chapter 27 " blocking"

178 16 2
                                    

A/N: Hello guyss please support me sa mga stories ko.

Ganadong nag UD ang author niyo ngayon kaya heto.

__________________________________

Ashi Vhon Pov.

Halo-halo ang inis na nararamdaman ko ngayon. Ewan ko kung dahil ba sa napag usapan namin ni Jiro o dahil malalate na ako sa klase. Kakarating ko lang sa parking lot.

Masyadong seryuso ang pag-uusap namin kanina. Kaya hindi ko namalayan ang oras. Masyadong mabigat ang kalooban ko ngayon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Galit at inis ang nararamdaman ko.

Hindi ko malaman ang gagawin ko ngayon. Ramdam ko pa rin ang init ng ulo ko. Naiinis ako sobra. Bakit ba kasi ganito ang buhay kong 'to.

Napakaraming mga bagay na hindi ko mawari at maintindihan. Maraming mga problemang kailangan kong harapan.

Nabwebwesit ako. Peste kasi kung bakit ito pa ang nangyari sa buhay ko. Bakit 'di na lang tulad sa iba na normal ang buhay peste!

Nakakainis! Lalo lang dumami ang problemang iisipin ko. Kailan ba kasi matatapos lahat ng problema ko peste! Halos 'di ko na alam kung pa'no ako bumyahe papunta dito sa school.

Parang gusto ng tumulo ang luha ko pero pinipigilan ko. Hindi sa ganitong oras ako dapat panghinaan ng loob. Kailangan kong mas maging matatag ngayon. Ayaw ko sanang pumasok pero kailangan ko pa rin pumasok.

Tsk!

Agad ko nang hinugot ang susi sa motor ko saka nagmamadling pumasok sa loob. Wala pa akong agahan dahil 'di ko na naisip pang kumain. Bakit ngayon pa kasi psh!

Kainis!

Kung saan medyo maayos na ako saka naman dumagdag ang mga pesting pakikialam ng pamilya ko! Bwesit na 'yan!

Pero kailangan hindi ako pang hinaan ng loob!

Hindi ngayon kung saan mas kailangan ko pa ng lakas!

Hindi ngayon kung saan maayos na sana ako!

Kung hindi na lang sana nila ako pinakialam pa!

Wala na rin namang magbabago!

Bwesit naman, oh!

Lakad takbo na ang ginagawa ko habang nasa hallway pa ako.

Tiningnan ko ang relo ko at ilang minuto na lang magsisimula na ang unang sub namin. Hindi ko na masydong tiningnan ang nilalakaran ko.

Hindi ko alintana pa ang mga students na nakatingin sa 'kin. Bakit pa sila nandito, eh ilang minuto na lang time for class na!

Tsk!

Paki ko nga pala sa kanila bwesit. Mainit ulo ko ngayon sana nga lang walang asungot na e-eksena ngayon. Kundi baka sila pa ang mapagbuntunan ko ng galit at inis.

Buset naman, oh!

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at hindi pinansin ang mga bubuyog na nagbubulungan na naman peste kayo! Mapaos sana kayo! Buset!

Tiningnan ko uli ang relo ko habang nagmamadaling naglakad nang biglang...

*BLAAGGG!!!

What the hec!?

Shit!

Ang sakit!

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon