Hello to Delyndoxx! Hope na lagi mo akong suportahan sa story ko.
That's all!
Ashi Vhon's Pov.
NANDITO kami sa hagdanan ngayon at nakaupo habang nagdadaldal si Bella. Galing kami sa classroom kanina at napaka-ingay kaya naman bumalik na lang kami rito sa hagdanan. Wala namang klase.
Tsk!
"Oh, 'di ba? Sabi ko sa inyo walang klase, paniguradong bukas meron na." Nakangiting sabi ni Bella.
Palangiti talaga siya, ah.
"Yup! Pero okay na rin 'yon para makapag-advance study tayo." Sabi ni Kyla habang nagbubuklat ng libro sa Science.
Hilig namin ang magbabasa para makapag-advance study na rin.
"Oo nga, 'no? Dapat magbasa na rin ako." Sabi pa ni Bella sabay bukas sa bag niya at inilabas ang history book nito.
Akala ko ba hindi siya nagdala ng libro. Psh!
"Oum. Para naman may isasagot tayo 'pag magtanong o magsimula na ang klase." Sabi uli ni Kyla.
Nakikinig lang kami sa kanila habang Science book din ang binasa ko. Math naman kay Xandra.
"Oo nga pala, may new classmates na naman tayo ngayon." Nakangiting sabi ni Bella.
Baka 'yong pinag-uusapan ng mga studyante kanina.
"Sino?" Tanong ni Xandra habang nakatingin pa rin sa naka-bukas na libro.
"Si Lyle, isa sa mga kaibigan ng bully king. Pero siya ang pinaka- mabait sa kanilang apat," Nakangiting sabi ni Bella.
Para pa siyang kinikilig.
Tsk!
"Oh? Tapos?" Tanong pa ni Kyla.
"Sa U.S siya galing, doon kasi siya nag-aral ng third year. Pero ngayon bumalik ulit siya rito, ewan ko lang kung bakit." Saad pa ni Bella.
Tsk!
"Bakit naman siya naging kaibigan ng king of bully rito?" Tanong pa ni Kyla.
"Ahh 'yon, ano kasi magkaibigan na ang apat na 'yon since elementary. 'Tsaka, nahiwalay lang siya no'ng sa U.S siya nag-aral, ang daddy at mommy niya ang nagpa-aral sa kaniya roon." Sagot naman ni Bella.
Updated, ah! Sabagay mukhang kilalang-kilala naman niya.
"Ahh, gano'n ba," sabi na lang ni Kyla.
"Sino pala 'yong king of bully na sinasabi niyo?" Takang tanong ni Xandra.
Sino pa? Eh, iyong natapunan ko ata kahapon. Narinig ko na rin 'yon kahapon sa mga bulungan. Lalo na no'ng nangyari sa cafeteria.
![](https://img.wattpad.com/cover/246059751-288-k81059.jpg)
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season One (Complete✓)
Teen FictionAshi Vhon, isang babaeng pasaway, astig at boyish ay isang transferee sa San Francisco University kung saan gusto niyang makamtan na ang tahimik at normal na buhay, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may naghihinatay pa lang bagong pagsubok na naman...