A/N: Hello! Hope you enjoy reading and please support me guyzzz.
Don't forget to Vote, comment and Follow!
____________________________________
Ashi Vhon Pov.
Araw ng Monday ngayon at papasok na naman kami. Inaantok pa ako pero bumangon na ako. Napagod kami sa trabaho kagabi sa resto bar.
Halos magdadalawang buwan na kami sa school na 'yon at gano'n pa rin. Mas lalong may nambubully sa 'min sa mga nagdaang buwan. Pero isa man sa mga 'yon ay iniiwasan namin at hindi namin pinapatulan. Ilang beses na rin kaming napatawag sa Dean's office or sa Disciplinary office.
Isang matinding pagtitimpi ang ginagawa namin. Halos araw-araw ay parang impyerno ang buhay ko sa school na 'yon sa halos dalawang buwan na naming pumasok do'n. Ako ang laging binubully nila. Bagay na kahit ni katiting na paki ay wala ako.
Nasasangkot lang ang mga kaibigan ko kapag tinutulongan ako. Kaya kinausap ko silang huwag na lang makialam. Ni Hind ko alam kung bakit nila ako binubully samantalang wala naman akong natatandaang may kasalanan ako sa kanila peste!
Idagdag mo pa ang impaktang Kathy na 'yon. Hindi talaga nadadala ang pesteng 'yon. Pasalamat siya at nagtitimpi ako sa kaniya. Hindi ako tulad niyang makitid ang utak psh!
Kung ano-ano ang pinaggagawa, eh wala namang kwenta peste!Sarap niyang gilitan ng leeg kasama ang mga alagad niyang impakta rin. Kung hindi ko lang sana gusto ng tahimik na buhay ay pinatulan ko na sila. Hindi pa nila kami kilala lalo na ako.
Galit at inis na inis na nga si Xandra at Kyla dahil sa pinag gagawa sa 'kin. Pero balewala lang naman sa 'kin ang lahat ng 'yon. Psh! walang mga kwenta 'yon sinasayang lang ang oras ko.
Tsk!
At sa halos dalawang buwan namin sa SFU ay pinagtritripan din ako no'ng pesteng Bisugo. Trip talagang inisin at galitin ako. Buti na lang laging nandyan si Lyle na siyang tutulong sa 'kin. Kahit hindi namin sila close pero tinutulongan pa rin nila kami. Kahit kaibigan nila 'yong kaaway ko. Kung ano-ano ang pinaggagawa ng bisugong 'yon. Wala na atang magawa sa buhay.
Buti na lang talaga hindi ako tulad ng iba na madali lang sindakin at paamuhin tsk! Kung iniisip niyang magpapasindak ako sa kaniya nagkakamali siya.
Dahil wala akong paki sa kaniya. Minsan nga natatawa na lang ako sa isip ko sa mga pinag gagawa nila. Natatawa ako kasi para silang mga tangang nauulol! Psh! Makikitid ang mga utak nila. Parang mga bata.
Tsk!
Para silang mga asong hinahabol ang pusa para pagdiskitahan.
Hanep sa trip psh!
Kunti na lang talaga at magigilitan ko sila ng leeg!
Tsk!
Sila Bella, Stella at Theresa ay mas naging malapit sa 'min. Gano'n na rin ang tatlong sila Brix, Nathan at Firm. Minsan sumasabay sila sa 'ming kumakain. Minsan naman kung ano- ano ang ibinibigay nila sa 'min. Hindi ko nga sana tatanggapin pero pinipilit nila ako. Pati mga kaibigan ko. Hindi sila isip bata, sadyang nakakatuwa lang sila. Hindi nga lang ako minsan nakikisali sa kanila na magkatuwaan at magdaldalan.
Si Xandra ay napadalas na rin ang pagsasalita. Mukhang nahawaan kay Kyla at sa iba pa naming kaibigan.
Si Keart naman ayon parang sira tsk! Simula no'ng bigyan kami nila Brix pasalubong ay lapit na siya nang lapit kay Kyla. No'ng una nagtataka si Kyla dahil biglang lumapit sa kaniya si Keart.
![](https://img.wattpad.com/cover/246059751-288-k81059.jpg)
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season One (Complete✓)
Novela JuvenilAshi Vhon, isang babaeng pasaway, astig at boyish ay isang transferee sa San Francisco University kung saan gusto niyang makamtan na ang tahimik at normal na buhay, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may naghihinatay pa lang bagong pagsubok na naman...