Lyle Pov.
NAMANGHA ako sa galing ng tatlong transferee sa paglalaro ng basketball. Ang astig nila bagay sa kanila ang personality nilang tahimik pero maraming alam. Cool! Mabilis at kakaiba ang kilos, lalo sa paraan nila sa paglalaro. Kahanga-hanga ang magkakaibigang 'yon. Lalo na si Ashi, napakagaling niya maglaro kahit na pang P.E lang 'yon pero halatang wala silang paki basta makalaro lang sila.
Blanko ang mga mukha nila kanina habang naglalaro. Animo'y balewala lang sa kanila ang laro na 'yon. Parang sanay na sanay na sila. Saan bang school galing ang mga 'to?
"Tara na dre!" Sabi ni Keith na tinapik pa ang balikat ko.
Tumango na lang ako at tumayo na. Tapos na ang time namin sa P.E at next sub na uli. Napatingin pa ako sa gawi nila Bella at nakatayo na rin sila bago nagsimulang naglakad.
Ang cool din nilang maglakad, ahh! Astig! Tumingin ako kay Ashi, nakasabit sa kanang balikat niya ang bag habang nakapamulsang naglalakad. Ang cool niyang tingnan.
Naalala ko 'yong time na sinapak niya si Drix sa cafeteria. Alam kong malakas ang pagkakasapak niya dahil dumugo talaga ang ilong ni Drix. Naawa nga ako kay Drix, eh pero kasalanan din naman niya. Sinabihan ng huwag ng gumanti ayaw makinig.
Tsk!
Naalala ko rin kung paano niya iwasan at ilagan lahat ng hataw at suntok ni Drix, hindi man lang siya natamaan. Pati na rin 'yong sipa ni Drix na walang kahirap-hirap niyang iniwasan 'yon.
Ang cool talaga niya no'ng time na 'yon. Wala siyang emosyon sa mukha at blanko lang ang mukha niya.
Parang siya iyong tipo ng taong seryuso at wala sa bukabularyo ang biro. Lalo na ang magsasayang ng oras sa walang kwentang mga bagay. Seryuso at walang pakialam sa paligid niya.Minsan ay nakatungo lang siya. Minsan naman nakapikit na animo'y inaantok at walang tulog. Parang palagi siyang pagod at walang gana.
Hindi ko napansin na nasa harap na pala kami ng room namin dahil sa lalim nang iniisip ko. Agad na kaming pumasok sa loob at dumeretso sa upuan namin sa likod. Nakita ko pang nakadukdok si Ashi sa upuan niya.
Habang tahimik naman si Xandra sa gilid niya. Nagdadaldadl si Bella at si Kyla lang ang nakikinig sa kaniya. Umupo na lang ako saka tumingin kay Drix na ang sama ng tingin sa likod ni Ashi na nakadukdok sa upuan.
Napailing-iling na lang ako. Walang pinagbago ang isang 'to tss! Pasaway pa rin at bully. No'ng umalis ako rito last year ay pasaway at bully pa rin. Akala ko magbabago na ang lalaking 'to pero lalo lang ata lumala.
Napabuntong-hininga na lang ako.
"Lalim ata nang iniisip mo, dude." Sabi ni Keith sa 'kin.
"Wala," sabi ko na lang sa kaniya.
"Weh?" Pang-aasar pa niya.
'Tong isang 'to. Pala asar pa rin pero bihira na lang 'yon. 'Di na tulad ng dati na nambubully din tulad nila Keart at Drix. Nagbago na nga ang gunggong na 'to.
Tsk!
'Di ko na lang siya pinasin saka pumasok na rin ang lec namin sa pilipino. Nakikinig lang kami sa discussion niya.
___________________________________
Ashi Vhon Pov.
NAKIKINIG lang kami sa discussion ng pilipino lec namin. Kanina pa ako nakakaramdam na may nakatingin sa 'kin ng masama at alam ko na kung sino 'yong ugok na 'yon tsk! Discuss
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season One (Complete✓)
Novela JuvenilAshi Vhon, isang babaeng pasaway, astig at boyish ay isang transferee sa San Francisco University kung saan gusto niyang makamtan na ang tahimik at normal na buhay, ngunit ang hindi niya inaasahan ay may naghihinatay pa lang bagong pagsubok na naman...