chapter 16 "Nīsan"

265 21 3
                                    

A/N: hello po sa lahat. Magustuhan niyo sana ang kabanata na ito.

Kyla Pov.

Nandito na kami sa resto bar ngayon. Kakarating lang namin at papasok na kami sa loob. Buti na lang talaga 'di nagalit si Ashi sa 'kin kanina.

Hehehehe.

Ayaw kasi niyang may makaalam kung saan ang bahay namin. Kahit si Kuya Jiro na siyang sandigan namin. Ang taong nagmamalasakit sa 'min. At ang taong tumulong sa 'min sa tuwing may problema at ay kailangan kami.

Believe nga ako kay Kuya, eh imbis na sa U.S siya nag-aral ay bumalik na lang uli dito sa pinas para sa 'min. Ang sweet sweet talaga ni Kuya Jiro pagdating sa 'min.

Gano'n din naman kami sa kaniya. Nagiging sweet at isip bata lang kami kapag kami-kami ang nagsasama. Hindi kami kailanman naging isip bata sa harap ng maraming tao kahit sa harap ng mga magulang namin.

Pero si Kuya alam niya lahat sa 'min. Except lang sa isang bagay na 'di namin sinasabi sa kahit na sino. Kami lang tatlo ang nakaka alam no'n at hindi niyo rin pwede malaman sa ngayon hahahaha.

Seriously mabait talaga si Kuya Jiro. Mas priority kaya kami niyan kesa sa iba o sa mga bagay-bagay. Alam niyo na mahal kasi niya si Ashi para na ngang kapatid namin 'yon, eh. Pati kami mahal niya din. Super duper mabait talaga siya.

He can make all things that he want to do for us.

Gano'n niya kami kamahal. Para sa kaniya kami ang mga prinsesa niya hahahaha. Kahit minsan masungit 'yon lalo na kapag galit na parang dragon na bubugahan ka ng apoy sa sobrang galit, eh. Pero kahit gano'n siya, mahal namin siya. Dahil siya lang ang nag-iisang meron kami ngayon.

Kaya alam kong 'di kayang magalit ni Ashi sa kaniya. Kala ko kasi magagalit 'yon kanina kasi nasabi ko kay Kuya kung saan kami nakatira. Makulit kasi si Kuya, 'di ka niya titigilan hangga't 'di ka niya napapaamin o mapasunod sa kaniya. Kay Ashi lang ata 'yon, under eh.

Hahahaha.

Shhhhh lang kayo, ahh baka ako ang mabugahan ng apoy ni Ashi.

Tch!

"Hoyyy! Anyare sa'yo? Kanina ka pa nakangiti d'yan, tara pasok na tayo sa loob." pukaw sa 'kin ni Xandra.

Gosh! Kanina pa pala ako nakangiti, 'di ko napansin 'yon ahh!

Ang lalim kasi ng iniisip, eh muntik na akong malunod psh!

Kontra ng isip ko psh!

Agad na akong sumunod sa kanila at pumasok na sa loob. Ala-una pa at marami pa ring mga customers ngayon.

Agad kaming sinalubong nila Mina at Joyce.

"Oh? Nandito na pala kayo." sabi ni Joyce.

"Ayy! Hindi girl hindi, nando'n sila pa, oh!" pabalang na sabi ni Mina sabay turo sa labas.

Hahahaha!

Nagsuaungit na naman ang isang 'to, oh.

"Tumahimik ka nga, 'di ikaw kinakausap ko, eh!" inis na sabi ni Joyce sa kaniya.

"Ay gano'n, o siya nandito na kayo---"

"Ay! Hindi hindi! Nasa bahay pa sila." pabalang na sabi ni Joyce na ikinatawa namin.

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon