chapter 82 "Announcement"

184 21 2
                                    

Kyla Pov.

M O N D A Y

Maaga akong nagising kanina kaya maaga rin akong nakapaghandan ng agahan namin. Tapos na rin akong maligo at naghahanda na sa hapag para makakain na kami.

Hindi pa bumaba si Ashi. Alam namin hindi siya okay kahit na ang pinapakita niya ay okay siya. Kagabi pa siya mas lalong tumahimik at walang ni isang salita ang lumabas sa bibig niya.

Simula no'ng nangyari kahapon ay mas nag iba si Ashi ngayon. Alam kong hindi niya inaasahan ang nangyari kahapon.

We all know that she have a strong personality pero alam naming nanghihina rin siya pagdating sa mga ganitong problema niya.

Sa ganitong sitwasyon ay dapat tatahimik lang kami ni Xandra at babantayan na lang siya.

Wala kaming magagawa para sa kaniya. Ang tanging nagawa lang namin ay 'yong manatili sa tabi niya.

Basta huwag lang kaming makialam. Bagay na ayaw na ayaw ni Ashi. Keso ayaw niyang pati kami ay madamay sa problema niya.

Napabuntong-hininga na lang ako at naglagay ng pinggan sa Mesa.

Nakita kong bumaba na si Xandra.

Nakabihis na ito at handa na para sa school.

"Oh! Good morning." bati pa nito.

"Good morning din si Ashi?" bati ko sabay tanong.

Naatingin pa siya sa hagdan bagao sumagot sa 'kin.

"Mukhang naliligo pa." sabi pa niya saka kumuha ng baso at nagtimpla ng kape.

Naupo na lang ako sa upuan ko.

"Ayos lang kaya siya?" nag-aalalang tanong ko pa.

Rinig kong napabuntong-hininga pa ai Xandra.

"I don't know. Alam mo naman 'yon but I think we should shut up first." sabi na lang niya sabay tingin sa hagdan at upo sa harap ko.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Nakita kong naglakad na si Ashi palapit sa 'min.

Blanko at seryuso lang ang mukha niya.

"Good morning, Ash." nakangiting bati ko.

Tinanguan lang niya ako. Tumayo ako saka kumuha ng baso at pinagtimpla siya ng kape.

Pagkatapos ay inabot ko na sa kaniya at umupo na ulit ako saka nagsimulang kumain.

Panaka nakang sumusulyap ako kay Ashi. Parang wala lang sa kaniya ang coldness niya ngayon.

Tuloy-tuloy lang siya sa pagkain. Maya-maya ay napatingin ako kay Xandra na saktong tumingin rin sa 'kin.

Binigyan ko siya ng---tanungin mo kung okay lang siya--look.
Pero hindi niya ako pinansin at tuloy- tuloy lang siya sa pagkain.

Napailing na lang ako sabay lunok ng kinain ko. Tiningnan ko si Ashi.

"A-ahh, a-ayos ka lang, Ash?" kinakabahan kong tanong kay Ashi.

Napatingin pa siya sa 'kin sabay tango at muling bumalik sa pagkain.

Hindi na lang ako nagtanong uli. Wala talaga siya sa mood magsalita. Iba talaga siya ngayon, eh psh!

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain hanggang sa matapos na.

Sabay-sabay kaming nagtungo sa school. Sabay din kaming nagpark sa parking lot ng walang kibuan. Haysstt! Hindi talaga ako mapakali psh!

Madalang lang kasi siya maging ganito. Minsan kahit ganito siya ay nagsasalita pa rin siya kahit kunti. Pero ngayon hindi na!

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon