chapter 19 "stitch"

214 19 2
                                    

A/N: Hello! good day mga Blueeem babies! Enjoy reading!

Drixon Pov.

Papalabas na kami ngayon sa mall. Pasado alas-onse y medya na rin ng tanghali. Naglilibot pa kasi kaming magkakaibigan sa buong mall. Matapos kasi kaming mag usap sa NBS kanina ay nagyaya si Keart na maglibit-libot.

May iilan din kaming binili, may binili pa nga akong stitch para kay Drixie. Favorite niya ang stitch kaya nga stitch lover ang tawag ko minsan sa kaniya.

Sigurado akong matutuwa 'yon at hindi pa ako isusumbong kela Mom and Dad pati na kay Lolo tse!

"Mag lunch muna tayo." sabi pa ni Keith.

"Oo nga, gutom na ako, eh." sabi pa ni Keart.

"Sige ikaw, dre?" tanong pa ni Lyle at napatingin sila sa 'kin.

"Ah yeah, sige." sagot ko.

Tumango lang sila.

Nasa ground floor na kami ng may mamataan akong Familiar, medyo may kalayuan lang kunti sa 'min. Tiningnan ko 'yon ng maayos at tama nga ako.

Ang tatlong newbie at may kasama pang lalaki na nakaakbay kay panget. Mukha silang nag-uusap at nakangiti ang lalaki habang nakaakbay pa rin kay panget. Habang gano'n pa rin ang expression sa mukha ng panget na 'yon.

Bahagyang nakangiti si Kyla at Xandra.

"Sino tiningnan mo d'yan?" biglang tanong pa ni Lyle.

Tumigil na rin sila sa paglalakad at sinundan ang tiningnan ko.

"Oh! Ang tatlong newbie, ahh... at may kasama pang gwapong lalaki na nakaakbay pa kay Ashi. Ano ginagawa nila dito?" takang sabi pa ni Keith.

"Malamang, dude gumala pero teka, sino 'yang gwapong lalaki?" sabi pa ni Keart sabay tanong at tumingin sa 'kin.

Tse! Bakit sa 'kin naman siya nagtanong? Eh, 'di ko nga kilala, eh tse!

"Bakit sa 'kin ka nagtanong?"balik na tanong ko sa kaniya.

" Oo nga 'no? hehehe." natatawang sabi pa niya saka tumingin ulit kela panget.

"Mukhang close na close, ahh nakaakbay, eh oh!" sabi pa ni Keith.

Tiningnan ko ng maigi si panget. Ang baduy talaga niya manamit, eh samantalang maayos naman ang sa dalawa pang kaibigan niya. Fit na jeans at hindi maluwang na t-shirt. Kay panget naman ay malaking t-shirt at maluwang na jeans tse!

Walang ka taste-taste manamit ang putek! Sure ako maraming nandidiri d'yan, tse!

Para talaga siyang taong kalye o 'di kaya ay taong bundok, psh!

Mas bagay pa sa kaniya kung sa bundok siya tumira bagay doon ang pananamit niya. Gumala na nga lang baduy pa rin manamit, tse!

"Ang ganda ni Kyla, oh lalo na kapag nakangiti." nakangiting sabi pa ni Keart.

Napapailing na lang ako.

"Mas maganda din naman 'yong isa. Kaya lang para siyang tulad ni Ashi cold din, tss!" sabi naman ni Keith.

"Maganda din naman si Ashi, baduy lang talaga siya manamit pero bagay din naman sa kaniya, eh! Cool." nakangiting sabi pa ni Lyle.

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon