A/N: hello po sa lahat, hope you enjoy reading!
____________________________________
Drixon Pov.
Nasa parking lot na kami ngayon kasama ang mga kaibigan ko. Kanina pa ako na bwebwesit sa panget na 'yon eh! Binabastos pa si Tita walang modo talaga ang panget na 'yon kala mo kung sino tse!
Kundi lang siya babae--este kahit tomboy pa 'yon ay sinapak ko na.
Aish!
Nagsipa-alam na ang mga kaibigan ko at ako nalang ang naiwan dito. Nasa loob na ako ng sasakyan ko. Lumingon ako sa labas ng bintana at saktong nakita ko sila panget.
Nagpa-alam na ang mga kaibigan niya at pumasok na sa mga kotse nila. Nakasampa na si panget sa motor niya habang pa cool pang nakaupo.
Tse!
Tiningnan ko siya ng mabuti. Parang pagod na pagod siya. Mukha siyang matamlay at namumungay pa ang mga mata niya. Nakikita ko siya kasi malapit lang siya dito sa kotse ko.
Parang wala siyang paki-alam sa paligid. Maya maya ay pinaandar na nito ang motor niya saka pinaharurot paalis. Tse! Anyare sa panget na 'yon?
psh!
Pinaandar ko na rin ang kotse ko saka nag drive patungo sa bahay. Maya maya ay nakarating na ako.
Agad kong pinark ang kotse ko sa garahe ng bahay namin. Pagkatapos ay agad ng bumaba.
Pagkapasok ko si Manang lang ang nakita ko.
"Oh? Nandito ka na pala, hijo." Sabi pa ni Manang ng makita ako.
"Mano ho Manang." Nakangiting sabi ko.
"Abay pagpalain ka ng Dios hijo. Sige na at magmeryenda ka muna." Nakangiting sabi pa nito.
Napakamot nalang ako ng batok ko.
"Ahm, wag na ho Manang, pagod po kasi ako eh. Magpapahinga nalang po muna ako." Nakngiting sabi ko.
Nilingon ako ni Manang at tiningnan bg mabuti.
"Ay ganon ba, sige tatawagin nalang kita mamaya pag kakain na, hijo." Sabi nito tumango nalang ako saka naglakad paakyat pero napatigil ako saka bumaling kay Manang.
"Ahh, Manang!" Tawag ko pa sa kaniya. Lumingon naman siya agad.
"Bakit, hijo?" Tanong niya.
"Naka uwi na po ba si Drixie?" Tanong ko pa.
"Oo, nasa kwarto niya." Sagot nito.
"Sige salamat po Manang akyat na ako." Sabi ko at nakangiting tumango lang ito.
Agad na akong tumuloy sa taas at pumasok sa kwarto ko. Inihagis ko nalang sa sofa ang bag saka hinubad ang sapatos at nagtungo sa banyo. Maliligo nalang muna ako bago magpahinga.
____________________________________
*Kinabukasan
Maaga akong nagising kaya agad na akong naglinis ng katawan. Pagkatapos ay nagbihis na. Maaga akong papasok ngayon may kailangan lang akong gawin psh!
Nagsuot muna ako ng sapatos bago kinuha ang bag ko at isinabit sa balikat ko. Pagkatapos ay bumaba na ka agad ako. Naabutan ko pa sila Mom pababa ng hagdan.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season One (Complete✓)
Teen FictionAshi Vhon, isang babaeng pasaway, astig at boyish ay isang transferee sa San Francisco University kung saan gusto niyang makamtan na ang tahimik at normal na buhay, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may naghihinatay pa lang bagong pagsubok na naman...