chapter 41 "Afraid"

176 17 1
                                    

A/N: hello guyzzz hehehe good evening charott.. please support me po in this story heheheh.

Don't forget to Vote, comment and follow!
____________________________________

Kyla Pov.

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Pupungay-pungay ang mata kong dumilat at pinatay ang alarm clock.

Inaantok pa ako tch!

Pumikit pa ako sandali at maya-maya ay bumangon na ako. Uminom muna ako ng tubig na nasa bedside table ko lang.

Inaantok pa ako kasi anong oras na kami nakauwi kagabi galing sa resto bar. Napagod talaga kami. Kailangan naming kumayod ng maige dahil malapit ng maubos ang pera namin.

Nag stretch muna ako saka tuluyang tumayo sa kama at dumeretso sa banyo. Magtotoothbrush na lang muna ako. Mamaya na ako maliligo kapag tapos na akong magluto.

Pagkatapos ay agad na akong bumaba. Nakita kong kakababa pa lang ni Xandra. Gising na rin pala rin pala siya. Sumunod na lang ako sa kaniya sa kusina.

"Good morning." bati ko nang makapasok ako sa kusina.

"Good morning din." bati niya pabalik.

"Tulog pa si Ashi?" tanong ko.

"Hmm... alam mo naman 'yon tagal gumising." sagot pa niya habang tumango-tango.

"Ahh, yeah... ako na ang magluluto." sabi ko.

Tumangong siya saka nag timpla ng kape. May mainit na tubig na kasi na nasa termos namin.

Nagtimpla na din ako pagkatapos ay inihanda ko na ang lulutuin ko.

"Maglilinis na lang muna ako," sabi pa ni Xandra ng matapos magkape.

"Sige!" sagot ko kaya kumuha na siya ng walis tambo at nagwalis na.

Nagsaing na muna ako ng kanin pagakatapos ay ulam naman sa kabila. Stove kasi ang gamit namin para madali lang kaming makapagluto. Kahit na mahirap o kapos kami sa pera. Nagtulungan kami para sa mga kakailanganin sa bahay namin.

Mga 30 minutes bago ako matapos sa pagluto. Hindi pa tapos maglinis si Xandra. Nagwawalais na siya sa labas ng bahay. Agad na akong pumasok sa kwarto ko at naligo na muna. Tapos naman na maligo si Xandra kanina.

Mabilis na akong natapos at nakapagbihis na ako. Nag pulbo na lang ako saka naglagay ng lotion. Hindi na ako naglagay ng perfume kasi mabango naman ako psh!

Sinong aangal dyan jojowain ko. Psh!

Agad na ako lumabas ng matapos. Pagbaba ko nakita ko si Ashi na bihis na bihis na rin at naghahain sa mesa.

"Good morning." nakangiting bati ko.

"Morning," bati niya.

Ang ikli talaga niyang magsalita kadalasan. Bihira nalang 'yan magsasalita ng mahaba psh!

"Asan na si Xandra?" tanong ko pa.

Saka umupo sa upuan ko.

"Nagbihis pa, bababa na rin 'yon." sagot niya tumango na lang ako.

Naupo na rin siya at maya-maya bumaba na si Xandra at bihis na bihis na ito.

"Kain na tayo." nakangiting sabi ko.

Kaya nagsimula na kaming kumain. Oo nga pala mamayang alas kwatro ang practice namin sa dance group.

Fall Into Her season One (Complete✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon