Talaga? Ano naman ang course mo?" nakangiting tanong pa ni Stella.

"Med," makiling sagit niya.

"Wahh talaga? Wow! Ang galing naman. Sure akong magaling kang doctor." nakangiting sabi pa ni Bella.

"Oo nga, wah! Ikaw talaga ang kukunin kong Doctor 'pag ako nagkasakit kyahh!" tiling sabi pa ni Theresa.

Psh! Napapailing na lang ako.

Iba rin! Tsk!

Natawa na lang si Jiro bago tumingin sa kaniya.

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon