Drixon's Pov.
NAKATULALA lang kaming nakatingin sa babaeng pa cool matapos niyang sabihing 'di siya mag-so-sorry sa 'kin.
Tiningnan lang niya ako ng walang ka buhay-buhay dahilan para matuod ako sa kinatatayuan. Pagkatapos iniwan niya kaming nakatulala bago lumapit sa table nila at kinuha ang bag niya. Kinausap pa siya no'ng isang kaibigan niya bago naglakad paalis.Saktong madadaanan niya ang kinatatayuan namin. Tiningnan lang niya kami saka tuloy-tuloy na lumabas ng cafeteria habang nakasunod pa ang dalawa. Hindi makapaniwalang tiningnan ako ni Keart at Keith.
Nakita ko ring hindi makapaniwala ang mga students na nandito sa loob dahil sa ginawa no'ng pa cool na babaeng 'yon. Natauhan lang ako nang magsalita si Keart.
"Grabe, tol! Gano'n siya ka astig at ka cool para 'di siya matakot sa 'tin!" Bulalas niya.
Tse!
"Oo nga, ang astig niya." Bulalas ni Keith habang nakasunod ang tingin nito sa papalayong magkakaibigan.
Kahit ako 'di ako makapaniwala. For the first time, ngayon lang may kumalaban sa 'kin. Ngayon lang may naglakas-loob na tapunan ako ng pagkain ng hindi nag-so-sorry. Alam kong 'yon din ang nasa isip ng ibang mga students na nakakita kanina.
Bigla akong napatingin sa damit kong may mantsa dahil sa pagkaing natapon kanina. Hindi rin ako makapaniwala na nagawa niya 'yon kay Kathy, which is isa rin sa mga bullies like me.
Ngayon ko lang din nakitang may gumawa no'n sa kaniya at sa 'kin. Ang mas nakakainis pa ay isang newbie pa talaga.
"Omy!! Nagawa niya talaga 'yon!"
"Ang astig naman niya."
"Oo nga, 'di nakapalag ang malditang si Kathy."
"Buti sa kaniya 'yon bully kasi,"
"Hanga ako sa tapang nang newbie na 'yon."
"Imagine! Ang king ng mga bullies 'di rin nakapalag sa kaniya."
"Oo nga, astig talaga."
"Sana maging friends ko sila."
"Ako rin, alam kong mabait sila."
"Oo nga, tama rin naman siya, pinaghirapan 'yong pagkain tapos masasayang lang."
"Duhh! Masasayangan talaga siya kasi minsan lang sila makakain gano'n."
"Oo nga naman, hindi niyo ba nakita ang mga damit nila, poor girls."
"Yup! So cheap!!"
"Kaysa naman sa inyo mayaman nga, maarte naman at puno ng kayabangan."
"Shut up bitch!"
"Bitch mo mukha mo!"
"Buti pa sila kahit newbie mabait, eh kayo? Puro kayo arte at kayabangan pwe!"
" 'Wag mo nga silang kampihan! mayaman ka rin naman, ah!"
"Oo, mayaman ako pero 'di tulad niyo pinagyayabang ang kayamanan, spoiled brat pa che!"
Mga bulungan sa paligid. Inis na tumingin ako sa kanila.
Peste!
"Can you all shut up!" Inis na sigaw ko dahilan para matahimik sila.
Nagsibalik ang iba sa pagkain habang ang iba naman ay palabas na. Kainis nakakarindi sa tainga ang ingay-ingay, tse!
"Lagot ka sa 'kin tomboy ka!" Inis na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season One (Complete✓)
JugendliteraturAshi Vhon, isang babaeng pasaway, astig at boyish ay isang transferee sa San Francisco University kung saan gusto niyang makamtan na ang tahimik at normal na buhay, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may naghihinatay pa lang bagong pagsubok na naman...